Kabanata 021 (Huling Kabanata)

382 15 0
                                    


Kabanata 021

Raymond

Tumungtong ako sa pulpeto na bakas ang sakit dahil sa nangyari. Oo,tanggap ko na mawawala siya. Pero nalulungkot parin ako dahil sa maliit na oras na nagkakilala kami ay tinuring ko din si Donah bilang parte ng buhay ko. Siguro dahil ma-mimiss ko siya kaya ako malungkot. Tanaw na tanaw ko ang mga tao sa harapan ko ngayon na nagluluksa sa itinuring nilang "ATE" at "ANGHEL" sa buhay nila. Hindi lang pala ako ang nabago niya. Marami na palang tao ang nabalik loob niya sa Diyos. Pero ako lang,'yung huli.

Narinig ko rin simula kanina ang mga testimonya ng mga kaibigan at malalapit na tao kay Donah. Donah is such a wonderful girl. Ang bait bait niya. All she showed is just kindness. And for the short couple of time that I've knew her. Alam ko 'yung 'kindness' niya na 'yun. Kindess na hindi niya gustong may taong mapupunta sa impyerno kaya ishinishare niya ang gospel. The gospel which is Jesus Christ.

"Magandang Umaga po sa ating lahat...Ah...Ako po si Raymond Buenavista...Ang huling naging misyon ni Donah..Ah...pano ko ba 'to sasabihin...Ahhm..."bumuntong hinga muna ako bago nagpatuloy.

"Hindi ako naniniwalang may Diyos noon..Itinuring ko ang Diyos na patay for some reasons. I hate Him. Kinamumuhian ko siya dahil hindi niya ginawa ang hiniling ko. Grabe...'yung una naming pagkikita. Sa ospital 'yun noon,sumisigaw ako noon habang nakatutok 'yung atensyon ko sa itaas. Sinisisi ko na naman Siya dahil bakit sa dinami-dami ng bata ay ang kapatid ko pa ang dinapuan niya ng dengue. Patuloy lang ako sa pagsisigaw noon,nang biglang may pumutol sa'kin at sinermunan ako. Noon una ay binalewala ko lang siya pero ng maaninag kong ang sumesermon pala sa'kin ay nakaputing bestida,at may dextrose pang dala-dala. Iyon pala,tumakas na pasyente." Napatawa 'yung iba sa storya ko. Iyong ibang humahagolhol kanina at humikbi ay tumigil na. Napawi ko 'yung lungkot. Kasi 'yun ang gusto ni Donah. Maging ang Daddy ni Donah ay napangiti na rin.

"A few minutes before she died..sabi kasi ni Donah. Huwag daw tayong maging malungkot,kasi.... mumultuhin daw niya tayo!" Mas lumakas pa 'yung tawanan at hagikhikan sa simbahan. Parang walang lamay ata ito.

"At nagpatuloy at nagpatuloy na 'yung panunuyo niya sa'kin. Donah never gave up on me. Pilit siyang nakikipagdebate sa'kin... At pilit niyang pinapamukha sa'king mali ako. Pilit rin akong nagpakalayo pero hindi niya parin ako nagawang sinukuan. At siya 'yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Siya 'yung dahilan kung bakit nabalik ang loob ko sa Kanya. At kung bakit tinanggap ko na Siya as my Saviour. Kung bakit...I'm already redeemed. At totoo 'yung mga sinabi nila kanina. Donah is a blessing. Donah is a gift. Isang nakapakamilagrosong regalo na natanggap ko. Na hindi ko sukat akalain na nabago na pala ako. Na isang babaeng may kanser ang magpapabago sa'kin. At siya ay isang anghel na nagging instrument para baguhin ang mga buhay natin. I'm Donah's last but she is my beginning. Simula para mas higpitin ang pananampalataya sa Kanya. Simula para i-share din natin ang gospel sa iba. At simula para maging inspiration sa mga tao sa paligid na'tin."mariin kong wika. Seryoso namang nakatuon ang pansin ng mga tao sa akin.

"And yet,I fell in love with her."matapang kong utas.

Nung una nakarinig ako ng halakhakan. Ngayon tilian na at sigawan ang narinig ko.

"Kasi nasa kanya na lahat eh. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Yes,I confessed. Pero,busted kaagad ako." Nagtawanan na naman sila.

"Kasi may mahal na siyang iba." Napa 'oww' naman sila maging ang daddy ni Donah ay nagulat rin.

"Si God ang eternal love niya."utas ko.

"Tinuruan niya ako kung pa'no magmahal. Magmahal ng 'yung tipong pang matagalan...'yung pagmamahal na walang hangganan. At 'yun ay 'yung pagmamahal ko sa Diyos. Kasi 'yung Diyos? 'yung pagmamahal mo na 'yun sa Kanya? Hindi basura. Worth it. Mahalaga. May halaga. Kasi Siya,hindi ka iiwan. Hindi ka sasaktan. Hindi ka tatalikuran maging sinukaman. Marami pang itinuro si Donah sa akin. Hindi ko na mabilang. Pero 'yung natutunan ko talaga na panghahawakan ko ay 'yung hindi mawalan ng pag-asa. Na hindi pa huli ang lahat. Na may hope pa sa lahat. Kahit sa ano pang bagyo na darating. Kahit sa ano pang dagok ang dumating sa buhay na'tin. May pag-asa pa. At 'yun kung ang Diyos ay na sa'tin. Kung naging sentro Siya sa buhay na'tin. Na kung saan man tayo pupunta dala-dala na'tin Siya. Sandata na'tin Siya. Kasi walang impossible sa Kanya. Lahat possible,dahil Diyos Siya."

My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon