Kabanata 02

1.1K 43 1
                                    

Dedicated po ito kay krisiliciousKawaii!!! Maraming salamaaaat sa suporta!!!

~*~

"The Lord is my shepherd,I shall not want."

-Psalm 23:1

Raymond

Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa bahay dala-dala ang mga pinamili ko. Ay mali,inutang pala. Bakas sa mukha ko ang lungkot.

Bakit nga ba kami nagkakaganito?Simula nung namatay si Nanay,nagkanda leche leche na ang buhay namin!

Malapit-lapit na ako sa bahay ko ng may napansin ako,ba-bakit bukas 'yung pinto? Sino ang nagbukas niyan?

Dali-dali akong pumasok at nagulantang ako ng nakita ko ang isang babae na natutulog sa karton.At ang masaklap pa parang nakasuot siya ng bestida.

S-siMira? Ba-bakit siya nandito? Si Mira! Ang kapatid ko!

"Mira?"sabay yugyog ko sa kanya para gumising.

"Hmmm.."ungol niya.

"Mira,kapatid ko?"

"...Kuya?"sabay bangon niya.


Pano niya nalaman na dito ang bahay ko? A-anong pakay niya?


"Alam mo kapatid? Miss na kita!"sabay tapik ko sa ulo niya.

"Ako rin kuya! Miss na kita!"sabay yakap niya.


Si Mira 'yung pinaka swerte sa aming magkakapatid kasi na ampon siya ng mayaman na mag-asawa na mababait at mapagbigay na mga tao . Hindi kasi nagkaanak sila kaya sila nag-ampon. Naging mabuti sila kay Mira at tinuring talaga na parang tunay nilang anak. Nakapag-aral rin siya. At ngayon,2nd Year High School na. Pero sa kabila nun,tinuturing niya parin kami na magkapatid,tinutulungan niya kami sa mga bagay-bagay sa abot ng kanyang makakaya.  Si Mira na hindi nagbago kahit na nasa mabuting kalagayan na siya. Hindi niya nagawang tumalikod sakin,samin.


Kita niyo? Natulog nga siya sa karton,Kahit na naka bestida at mukhang mamahalin pa!


"Pero...bakit ka nga pala nandito? At pano mo nalaman na dito ako nakatira?"pabigla kong tanong. Nauutal namang sinagot iyon ni Mira.


"A...a...Kuya."Kinakabahan ako. Parang may mali eh. May mali. Alam kung may mali.


"Mira anong problema!"Masama ang kutob ko.


"Kuya si Janjan may sakit siya! Sinugod siya sa...ospital kuya."Pagkatapos ng mga linyang 'yun ay hindi na napigilan ni Mira ang lungkot na nararamdaman niya,na bakas sa kanyang mukha.


"May dengue siya kuya."


ANO?!!!!!!

May dengue ang bunso namin kapatid? Hindi. Hindi pwede.

Si Janjan kinupkop siya nung kapamilya namin dun sa bukid. Bukod sa nasa kolehiyo na ang anak nila. Ay may malasakit rin kasi 'yung tiya namin sa kapwa.


"Sa-saan siya naka confine? A-ano na? Ok lang ba siya? Ano!"tumaas na 'yung tono ng boses ko. hindi ko lubos na maisip kong ano ang kahihinatnan nito.


"Hindi ko po alam kuya. Ka-kaya ako narito para sabay tayong pumunta roon...."matamlay niyang sagot.


Hindi na ako nagmaangmaangan pa. Kailangan na namin makarating dun bago huli na ang lahat!


"Tara!"agad kong hinatak si Mira.



Sana ok lang ang kapatid ko. Sana...



To be continued...



My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon