Chapter 6: Mistress

520 6 0
                                    

Hindi pa man tumitilaok ang manok ay palabas na ng bahay si Sofia, sinigurado muna niyang tulog pa ang kapatid at ligtas ito kahit na iwan niya itong mag-isa. Nag-iwan na rin siya ng note sa ibabaw ng lamesa na ipainit nalang ang mga lutong pagkain sa kaldero.

Naglakad siya hanggang makarating sa isang madilim na parte ng daan, doon ay isang van na itim ang huminto at agad siyang sumakay, "hey!" bati ng isang lalaki na nakasuot na ng bonet para itago ang buo niyang mukha.

Tinignan ni Sofia isa-isa ang mga kasama, dalawa lamang ang familiar sa kaniya kahit may mga takip ang mukha ng mga ito. "Mga bago siya?" Hindi niya napigilan na itanong.

"Umalis na ang iba nating kasama noon, nagbagong buhay na dahil nagkaroon na ng sariling pamilya. Bayad na rin naman nila ang utang na meron sila at nakapagpudar na rin ng bahay at ibang gamit, habang ang iba naman ay minalas at nasa loob na ng preso." Mabilis na sagot ng lalaki na bumati sa kaniya.

Hindi na siya muling kumibo dahil ramdam niya ang mga tingin ng mga ito sa kaniya, Bukod sa kaniya ay wala ng ibang babae sa grupo. Sana lang ay mapagkakatiwalaan niya ang mga ito pagdating nang kagipitan sa sitwasyon.

"Sinabi naman na siguro sayo ni Robert ang plano, tulad ng dati ay ikaw ang papasok sa loob para tatalon ka nalang sa bintana pag palabas na. Magaan at hindi hassle pagtatakas na." Sabi ng isa sa mga dati niyang kasama.

Tumango naman si Sofia, kailangan lang naman niyang bilisan ang kilos kung ayaw niyang mahuli at makulong. Tulad nang dating gawi ay mas mainam kung cash ang makukuha niya at mga mamahalin na alahas, kumpara kasi sa ibang valuable na kagamitan ay alahas lang ang madaling ibenta sa black market.

Ala-una nang madaling araw sila nagsimulang bumyahe at halos mag alas-dos na ng sa wakas ay huminto ang van na sinakyan nila, malayo ito sa mataas na gate ngunit alam na ni Sofia na iyon ang target nilang bahay ngayon.

Mula sa labas ay sumisigaw na ang karangyaan ng kung sino man ang may-ari ng bahay na tinitignan nila ngayon, siguradong sa mga oras na ito ay mahimbing na natutulog ang mga taong nasa loob nito at hindi problemado para mamayang umagahan kung ano ang ilalapag sa hapagkainan.

Alam naman ni Sofia na hindi kasalanan ng mga taong nasa loob ng bahay kung bakit magkaiba sila ng estado ng pamumuhay, sadyang minalas lang silang magkakasama at wala silang choice kundi piliin ang madaliang pera bago magtrabaho ng matino at magsumikap sa buhay at gawin ang mabagal na proseso para umangat sa buhay.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ng tumatayong leader ng grupo, tumango ang lahat maliban sa driver dahil maiiwan lang ito roon para mag-abang sa kanila. Sabay-sabay silang nagsilabasan sa van at dahan-dahang naglakad palapit sa malaking gate, maingat nilang sinipat ang bawat CCTV na meron sa harapan at iniwasan ito.

Nauna ang isang lalaki na umakyat sa gate at agad na pinatumba ang isang guard sa gilid, binuksan ito ang gate para makapasok sila Sofia ng walang kahirap-hirap. Wala pang sinasabi ang mga kasamahan niya at mabilis na hinugod ni Sofia ang hairpin sa kaniyang buhok at pinasok ito sa doorknob, wala pang ilang segundo ay narinig na agad niya ang isang click tanda na tagumpay niyang mabuksan ang lock.

"Mauna na akong pumasok sa second floor, kayo na ang bahala na tumingin ng pwedeng makuha dito sa first floor." Utos niya sa mga kasama na agad namang nagsitanguan ang mga ito.

Maingat ang bawat pag hakbang niya sa hakdan hanggang makarating siya sa second floor, halos mawindang siya ng makitang halos hindi lang tatlo ang kwarto kundi higit sa sampo ang nakikita niyang pintuan mula sa kinatatayuan niya.

Hinubad niya ang kaniyang sapatos at tanging medyas lamang ang iniwan sa kaniyang mga paa para hindi makalikha ng kahit na anong ingay sa hallway na kaniyang dinaraanan, nilampasan niya ang bawat kwarto sa unahan hanggang makarating siya sa harapan ng isang double wooden door.

Gamit ang kamay niyang may suot na gloves ay sinubukan niyang pihitin ang doorknob, laking gulat niya nang walang kahirap-hirap itong bumukas. Maliwanag ang loob nito ay kitang-kita niya ang mga naka-display na mga alahas, picture, damit na halatang branded at kung ano-ano pa.

Akala niya ay master bedroom ito, ngunit mukhang sinu-swerte siya para mapuntahan agad ang mga bagay na pakay niya. Humakbang siya palapit sa mga relo na nasa kanan na bahagi, halatang lalaki ang may-ari ng mga ito dahil sa design. Tumingin naman siya sa kaliwa kung nasaan ang mga iba't-ibang klasing hikaw at kwintas, sa dami ng pagpipilian ni Sofia ay hindi niya tuloy alam kung ano ang uunahin sa mga ito.

Nilabas niya ang itim na ecobag sa bulsa at dahan-dahang hinila ang drawer na pinaglalagyan ng mga alahas, maingat ngunit mabilis niyang nilagay ang mga relo at walang balak na magtira kahit isa sa mga ito. Sumunod naman niyang ginawa ay binuksan ang kaniyang bag para paglagyan ng mga kwintas, ngunit bago pa man niya iyon magawa ay isang pares ng mga kamay ang humila sa kaniya at sinandal siya sa pader.

Dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakagalaw at walang nagawa nang tanggalin nito ang kaniyang facemask, "ikaw?" halata ang gulat sa tono nito, ngunit mas gulat ang rumihistrong reaksyon sa mukha ni Sofia ng marinig ang boses ng lalaki.

Nagtama ang kaniyang mga mata ng tumingala sa Sofia para tignan kung tama pa ang hinala niya, at hindi nga nagkakamali ang kaniyang pandinig. Akala niya ay kakambal niya ang swerte ngayong araw ngunit nagkakamali pala siya, muli na naman niyang kaharap si Jacob ngunit ang mas malala ay nasa isang sitwasyon siya na hindi niya alam kung paano tatakasan.

Pinikit niya ang mga mata at sinipa ang lalaki sa hita, tumakbo siya palapit sa bintana at tatalon n asana ngunit agad rin siyang nahila ni Jacob, "bitawan moa ko!" Sigaw niya dahilan para makuha ang atensyon ng mga kasama.

Akala niya ay tutulungan siya ng mga ito, ngunit nagmamadaling nagsitakbuhan ang mga ito palabas ng malaking gate. Halos manlumo si Sofia ng umandar ang van na sinasakyan niya at tuluyan siyang iniwan ng mga ito sa ere.

"Saan ka pupunta, magpapakamatay kaba at tatalon ka sa ganiyan kataas? Iniwan ka na ng mga kasama mo, walang dahilan para tumalon ka pa riyan." Mahinahon ang tono ng boses ni Jacob, "ano na ang gagawin mo ngayon? Isang tawag ko lang sa mga pulis ay pupunta na sila rito."

Iritado ni Sofia na tinignan ang lalaki, "binabantaan mo ba ako?" Tanong niya rito ay muling humakbang palapit sa bintana,

"Hindi naman sa ganoon pero kahit tumalon ka sa bintana ay walang kasiguraduhan na mamamatay ka, hindi ka man lang ba makikiusap na hayaan kitang tumakas?" Tanong ni Jacob.

Hindi alam ni Sofia kung nang-aasar ba sa mga oras na iyon ang lalaki, pero naisip ni Sofia wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya. "Kung makikiusap ba akong huwag mo akong isumbong sa mga pulis, hahayaan mo ba akong makatakas?"

Ngumisi ang lalaki, "oo naman, pero sempre ay may kapalit. Handa ka ba na ibigay ang kapalit ng gusto mo?" Lumapit ito at hinawakan ang baba ni Sofia.

Iniwas ni Sofia ang mukha niya, "ano iyon?"

"Be my mistress, let's have a secret relationship." Bulong ni Jacob sa tenga ni Sofia at dinilaan ito.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon