Kabanata 017

314 12 0
                                    

Psalm 37:4

 "Delight yourself in the LORD and he will give you the desires of your heart. " 

--------------------------------

Kabanata 017

Raymond

Noong una ko pa lang siyang nakita,naiirita ako dahil sa higpit na pananampalataya niya sa Diyos.

Sa lahat ng mga misyonaryo,deboto o mas kilalang,mga kristiyano. Siya lang ang naglakas loob na sigawan ako at ipamukha sa'king mali ako. Siya lang ang naglakas loob na ipaglaban ako. Siya lang ang naglakas loob na baguhin ako.

Na baguhin ang pananaw ko sa Kanya. Buhay Siya at hindi Siya patay. Buhay Siya at binabantayan Niya tayo palagi. Siya ang lakas at kanlungan natin. Siya ang totoong Diyos--si Hesu Kristo. Nabuhay para mamatay. He shed His blood to cleanse our sin. And through Him,we can receive an everlasting life,He promises to gave us.

Ang laki ng pinagbago ko,dahil sa kanya.

Siya lang din ang nagparanas sa'kin,ang nararamdaman kong ito. Siya lang ang unang babaeng minahal ko. Kaya kakapit ako. Hindi ko siya bibitawan..

Hindi ko alam kung kailan at kung bakit. Ang alam ko lang mahal ko na siya. Mahal ko siya.

Wala sa sarili akong tumakbo papasok ng Faith Hospital. Nanginginig parin ang mga kamay ko at patuloy'ng hindi mapakali ang mga tuhod ko.

"M-miss...saan po ba ang room n-ni...Donah?.."nanginginig ang boses ko habang nagtatanong sa nurse na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako mapakali.

Kunot noo namang siyang sumagot,

"Ahm sir Donah po? Ah. He he...marami po kasing Donah dito. Meron po ba kayong apelyido niya? Hindi----"

"Wala ...Hindi ko alam...Nakalimutan ko ....Miss may kanser siya....May kanser si Donah..Miss kailangan ko lang talaga siyang makita....Miss please...." Pangungumbinsi ko sa kanya. Pinilit kong isaulo 'yung apelyido niya pero hindi ko parin matandaan. Binasa niya uli iyong form. Pero hindi parin niya nagawang tukuyin.

"I'm sorry sir,pero hindi po kasi natin matetrace----" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Ako nalang ang maghahanap. Naglakad ako sa iba't-ibang bahagi ng ospital. Nagbabakasakaling mahanap ko siya. Kung may doktor namang dadaan,panay ang tanong ko sa babaeng hinahanap ko. Wala na akong oras. Kailangan ko na siyang makausap.

"Dok may pangalan po bang Donah na naka-confine dito?...Dok...may kanser po?..." Paki-usap.....

"Donah ....Si Miss Donah Linggo?"

Linggo? "Yes. Donah Linggo,Donah Sunday. Haha!"

Naalala ko na. Donah Linggo. Oo,siya 'yun! Si Donah 'yun!

"Yes dok...paki-usap...gusto ko po siyang makausap..?...kahit saglit man lang?"

Tinapik ako nung doktor at marahil itong humahagikhik.

"I'm glad you're back! So you're Raymond?"

Ano? Bakit niya alam ang pangalan ko?

"Ho? Bakit niyo alam...? "

Ngumisi muna siya bago nagpatuloy.

"Actually,I'm Donah's Dad,Federico Linggo." Ano kamo?!

"Ho?!"

"Yes. I'm her dad."

"A-ah...Sorry po."napayuko nalang ako at napakamot ng ulo. Hindi naman nagsabi si Donah na doktor pala ang papa niya.

"As what as I've expected,you'll be surprised! But..no worries!!! Donah is good. She will become ...good." Mula sa ngiti at saya napalitan ito ng malungkot na boses. At nang malungkot na aura.

"As I've know...my daughter is strong. Nakaya niya lahat ng dagok na nangyari sa buhay niya most especially,nung nawala ang Mama niya dahil sa pag-aalaga sa kanya."huminto muna siya sa pagsasalita para punasan ang luhang tumulo sa mata niya.

Wala na ang Nanay ni Donah? Patay na....? Ano?

"I'm sorry..."iyon nalang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

"It's okay."

Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang patuloy naman kaming pumapanhik patungo sa silid kung saan naka-confine ngayon si Donah.

"All her life ang palagi lang nandiyan is 'yung Mama. At the age of nineteen,nalaman naming may kanser siya. A breast cancer. And her mother took care of her simula noon. Kaya nakalimutan na mismo ni Diana ang sarili niya. Minsan nalang rin siyang kumakain. She took care of her daughter yet she did not took care of herself. Kaya minsan ako nalang ang nagpapaalala sa kanyang "kumain ka na...maligo kana... Ang buhay mo hindi naman para lang kay Donah kundi para rin sa sarili mo..at para sa Diyos."

Sumisikip ang dibdib ko habang patuloy niyang inuutas ang storya nila. Kung masakit ang storya ko. Mas masakit pa pala ang storya ni Donah.

"Kaya kung may free time noon si Diana. She attends soul winning and she also teach children. And I'd been glad because she also did what I do at the same time. Hindi na kasi nagagawa ni Diana ang mga bagay na 'yun dahil sa kondisyon ni Donah. Pero huli na ang lahat nung,nalaman namin na may heart failure na pala siya. And in just one glimpse she suffer from heart attack and then...she passed away. Donah is 25 that time. Kaya nung gumaling na si Donah...ginawa niya ang naiwang misyon ng Mama niya ...."

Nasa harapan na namin si Donah ngayon habang mahimbing itong natutulog.

"Ginagawa niya ang mga bagay'ng hindi niya sana dapat gawin. I keep on telling her na huwag mong pilitin ang sarili mo. But she always keeps on telling me na kaya niya and she can do it. Basta para sa Kanya. She continued the ministry her mother have started and what she'd started. At the age of fifteen she was born again and started serving God,sacrifice her time for the ministry but it has been stopped nung nagka-kanser siya. Pero ngayong gumaling na siya. She urged not to stop it. Kasi it is for the praises and glory of God. To teach the good news,to win souls. So I just let her. But sad to say,bumalik uli ang kanser niya..."napayuko nalang ito at patuloy ng umagos ang luha niya.

Umagos narin 'yung luhang pilit kong tinitigilan.

"But she's okay. Sabi niya kung nakabubuti  na daw'ng magpahinga siya. Handa na raw siya. Kasi,tapos na ang misyon niya. And maybe her last mission....is you. And by all means,it was a...success."

Not now...Donah... Please huwag mo akong iwan... Do not let go!

"So I guess I gotta go? Iwan muna kita?"tanong niya at marahang pinupunasan ang kanyang mga luha. Tinapik niya muli ang balikat ko at patuloy ng humakbang palabas pero bigla nalang itong humarap ulit at bumulong,

"Donah tells a lot about you."

Napangiti nalang ako. Nawala lahat ng lungkot na bumalot sa puso't-isipan ko. Parang nawala lahat nung tinik. Nung nakalabas ang Daddy ni Donah.

Para akong baliw na sinusuntok suntok ang  laylayan  ko. At pinipigilan ang sarili ko sa pagsigaw.

"Talaga Donah? TALAGA?!!!"

"TALAGA LANG HA?"

Pero nagulat nalang ako ng minulat niya ang kanyang mga mata at gumuhit ang pinakamalapad na ngiti sa labi niya sabay'ng sabi,

"Kinilig ka naman?"

Saka kinindatan pa ako ng loko.

To be continued...

HAPPY NEW YEAR!!!

My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon