5.

383 9 5
                                    

Battalion

Fucking bitch. A week had passed after the date, kung maitatawag pa ngang date 'yon. Iniwan niya akong mag-isa sa loob ng restaurant. Sure, I was rude but she was here to ruin my life, might as well make hers a living hell.

Gustong-gusto kong ibaon sa ilalim ng lupa ang nangyari na 'yon, kung gaano nakakahiyang umalis ako ng restaurant mag-isa at ipinaalam sa mga servers na magsinungaling kay dad at sabihing naging okay ang date namin.

But no matter how much I want to forget Purificacion, she was still branded on my mind. The powerful presence she brought as she slowly sauntered towards my direction, the way her greend dress hugged her curves. I cannot forget the way body reacted seeing her confident walk and talk like a real beauty queen.

I wish I could. I wish I could forget it, forget her. I should be hating her, coming in to my life tearing apart my perfectly balanced one.

"Won't you agree?" Nahila ako sa sariling pagiisip nang marinig ang boses ni Dad.

"Sorry, I wasn't following," I said.

Minuwestra ni Dad ang kamay sa direksyon ni Cielo, tumigil naman siya sa ginagawang pag-inspekto ng dalang camera at tumingin sa mga mata ko. Madilim ang ekspresyon nya at wala talaga sa mood, kagaya ko.

Binaba niya sa lamesa ang camera at pinagsiklop ang mga kamay. "Tinanggap ko ang gig na maging photographer sa engagement mo. You'll get twenty-five percent discount, don't worry. Kaibigan kita, eh."

I gritted my teeth, biting back my rebuttal. "Thank you, friend."

"You're welcome, friend. I'm looking forward to meeting your fiance."

Bumuga ako ng hangin at tumayo. "Kung 'yon lang ang dapat nating pag-usapan, excuse kailangan ko pang kitain ang future wife ko," binigyan ko ng side-eye si Cielo, "sa charity na nagv-volunteer siya."

"Gonzalo, paki-start na ng sasakyan, I'll just get ready."

Gonzalo

Pasaway na nag tawag sa akin ng mga magulang ko simula nang ipanganak ako. Wala akong pakialam kung may masasaktan o madadamay basta kung may gusto akong gawin, gagawin ko.

Kaya raw may rules dahil may rule brakers.

Isa ako ro'n. Dati na rin akong nadawit sa mga gangster na samahan. Nakisali sa akyat-bahay, holdup-an, at pagnanakaw. Labing-tatlo lang ang edad ko noong nasama ako sa mga tropa ni Mojong, nabubugbog ako kapag hindi tumutulong sa mga inuutos nila pero dahil tigas ako at ayokong umuwi sumama pa rin ako sa grupo nila.

Laking pasalamat ko nang mag-dalawampung gulang na ako ay nakilala ko si Sir Battalion. Nabisto niya akong nangungupit sa kaniya, naramdaman niya ang takot ko at simula noon ay kinupkop ako.

Binigyan ng trabaho at binigyan ng tahanan sa hacienda ng pamilya niya. Ngayon naman ay binigyan din ako ng sariling kuwarto sa bachelor pad.

Malaki ang utang na loob ko kay Sir Battalion, ibubuwis ko ang buhay ko para sa kaniya.

Pero heto at nagsisimula na naman ang pagiging pasaway ko nang magtama ang mga mata namin ng fiance ni sir. Pero tangina iba ang karismang dala ni Puri.

Noong unang magtama ang mga mata namin sa building ni Puri, iba na ang hatak niya sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan bakit niya kasama ang kaibigan ni Sir Battalion at hinalikan pa niya?

Alam kong dapat kong sabihin kay sir ang nalaman pero ayon sa kaalaman ko, hindi naman talaga nagsasama pa si Sir Battalion at Ma'am Puri, sino ba ako para makisali sa mga buhay pag-ibig nila.

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon