Kabanata 016

407 18 2
                                    

 Deuteronomy 31:6

"Be strong and of a good courage, fear not, nor be afraid of them: for the LORD thy God, he [it is] that doth go with thee; he will not fail thee, nor forsake thee."  

-----------------------

Kabanata 016

Raymond

"Hayop ka! Lumayas kang babae ka,nakakarindi ka! Umalis ka dito! Alis! Putang*na! Layaaas!" Walang tigil ang pagmumura ni Tatay ng muling bumalik si Nanay. Sabi niya sa akin. May iba na daw'ng pamilya si Nanay. May iba daw siyang lalaki. Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi! Hindi ganyan si Nanay.

Oo,limang taon na ang nakalilipas noong umalis siya. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako mahal ni Nanay. Hindi totoo ang sinasabi niya! Limang taon na hinagpis. Limang taon na sakit. Naghirap kami nung nawala siya. Naghirap sa sakit na nawala siya,na iniwan niya kami. Naghirap sa pantustos sa pag-aaral sa mga kapatid ko. Naghirap sa paghanap ng pagkain dahil sa kawalan pera. May pagkakataon pa noon na nagkasakit si Mira.  Gusto kong tulungan si Tatay noon. Pero sabi niya,'kapag babalik na daw si Nanay magiging okay na daw ang lahat'.

Nag-antay kami. Inantay naming babalik siya. Na balang araw babalikan kami ni Nanay na may ngiti sa labi. Pero hanggang doon lang pala iyon.

Naudlot ang galit ni Tatay kay Nanay. Parang apoy sa impyerno na walang himig ng katapusan. Gusto niyang maghiganti. Gusto niyang gapangin ng Nanay ang sakit na naranasan namin nung wala siya.

"P*cha! Lumayas ka ! Marumi ka!!!"sambit ni Tatay at hinawakan ang braso ni Nanay palabas ng aming bahay. Lumalaban si Nanay at pilit iintindi kay Tatay ang nangyari pero tuluyan ng minolestya ang Nanay,marahas na hinila ang buhok nito at padabog na hinagis na para bang isang laruan. Sumisikip ang dibdib ko. Marahan itong pinipiga at patuloy'ng umaagos ang  luha ng mga matang namulat sa isang malupit na karahasan.

My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon