Kabanata 1: Matang mapang-akit

1.5K 13 1
                                    

Alas-onse na nang gabi ngunit nagsisimula palang ang kasiyahan ng mga lalaki sa loob nang isang high class bar kung saan ang mga hubad na katawan ng mga babae sa ibabaw ng entablado ay umiindayog kasabay ng erotikong musika at ilaw na patay-sindi, hindi mapigilan ni Sofia na mas patamisin ang kaniyang ngiti sa nakikita. Tiyak na malaki ang kikitain niya ngayong gabi kumpara kahapon.

Naisip ni Sofia na malapit na ang pasukan at kailangan niya nang mas malaking pera para sa kapatid, bukod doon ay kailangan pa niyang hulugan ang naiwang utang ng kaniyang ama, idagdag pa ang bayad sa boarding house, kuryente at pagkain. Kung makakabingwit siya ng mayaman ay tiyak ay sapat na ang iyon para i-budget sa susunod na linggo.

Ang medyo singkit niyang mata ay agad niyang nilibot sa mga lalaking nag-iinuman habang masaya silang pinapanuod. Binata o matanda, pareho lamang ang gusto ng mga ito kundi mailabas ang init sa katawan at makatiim ng bagong laman, kahit pa gumastos sila ng malaki. Pabor naman sa mga katulad ni Sofia 'yon.

Muling inindayog ni Sofia ang kaniyang balakang at sa pag-ikot ng kaniyang katawan sa stand poll at muling pagharap sa mga lalaki ay agad natuon ang kaniyang pansin sa isang lalaki na malagkit ang tingin sa kaniya, bata pa ang itsura ng lalaki ngunit hindi sigurado si Sofia kung binata pa ito o may asawa. Pero ano ba ang pakealam niya sa ganoong bagay? Andito ang lalaki at isa lamang ang ibig sabihin noon kundi humanap ng babaeng makakatabi at magpapainit ng kaniyang gabi.

Binalik ni Sofia ang init at lagkit na tingin ng lalake sa kanya, dahan-dahan niyang kinagat ang ibaba ng kaniyang mapulang labi at mas binigyang buhay ang erotikong musika gamit ang pag kumpas ng kaniyang balingkinitang katawan. Ang kaliwang kamay niya ay unti-unting humaplos sa sariling balat, mula sa makinis at maputing hita pataas sa kaniyang dibdib at leeg.

Hindi maiwasang mapalunok ng lalaki habang seryosong pinanunuod si Sofia, halos ayaw na nga yata niyang kumurap para lang hindi mapalampas ang bawat segundo nang pagsayaw ng dalaga. Walang silbi ang init ng alak na humahagod sa kaniyang lalamunan para basain ang natutuyo niyang lalamunan at palitan ang mas matinding init na bigay ng babae sa kaniyang buong katawan.

Kitang-kita ni Sofia mula sa taas ng entablado ang lalaki na tinawag ang isang waiter, nilapit niya ang bibig sa tenga ng waiter at may binulong na agad namang tumango ang waiter at nilapitan ang manager nila Sofia. Ang mga ngiti ni Sofia ay napalitan ng ngisi dahil sa tagumpay na plano, isang customer agad ang nabingwit niya ngayong gabi.

Hindi pa natatapos ang musika na naka-schedule sa performance ni Sofia ay kumaway na si Betty, ang kanilang manager at pinababa siya sa entablado papunta sa back stage at binigyan ng twalya para balutin ang hubad na katawan.

"You're lucky today, Sofia. Nagsisimula palang ang performance nyo ay may customer ka na agad." Masaya na sabi ni Betty sa kaniya, binigyan naman niya ito ng tipid na ngiti. Alam naman ni Sofia na masaya ito hindi para sa kaniya kundi para sa pang sariling kapakanan, malaking kita nilang mga babae sa entablado ay mas malaking pera ang makukuha ni Betty.

"Kaya nga ho, mabuti nalang at may nabingwit agad ako." Matipid na sagot ni Betty sa kausap.

Hinaplos ni Betty ang buhok ni Sofia na parang bata, "kaya ikaw ang pinaka-paborito ko sa lahat e, hindi mo binibigo ang expectation ko araw-araw. Sige na, mag-ayos ka na at ihahatid ko na siya sa kwarto para hintayin ka." Kumindat pa si Betty at lumakad na rin sa wakas palayo habang kumekembot ang bewang at kumakanta.

Tanging pag-iling nalang ang nagawa ni Sofia at tuluyan ng naglakad papasok sa dressing room, kinuha niya ang isang silky black-colored night dress sa drawer at sinuot ito. Humarap siya sa full body mirror sa gilid at doon ay kitang-kita niya ang kabuoang kurba ng kaniyang katawan.

Hindi na nag-abala pa na magsuot si Sofia ng underwear, para sa kaniya ay aksaya lamang iyon ng oras dahil huhubarin lang rin naman iyon ng lalakeng naghihintay sa kaniya. Dinampot niya ang pulang lipstick at maingat pinatungan ng pulang kulay ang kaniyang pinkish na labi.

Nang masiyahan na si Sofia sa kaniyang itsura ay taas noo siyang naglakad palabas ng dressing room, hindi naman mapigilan ni Jack na mapasipol ng makita ang katrabaho. "Habang patagal ng patagal ay paganda ka ng paganda, hindi ko tuloy maiwasan na mainggit sa mga customer."

Agad namang mapangisi si Sofia at tinignan si Jack, "libre mo na nga akong napapanuod sa gilid e, pero kung gusto mo rin akong makasama sa second floor ay pumunta ka rito as customer." Biro ng dalaga.

Humalakhak ang binata, "Aba, kung pwede nga lang pero tulad mo ay sa tuition rin ng kapatid ko mapupunta ang sweldo ko. Sige na at babalik na ako sa trabaho at baka tanggalin pa ako, hindi mo ako katulad na nakakapagdala ng maraming pera dito." Dagdag na biro nito.

"Sige na at baka mainip ang customer ko at umalis, ikaw ang sisingilin ko pag nangyari iyon." Bawing biro ni Sofia at naglakad na paakyat ng second floor.

Pagkarating niya doon ay sinalubong agad siya ni Betty habang nakangiti, "naliligo na siya, galingan mo at talagang mayaman ang nabingwit mo ngayon. Malay mo ay lakihan niya ang tip sayo pag nasarapan siya."

"Lagi ko namang sinisigurado na masasarapan ang customer ko kaya nga pabalik-balik ang iba, pero dahil sinabi mo ho na mayaman siya ay mas pagiigihan ko." Magalang na sagot niya ngunit may pagmamalaki sa tono niya.

Tinapik ni Betty ang balakang ni Sofia at humagikgik, "ikaw na ang bahala diyan." Hindi maitatago ang kasiyahan sa mga mata ni Betty, mukhang nakuha na nito agad ang pera para ngayong gabi.

Huminga ng malalim si Sofia at pinakalma ang mabilis na tibok ng puso niya, kahit paulit-ulit na niyang ginagawa ang trabaho tuwing gabi ay hindi niya maipagkakaila na kinakabahan pa rin siya tuwing papasok siya sa kwarto kung saan naghihintay ang makakaniig.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan, agad na sumalubong sa kaniyang ilong ang mabangong amoy ng sabon mula sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama habang nagpupunas ito ng basang buhok. Halos manuyo ang lalamunan ni Sofia ng makita ang kabuuan ng hubad na katawan ng lalake, hindi rin naman ito nag-abalang takpan ang ang maselang bahagi kahit pa alam naman na niyang andoon na si Sofia.

"Good evening, Sir," pagbati ni Sofia at naglakad palapit sa lalaki, hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga. Agad siyang naupo sa harapan ng lalaki at hinawakan ang kahabaan nito at hinalikan ang gilid, tumingala siya para makita ang itsura ng lalaki. Kumpara kanina, mas lalong nakita ni Sofia kung gaano kagwapo ang lalaki sa harapan niya dahilan para hindi niya mapigilan ang sarili na mas humanga pa.

Pero hindi lang si Sofia ang nakakaramdam ng gano'n, muling napuno ang mata ni Jacob ng pagnanasa habang tinitignan ang inosenteng mukha ng dalaga habang ang mga labi nito ay nakahalik sa kaniyang alaga. "Bakit ka tumigil? Continue what you're doing." Sabi niya at mas diniin pa ang kahabaan sa labi ni Sofia.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon