Chapter 4: Tanging pahinga

544 6 0
                                    

"Wow ate, ang dami kong gamit sa school. Sigurado ka ba na bibilhin natin lahat 'to?" Namamangha na tanong ni Jayson sa kaniyang kapatid.

"Oo nga, kung may kailangan ka pa ay kunin mo na at baka magbago pa ang isip ko." Biro naman ni Sofia, sakto naman na paglayo ng kaniyang kapatid para kunin pa ang kulang sa mga gamit ay tumunog ang kaniyang cellphone. Dinukot niya ito at agad lumingon sa paligid ng makita ang caller ID bago sinagot, "bakit?" Bulong na tanong niya sa nasa kabilang linya.

"Wala ba munang hi dyan?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Wala akong oras para makipagbiruan, kasama ko ang kapatid ko ngayon." Iritadong sagot naman ni Sofia, "kung may sasabihin ka ay sabihin mo na agad." Dagdag pa niya sa kausap.

Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya bago nagsalita, "hindi ko alam kung gusto mo pa rin na sumama pero may trabaho bukas, malaki ang bahay at mukhang mayaman talaga. Kung swerte tayo bukas ay kahit ilang buwan tayong manahimik ay may makakain tayo."

Tumibok ng mabilis ang puso ni Sofia, may pera siya ngayon at sapat para sa susunod na mga araw na gastusin ngunit hindi niya alam kung kailan iyon tatagal. Kahit ayaw niya ang trabaho na tinutukoy ng kausap ay meron ba siyang karapatan na tumanggi?

"Sigurado ba kayo na hindi tayo mahuhuli o mapapahamak dyan, mayroon akong kapatid na pinag-aaral." Mas lalo pa niyang hininaan ang boses at medyo yumuko para itago ang mukha.

"Nagpapatawa ka ba, Sofia? Paano ko masasagot ang tanong mo kung pati ako ay hindi sigurado?" Narinig ni Sofia na bumuntong hininga ang kausap niya, "simula palang ay alam mo naman na delikado ang trabaho na tinutukoy ko, kaya nga hindi ako sigurado kung sasama ka o hindi. Walang sapilitan ito Sofia."

"Ate!" Sigaw ng kapatid ni Sofia sa kaniya habang kumakaway na parang pinapalapit siya nito kung nasaan naka-display ang mga sapatos.

"Tinatawag ka na ng kapatid mo, i-text mo nalang ako kung ano ang desisyon mo para masabi ko sayo kung anong oras bukas ng madaling araw." Iyon lang at pinatay na ng kausap niya ang tawag.

Tinuon ni Sofia ang pansin sa kapatid na nakangiting pumipili ng sapatos na gagamitin para sa simula ng pasukan, para maituloy-tuloy niya na maibigay ang pangangailangan ng kapatid ng walang palya. Hindi niya kayang ipagkait sa kapatid ang normal na buhay, kahit ibenta pa niya ang isang kidney niya ay gagawin niya para rito.

Kahit maraming gumugulo sa kaniyang isipan ay pinagsawalang bahala niya iyon at ngumiting lumakad palapit sa kapatid, tinulungan niya itong pumili ng mga sapatos na maganda at bagay para sa paparating na pasukan. Nang makapili na sila at pumila sa counter para magbayad ay muli niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at tumipa ng mensahe para sa kausap kaniya.

Sasama ako, i-text mo sakin ang oras at kung saan tayo magkikita-kita.

Pikit-mata na pinindot si Sofia ang send button, buhay pa man siya ay sinusunog na agad ang kaluluwa niya sa impyerno. Panalangin lang niya na sana ay mapatawad at maintindihan siya ng kapatid once na mamulat ito sa katotohanan kung ano ang ginagawa niyang trabaho para lang mabuhay sila at mapunan ang lahat ng pangangailangan nila kahit lubog sila sa utang, bayarin sa bahay at kung ano-ano pa na may kinalaman sa pera.

"Masaya ka ba?" Tanong ni Sofia habang tinitignan ang kapatid na masayang bitbit ang mga gamit na binili nila.

"Oo naman ate, first ko na makabili ng kompleto na gamit at isa pa ay ito," sabay angat niya ng mumurahin na touch screen na cellphone, "hindi na ako makikinuod kila Rick at Don dahil may sarili na akong gagamitin, turuan mo akong gumawa ng account sa internet mamaya ha?" Excited nitong sabi.

Hindi mapigilan ni Sofia na mapatawa ng mahina at ginulo ang buhok ng kapatid, "Ayain mo mamaya sa bahay sila Rick at Don para mag meryenda, tutal ay laging sila ang kasama mo at tumutulong sayo."

"Sige! Bibigyan ko rin sila ng mga sobrang gamit ko." Sagot nito.

Nagkukwentuhan sila habang naglalakad at hindi napansin ang kotse na paparating, gulat na nabitawan ni Jayson ang mga plastic bags na bitbit ng isang malakas na busina ang nag-echoe sa paligid. Napaupo si Jayson sa semento habang mabilis na tinignan ni Sofia ang bawat parte ng katawan ng kapatid para masigurado na okay lang ito.

Nagmamadali rin naman na lumabas ang maputi at payat na babaeng nakasuot ng office attire suits at lumapit sa kanila, "OMG! Goodness okay lang ba kayo?" Nag-aalala ang tono nito at namumutla ang mukha sa kaba. "Pasensya na at hindi ko napansin na patawid kayo, wala rin kasing traffic light dito." Dagdag na paliwanag ng babae.

"Ayos lang, gasgas lang naman sa tuhod ang natamo ng kapatid ko at hindi ganoon kalala. Hindi rin kasi kami tumitingin kung may paparating na sasakyan." Sagot naman ni Sofia, mayaman ang kaharap niya, anong silbi kung makikipagtalo pa siya kung wala namang masyadong nangyari sa kanilang dalawa ng kapatid at mas kasalanan rin sila.

"Let's go to the hospital, we need to see if hindi na-injure ang buto ng kapatid mo. I will shoulder all the expenses," sunod-sunod na sabi ng babae at pinulot ang iba niyang mga gamit at pinasok sa kotse niya. Wala tuloy nagawa si Sofia kundi ang sumunod rito at sumakay sa loob kasama ang kapatid.

Nasa byahe na sila papunta sa hospital nang magawang magsalita ni Sofia, "hindi mo naman kailangan na ipa-check up pa ang kapatid ko, bababa na kami dyan sa kanto."

"What? But we need to see if na damage ba ang buto ng kapatid mo, mas maganda na yung sigurado at nag-iingat." Lumingon sa kaniya ang babae at ngumiti. Sasagot pa sana si Sofia ng tumunog ang cellphone ng babae. "Hello honey? Yes, papunta na kami sa hospital. Sabi nila ay okay lang naman pero maganda na rin sa sigurado... Sige, magkita nalang tayo sa hospital hintayin mo doon."

Tinignan ni Sofia sa salamin ang mukha ng babae habang nakikipag-usap ito sa cellphone, kitang-kita niya kung gaano ito kasaya at in love sa kausap. Hindi tuloy maiwasan na isipin ni Sofia na kung pinanganak siya sa ibang sitwasyon ay may karapatan rin ba siyang ngumiti habang kausap ang kaniyang beloved?

Mula sa mukha ay lumipat ang kaniyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa manebela, suot ng babae ang isang silver ring sa kanang kamay. Halata na pinag-isipan at pinili ng masinsinan ang disenyo nito na babagay sa maputi at mahabang daliri ng babae.

"Kasal ka na?" Hindi napigilan ni Sofia na mabulalas ang nasa isip, "oh! Hindi ko sinasadya na itanong, nakita ko lang ang singsing mo at nagandahan ako, pasensya na." Nahihiya niyang sabi at umiwas ng tingin.

"Okay lang, oo kasal na ako. Papunta na nga ang asawa ko sa hospital para samahan ako at makita kayo, nag-aalala daw siya na baka nasaktan ako." Tumawa ito.

Ngumiti naman si Sofia bilang sagot at muling binaling ang tingin sa labas ng bintana, "ang swerte mo naman sa asawa mo." Mahinang sagot niya. Ilang saglit pa nga ay nakarating na sila sa hospital, sabay-sabay silang bumaba sa kotse.

Parang bumagal ang oras ni Sofia ng makita ang isang lalaki na nakasandal sa isang itim na kotse, pero mas nawindang siya ng naglakad ang kasama niyang babae palapit sa lalaki at niyakap ito. It's Jacob ang naging customer niya lamang kagabi, isang kasal na lalaki ang pangarap niyang muling kasama sa kama.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon