Wakas

491 19 15
                                    

Romans 1:16

"For I am not ashamed of the gospel of Christ: for it is the power of God unto salvation to every one that believeth; to the Jew first, and also to the Greek."  

-*-

Dedicated to my AWESOME GOD,My Lord and Saviour Jesus Christ! And I'd waited for this chapter because I'm so blessed on our Mission Conference and I wanted to share it with you. This chapter is all for you guys. Salamat dahil hanggang sa huli ay nandiyan kayo <3

---

Wakas

Bumangon na ako at sinimulan ng ayusin ang sarili ko. Agad akong naligo at pagkatapos ay nagbihis na. Bago umalis ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Okay na. Lumabas na ako sa bahay dala-dala ang aking bibliya tsaka napatingin sa aking relo.

8:56 AM

Patay! Baka malate ako nito! Nagmadali akong lumakad at agad nang sumakay ng tricycle dahil malalate na talaga ako sa service namin. Last day pa naman ngayon ng aming Mission Conference. At hindi ko ito dapat palampasin. Hindi ako mapakali habang nasa tricycle pa lamang ako. At nung natanaw ko na ang simbahan namin ay agad kong binigay kay manong ang bayad at agad tumalon pababa.

"Salamat nong!" Tumango lang ito. Kaya pumasok na'ko. Pagtungtong ko sa simbahan agad akong nakipag-kamayan sa mga miyembro. Matagal tagal narin kasi akong miyembro sa katipunan na ito. At hindi ako minsan nagsisi na nakilala ko ang isang babaeng nagpabago sa pananaw ko. Limang buwan na pala simula ng iwan niya ako. Pero sa mga oras na 'yun ay mas lalo pa akong nabigyang kaalaman sa napakaraming mga bagay.

Binalot na naman ang simbahan ng mga maningning at makabuluhang mga tinig habang ako naman ay nakisabay sa pagkanta. Ramdam sa puso't-isipan ang saya at pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na pinaubaya at ipinarating ng Diyos sa buhay ko. Sa kasakitan man o kasiyahan.


Praise the Lord,praise the Lord,Let the earth hear His voice!


Praise the Lord,praise the Lord,Let the people rejoice!


O come to the Father,thro' Jesus the Son,And give Him the glory,great things He hath done.


Napapikit ako habang patuloy'ng kinanta ang natitirang bersikolo ng kanta. Kasi nararamdaman ko kasi na nasa presensya ko Siya. Alam kong palagi naman Siyang nandiyan pero lalong-lalo na kapag ikaw'y kumakanta para sa Kanya.

Pagkatapos ng kanta ay tumungtong na si Pastor Mark ang assistant pastor ni Pastor Matthew sa pulpeto at nagpasiuna na:

"Magandang gabi sa ating lahat! I welcome all of you for the last day of our Mission Conference! We have learned so many lesson from day 1 and now we'll be hearing again another message from our main speaker from Bukidnon. He had been in the ministry since 1991. And yet they will be having their silver anniversary next year. Despite the ups and downs these friend of mine still remain and keep from his standing. Maraming napagdaanan ang main speaker natin ngayon. He have fought so many circumstances but he still urge to stand despite all of it therefore he keep his faith and standing because He know,He believe that He can overcome these trials for he trust in Him. Pastor Florentino Espinas!"

Nakipagkamayan muna ang pastor namin kay Pastor Flor bago bumaba. Hinanda ko na ang aking puso't-isipan at handa naring tumanggap ng mga mensahe ang aking mga tainga. Napangiti ako. Hindi ko lang akalain na ito na pala ako. Nasa loob na ako ng simbahan,na minsan kong kinamuhian at pinagdidirian. Minsan kong tinalikuran. Pero heto ako ngayon,nabalot ng pagbabago. Pagbabagong kokompleto sakin. Dahil noon kulang ako.

My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon