Kabanata 015

331 17 1
                                    

John 14:6

"Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me."

----------------------------

Kabanata 015

Donah

Hindi na siya muling nagsalita. Hindi na siya sumagot. Nabalot ng katahimikan ang kalsada sa harap ng simbahan.

Raymond...

Nanatiling ganon ang posisyon namin. Yakap yakap ko parin siya. Pero bigla nalang niyang kunin iyong braso ko para kumawala sa yakap ko. Pumilgas siya at pilit akong tinataboy.

"Raymond....."tugon ko noong nakawala na siya mula sa yakap ko.

Napaluhod ako sa kalsada habang inuutas ang pangalan niya. Pero hindi parin siya natinag at hindi na ako muling nilingon. Patuloy na niya akong tinalikuran. Patuloy na siyang humakbang palayo.....ng palayo sakin.

Habang ako naman. Nasasaktan. Sumisikip ang dibdib ko at hindi na lubos na makahinga. Nahihirapan na ako. Patuloy'ng umaagos ang mga luha na parang wala ng bukas. Kasabay non ang tuluyan kong panghihina. Bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi pwedeng ganoon nalang. Hindi pwedeng sukuan ko nalang si Raymond.

Pinilit ko pang tumayo para sundan siya. Pero bigla nalang akong bumagsak. Unti-unting nagiging malabo ang paningin ko. Hindi ko na halos makita ang mga bagay sa paligid ko. Dahan-dahan akong nanghihina at dahan dahan ko ring ipinikit ang mga mata ko.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod pero nakarinig nalang ako ng sigaw mula sa likuran ko.

Raymond

Halo-halo ang emosyong naramdaman ko. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako at pinagsisisihan ko lahat. Lahat ng mga ginawa ko noon! Napagtanto kong ang sama sama kong tao! Demonyo lang ang nakakagawa ng mga bagay na iyon! Naging isa akong demonyo!

Sumigaw ako ng sumigaw habang patuloy ang paghikbi ko sa bawat daing ko. Sinirado ko ang kamaong ko't sinusuntok suntok ng paulit-ulit ang bubong ng bahay ko.

"Ang sama sama ko......"

Tuluyan na akong nanghina. Tuluyan na ako nawalan ng pag-asa pa. Napaluhod ako.

"Diyos ko,mapapatawad mo pa kaya ako? Matatanggap mo pa kaya ako? Ulit? ...sa kabila ng lahat ng nagawa ko?"

Pinagtabuyan Kita. Inalis kita sa buhay Ko.

Noong mga araw na iyon. Nanalangin ako Sayo 'di ba? Humingi ako ng tulong 'di ba? Nagpunta ako Sayo 'di ba? Pero kinuha Mo parin siya.

Naging mahirap ang buhay ko. Mula sa kasiyahang naranasan namin noon. Mula sa mga ngiti at mga tawa. Gumapang kami sa sahig dahil sa problema. Gumapang kami sa putikan. Hinarap namin iyon. Lumaban kami pero muli'y nagapang namin ang tinik ng buhay. Nabuhay ako sa karangyaan. Mula sa malaking liwanag ay hindi naglaon ay binalot ng kadiliman. Naging walang kwenta ang pamumuhay ko. Naging masama akong tao. Oo,sinisi ko sa Kanya lahat ng nangyari sa buhay ko. Sinisi ko Siya kasi hindi niya hinayaan ang mga dalangin ko. Pero hindi niya parin ako binababayaan. Sa kabila ng lahat ng paghihirap ko sa buhay. Hindi niya parin ako pinabayaan. Tama sila. Kahit ginapang ko paulit-ulit ang kahirapan ay may nakain parin ako maliit man iyon pero sapat na para malagyan ang tiyan ko. Kapag kailangan ko ng pagkain binibigyan niya ako. Oo lulon ako sa sugal. Nauubos ang pero ko doon pero ni minsan hindi umabot sa puntong pinapademanda talaga ako ng mga napag-utangan ko. Kasi hindi Niya ako nagawang pabayaan. Ayaw niyang umiyak ako muli. Ayaw niyang masaktan ako. Ayaw niyang bubuhat na naman ako ng problema. Ayaw niyang mawalan ako ng pag-asa. Ayaw niya. Kasi mahal Niya ako.

Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip ang mga pangyayari sa buhay ko. Nandon Siya noong naging dumilim ang buhay ko.

"Diyos ko...." Masaganang bumuhos ang mga luha na parang ayaw na nitong tumigil.

Hindi Niya nagawang talikuran ang mga tao. Ano man ang estado nito sa buhay. Masama man sa tingin ng tao. Pantay pantay tayong lahat sa Kanya.

Walang tao nga naman ang hindi bumubuhat ng problema. Lahat. Tayong lahat. Ngayon naiintindihan ko na. Kung bakit nangyari yaon sakin. Sa amin. Kasi sinusubukan niya kung hanggang kailan magtatagal ang pananampalataya natin. Kung hanggang kailan tayo kakapit sa Kanya. At kung hanggang kailan tayo bibitiw. At sa buhay ko. Tinahak ko ang maling desisyon. Sa nangyari sa buhay ko,bumitiw ako. Sinukuan Ko siya. At pinagsisihan ko iyon.

Dahan dahan kong iniluhod ang dalawa kong tuhod at inarsa ang dalawa kong kamay para ito'y isarado at iniangat ang aking mga paningin sa itaas habang patuloy paring humihikbi.

Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata,

"Ako ay isang makasalanan...P-patawarin niyo ako.. P-patawarin niyo Po ako sa lahat ng nagawa ko. Walang bahid na kapatawaran ang nagawa ko sa Inyo pero Ikaw na D-diyos na si Hesu Kristo ....kayang magpatawad sa lahat na may mga sala. Malaki man ito o maliit. Na kaya kaming iligtas mula sa aming mga sala. Salamat sa pagiging walang pantay na pagmamahal na Diyos...... Salamat dahil sa kabila ng mga nagawa ng tao Sa'yo ay hindi mo parin sila sinukuan.....Salamat sa pagiging mapagmahal na Diyos na kayang magpatawad sa lahat na may sala.  Naniniwala ako na Ikaw na si Hesu Kristo ipinako sa krus para pagbayarin ang aming mga sala. Namatay at inilibing pero nabuhay muli sa ikatlong araw. Na Ikaw lang ang paraan para makakapunta ako sa langit pagdating ng panahon na mawawala ako dito sa mundo. Diyos ka na nagpakatawang tao. Itinatanggap....kita dito sa puso ko. Na maging Diyos sa buhay ko.  Salamat dahil sa pagiging dakila mo sa buhay naming lahat. At ngayon tulungan niyo po ako na mamuhay para Sa'yo at maging mabuting Kristiyano. Na maging Hari ka sa buong buhay ko hanggang sa huli kong hininga. Salamat O Diyos sa buhay na walang hanggan. Sa ngalan ni Hesu Kristo ang Diyos ko at aming tagaligtas.....,Amen."

Salamat. Salamat dahil iniligtas niyo ako.

* * *

Inilapat ko ang bulaklak sa lapida ni Nanay. Iniangat ko ang braso ko para hawakan ang lapida. At hinaplos-haplos ito habang nagsasalita.

"Nay....salamat! Salamat sa lahat ng itinuro niyo sa akin. Nagkamali ako nay. Hindi ko ni minsang naniwala sa iyo noon. Patawad Nay. Patawad sa lahat ng nagawa ko...Patawad dahil tinalikuran ko iyong pinaniniwalaan mo. Pero alam mo Nay? Nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagbigay siya ng instremento para ibalik muli ang loob ko sa Kanya. At sa pagkakataong ito ay nagawa ko na ang tanggapin Siya. Akala ko Nay...wala na talagang pag-asa. Gusto ko na sanang tapusin ang walang kwentang buhay ko pero may isang hindi ordinardyong babae ang bumago sa buhay ko."

Naalala ko si Donah. Hindi maganda ang naging simula namin. Pero sa huli ay binago niya ako. Ginawa siyang instrumento ng Diyos para maligtas ako.

"Siya ang dahilan ng lahat ng pagbabago sa buhay ko. Nay,kung hindi sana siya dumating....baka....wala na ako. Pero may plano ang Diyos sa lahat. Salamat Nay,salamat sa lahat ng tinuro niyo sakin. Hindi ko man naintindihan noon,pero malinaw na ang lahat sa'kin ngayon..."

Napangiti ako.

Dahil sa kanya nabago ako. Dahil sa kanya naging buo ako.

Salamat,Donah.

To be continued...


My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon