Chapter 8: Issue

383 7 1
                                    

"You want water?" Tanong ni Jacob kay Sofia pagkalabas niya ng banyo, tumango naman ang dalaga at naupo sa kama. Kinuha ni Jacob ang isang water bottle sa ibabaw ng table at inabot kay Sofia, "anong gusto mong pagkain?"

Kinuha ni Sofia ang bottle at umiling, "hindi na kailangan, uuwi na rin ako agad at tiyak na hahanapin ako ng kapatid ko. Hindi ba magtataka ang mga kasambahay nyo kung makikita akong kakain sa hapagkainan nyo imbis na ang asawa mo?"

Umupo si Jacob sa tabi ni Sofia at hinaplos ang pisngi nito, "hindi siya babalik ngayon at wala rin ang mga kasambahay ngayon dahil weekends, kung nag-aalala ka ay pwede namang sa labas nalang tayo kumain."

Kumunot ang noo ni Sofia sa alok ng lalaki, "hindi ba mas lalo lang madaming makakakita sa atin kung sa labas tayo kakain? Hindi ka ba talaga natatakot na magkaroon ka ng issue?" Naguguluhan na tanong nito.

"Issue? Paano tayo magkaka-issue kung sasabihin ko na secretary kita?" Nilapit ni Jacob ang mukha niya kay Sofia at muling hinalikan ang kaniyang labi, "sabi ko naman sayo ay ako ang bahala sa lahat kaya hindi mo kailangan na mag-alala sa mga simpleng bagay tulad nyan."

Hindi kumibo si Sofia, ngunit hindi maalis ng simpleng salita ni Jacob ang kaniyang pag-aalala sa mga bagay. Hindi pwedeng magpadalos-dalos si Sofia, may kapatid siya at hindi ito pwedeng madamay sa mga gulo ng buhay niya. Ang gusto ni Sofia ay ibigay ang mga paraiso kay Jayson, kahit kapalit pa noon ay ang kaluluwa niyang sinusunog na sa impyerno.

Sumapit ang mahabang kamay ng orasan sa ten ay saka lang naisipan ni Sofia na bumangon sa higaan at naligo para magbihis at umuwi, tiyak ay wala na ang kapatid niya sa bahay at nasa mga kaibigan na niya ito. Hindi niya mapigilan na mapangiti ng muling maalala ang kasiyahan ng kapatid habang bumibili ng mga gamit.

Paglabas niya sa banyo ay suot na niya muli ang t-shirt niya at ang pantalon, medyo hindi nga lang siya komportable dahil wala siyang suot na underwear sa baba. Bukod sa basa ito dahil sa ginawa nila ay may punit na rin ito kaya tinapon na rin ni Jacob sa basuharan.

"Uuwi ka na?" Lumingon si Sofia ng marinig niya ang boses ni Jacob sa may pintuan, nakahalukipkip ang dalawang kamay nito sa kaniyang dibdib habang matiim na nakatingin sa kaniya. "Baka naman pwede kitang ihatid, normal lang naman iyon bilang secretary."

Bumutonghininga si Sofia, ngayon pa lamang ay hindi na siya makahinga sa kakulitan ng lalaki. "Kahit ihatid mo nalang ako sa sakayan ng jeep, hindi mo naman ako asawa, Jacob baka nakakalimutan mo iyon kaya hindi mo kailangan ng pull responsibility."

Para namang natigilan si Jacob sa narinig, hindi alam ni Sofia kung anong ibig sabihin ng mga emosyon na gumuhit sa mukha ng lalaki. Galit o inis, pareho lang iyon na nagpabilis ng tibok nang puso ni Sofia.

Tumayo ng tuwid si Jacob at inalis ang pagkakahalukipkip ng kamay sa dibdib at hinila si Sofia, "hindi ko iyon nakakalimutan Sofia, pero mukhang ikaw ang nakakalimot kung ano ang mga dapat mon a gawin bilang mistress. I paid for your hours and attention, so if I want you to be with me every second or every hour ay wala ka'ng magagawa."

Napangiwi si Sofia dahil sa higpit ng hawak ni Jacob sa kaniyang braso, "bitawan mo ang braso ko, nasasaktan mo na ako." Lakas loob na sabi ni Sofia kahit sa totoo lang ay kinakabahan na siya, "kung gusto mo akong ihatid ay sige, hindi mo nalang sana ako tinanong kung pwede." Hinawi niya ng malakas ang kamay ni Jacob ay lumabas sa kwarto.

Sumunod lang si Jacob sa kaniya ng tahimik palabas, nasalubong pa nga niya ang isang lalaki na may pasa sa pisngi. Kung hindi nagkakamali si Sofia ay ito ang guard na pinatulog ng kasama niya kagabi, muli na namang nakaramdam ng inis si Sofia na dumaloy sa kaniyang buong katawan.

Binuksan ni Jacob ang pintuan para kay Sofia, nilagay pa nga nito ang kamay sa tapat ng ulo ni Sofia at sinigurado na hindi siya mauuntog. Simpleng gesture ngunit iba talaga ang dating para kay Sofia nang pagiging gentleman ng lalaki, kung hindi lang sila nasa komplikadong sitwasyon ay talagang ipagmamalaki niya ito bilang kasintahan.

"Walang laman ang tiyan mo kaya mag drive thru muna tayo, bumili ka na rin para sa kapatid mo." Nagsalita si Jacob para alisin ang katahimikan sa pagitan nila.

"Sige," maikling sagot naman ng dalaga.

Hindi na pinilit ni Jacob na magsimula ng conversation, ngunit kitang-kita ni Sofia kung paano humigpit ang hawak nito sa manebela at pag-igting ng panga. Hindi mapigilan na mapalunok ng lawak ni Sofia dahil baka mamaya ay bilisan nito ang pagmamaneho, ayaw pa niyang mamatay.

"Natatakot ka ba na baka ibangga ko ang kotse?" Hindi mapigilan na tanong ni Jacob ng mapansin ang pamumutla ng dalaga habang nakakapit ito nang mahigpit sa seat belt.

"Hindi naman sa ganon, pero bumibilis ang takbo ng kotse kaya hindi ko mapigilan na matakot. Hindi ko pa kayang iwan ang kapatid ko, marami pa akong pangarap para sa kaniya." Pag-amin ni Sofia ng totoong nasa isip niya.

"How about you, wala ka bang pangarap para sa sarili mo?" Seryosong tanong ni Jacob habang nakatuon ang pansin sa daan, bumalik na rin sa normal ang pagmamaneho nito.

Hindi naman alam ni Sofia ang isasagot sa tanong ni Jacob, kailan ng aba huling may nagtanong sa kaniya noon? Mayroon nga ba siyang pangarap para sa sarili? Ilang saglit na nag-isip si Sofia baka binuksan ang kainyang bibig para magsalita, "ang successful ng kapatid ko ay parang successful ko na rin, ang pangarap ko sa kapatid ko ay ang pangarap ko para sa sarili ko."

"Iba ang success ng kapatid mo sayo, tama naman na maging proud at satisfied ka doon pero wala ka bang balak na mag business? Just name it and I will make it possible." Walang pagdadalawang-isip ng lalaki na sabi.

Business?

"Anong uri naman ng business kung sakali ang itatayo?" Hindi mapigilan na sumagot ni Sofia, kahit paano ay gusto niya ang mga ganoon na bagay simula pa noong una. Kung hindi lang sila nabaon sa utang dahil sa ama na sugarol ay makakapagtayo siya kahit simpleng kainan.

"It's your choice, if you want to have your own bar then go." Nag kulay pula ang traffic light kaya saglit na huminto ang mga sasakyan, kinuha ni Jacob ang pagkakataon na iyon para tumingin kay Sofia at muling nagsalita, "kahit simpleng business lang basta maging masaya ka ay pwede mong sabihin sa akin at susuportahan kita."

Malambing ang boses niya, maging ang mga mata nito ay malamyos na tumingin sa kaniya.

Umiwas ng tingin si Sofia, "pag-iisipan ko." Saad niya at tumingin sa labas ng bintana. Hindi alam ni Sofia kung sa langit o sa impyerno ba siya dapat magpasalamat, ngunit kung titignan ay isang blessing si Jacob sa buhay ng dalaga.

Magsasalita pa sana si Jacob ng sunod-sunod na busina mula sa likod ang pumukaw ng atensyon nila, tapos na ang segundo sa traffic light at kailangan na nilang umandar para hindi magkaroon ng traffic sa daan.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon