Chapter 11: Jealousy

324 3 0
                                    

"Welcome!" Sigaw ni Trina ng salubungin niya si Sofia at ang kapatid nito papasok sa bahay nila, "Kauuwi ko lang kasi galing sa business trip kaya ngayon lang ako makakabati sayo ng congratulations, hindi ko akalain na magiging secretary ka ni Jacob." Masayang sabi niya.

Hindi akalain ni Sofia na pagkatapos niyang makisama sa mga katrabaho noong welcome party sa office ay sa asawa naman ni Jacob siya kailangan na magpanggap, pagkauwi na pagkauwi nito ay inimbitahan siya kasama ang kapatid para mag celebrate sa kanilang bahay.

"Maupo kayo, pasensya na at hindi ko alam kung ano ang mga gusto ninyo na pagkain kaya nagpaluto nalang ako ng maraming putahe para may pagpipilian kayo." Muling nagsalita si Trina at naupo sa kabilang gilid ng lamesa, "kumusta ang unang linggo ng pagiging secretary mo?"

Tumingin si Sofia kay Jacob na abala sa pagsandok ng pagkain para kay Trina, kinagat niya ang labi bago nakasagot, "mahirap, kinakabisado ko pa ang ilang mga bagay na dapat ginagawa ng secretary. Minsan sa tingin ko ay mali ang desisyon ko na tanggapin ang trabaho, I am more capable to do my previous job kaysa pumasok sa isang company na hindi naman ako pamilyar." Sabay na napatigil ang mag asawa at kunot ang noon a tumingin sa dalaga.

"Pinapahirapan ka ba masyado ni Jacob sa trabaho?" Na-aalala na tanong ni Trina at tinignan ng masama ang asawa, "Don't tell me, siya ang gumagawa ng iba mo na trabaho?" Tinignan niya ng masama ang asawa.

Jacob cleared his throat, "ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos, naninibago lang siguro siya dahil sa biglaan na pagpapalit niya ng trabaho. Kahit ako at ikaw rin naman ay nahirapan noong una natin sa office, aminin mo."

Pigil na napangiti si Trina, "naaalala mo pa rin ang unang beses na nagsimula tayo sa company as intern? Halos hindi na natin alam kung paano ang gagawin sa dami ng pinapagawa nila."

Tumawa naman si Jacob, "sino ba kasi ang magagawa ang sunod-sunod na utos nila? Kakasimula lang natin noon at hindi pa sanay sa actual work."

Hindi alam ni Sofia kung ano ang mararamdaman niya habang pinapanuod ang dalawa na pinag-uusapan ang masaya nilang ala-ala ng nagkaraan, parang sinasampal si Sofia na isa lang siyang sampid sa relasyon ng dalawa.

"See, kahit kami ay nahirapa din kaya normal lang yan huwag ka agad sumuko at mag-quit," pagbalik ng atensyon ni Trina sa dalaga "habang palaki ng palaki ang kapatid mo ay palaki rin ng palaki ang gastos, mas mabuti na nasa magandang trabaho ka."

Walang alam na katotohanan si Trina, tanging alam lang nito ay waitress ang babae sa bar. Hindi nga rin totoo ang pangalan ng bar na sinabi ni Jacob dito, minulat siya ng asawa sa isang pangyayari na walang katotohanan. Parang kinulong ni Jacob ang asawa sa isang madilim na kwarto, walang bintana o kahit pinto para makita ang mga kasinungalingan niya.

"I think Trina is right, masasanay ka rin habang tumatagal. Hindi mo naman kailangan na umalis agad dahil lang nahihirapan ka, if you don't understand a thing or you don't know what to do, you can ask me for help." Sabi naman ni Jacob.

Halos hindi mapigilan ni Sofia na mapangisi sa pag-akto ng walang alam ni Jacob sa ibig niyang sabihin, napakagaling nitong magpanggap na parang walang ginagawang mali sa harapan ng asawa. "Siguro nga tama sya, mas better siguro kung mag stay pa ako." Iyon lang ang naging sagot niya at ngumiti.

Muli siyang bumalik sa pag asikaso nang pagkain ng kapatid, hindi nalang niya pinansin ang dalawa na pinagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa nakaraan nila. Pero sa totoo lang ay gusto na niyang paikutin ang kaniyang mata sa inis, anong dahilan para imbintahan sila ng kapatid niya kung mag-uusap lang rin ang mga ito ng bagay na hindi sila makaka-relate.

"By the way, Sofia can I ask if you have a boyfriend? My friend told me he saw you last time he went to Jacob's company and I think he's interest to know you more." Trina suddenly asked innocently.

Imbis na si Sofia ang sumagot ay agad na nagsalita si Jacob, "are you talking about Denver?" He asked, "minsan palang niyang nakikita si Sofia and you really helping him?"

Inibis ni Trina ang hawak niyang baso at kunot ang noon a tumingin kay Jacob, "what is wrong with that? I am just asking if she's single, you over reacting as if I was pushing her to Denver's room."

Sofia felt the coldness in her hand, magaling nga na magpanggap si Jacob na walang nangyayari sa kanila pero hindi naman nito maitago ang pagiging possessive pagdating sa kaniya. Natatakot si Sofia na mahuli sila ni Trina ngunit hindi rin naman niya maiwasan na matuwa, pakiramdam niya ay mahal siya ni Jacob.

"Kahit na hindi ganoon ang ibig mo na sabihin, kung interesado si Denver sa kaniya ay hayaan mo ang kaibigan mo na lumapit kay Sofia at sya ang magtanong. Lovelife nya yan at lalaki siya bakit kailangan mo na pakialamanan?" Masungit na sabi ni Jacob sa asawa.

Umirap naman si Trina, "fine, I will tell him to do that. Basta huwag mo siyang aawayan o ipagbabawal na pumunta sa company mo, so Sofia tutal ay natanong ko na rin naman ay sagutin mo na rin." Tumawa si Trina.

Pilit na tumawa rin naman si Sofia, "sa totoo lang ay may boyfriend ako." Pag-amin niya dahilan para mabitawan ni Jacob ang kutsara at mabuga ang pagkain na nasa bibig nito.

"What?!" Both Jacob and Trina said in unison.

"Why? Anong nakakagulat sa sagot ko, actually ay magkasama kami sa trabaho." Dagdag pa niya at tumingin kay Jacob.

Tinignan siya ng matiim ng lalaki, alam ni Sofia na naiinis ito sa sagot niya ngunit wala siyang pakealam. Natutuwa siyang makita ang lalaking nahihirapan na pigilan ang sarili, gumaganti lang si Sofia dahil halos walang pahinga ang kaniyang katawan buong linggo dahil sa lalako.

Wala nga'ng pinipiling lugar si Jacob, elevator, office o kotse ay handa itong angkinin si Sofia kahit na nasa parking lot o gilid ng daan ang kotse.

"Woah, wala palang pag-asa si Denver sayo kung gano'n." Sabi ni Trina na halata ang pagkadismaya. "Ano ang sabi niya ng mag-quit ka sa trabaho at iniwan siya doon."

"Trina, that's is personal question." Pagbabawal si Jacob sa asawa ngunit hindi siya pinansin ng dalawang babae.

"wala naman siyang sinabi, kung masaya daw ako sa trabaho ko ay hindi niya ako pipigilan. Supportive ang boyfriend ko pagdating sa mga ganitong bagay, kaya sobra kong mahal iyon e." Sofia knew she shouldn't act like brat in front of them, but she's also jealous.

Gusto niyang tawanan ang sarili, kabit na nga siya at ang lakas pa ng loob na magselos dahil sa nakikita niya na masaya ang dalawa. But the greediness she had inside ay parang apoy na unti-unting umaalab.

Trina smiled genuinely to Sofia at hinawakan ang kamay ni Jacob at pinagsiklop ang kanilang kamay, "Jacob is like that too, he supports me to anything I want to achieve. He's my husband, brother, something like father but more to that, he's my light."

Tumingin si Trina sa asawa at puno ng pagmamahal ang mata nito, kumirot ang dibdib ni Sofia dahil sa narinig. Jacob is also her light, a hero for her. Ang lalaki ang nagbigay ng pag-asa at liwanag sa madilim niyang kinabukasan, pero hindi niya pwedeng sabihin iyon ng may pagmamalaki tulad ni Trina.

"Napaka-swerte mo, Trina." Sabi ni Sofia at ngumiti, a smile full of bitterness na parang ampalaya ang nakahain sa lamesang kaharap niya.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon