The Last Time

307 3 0
                                    

AMOY ng samut'saring gamot ang bumungad kay Trina pagmulat ng kaniyang mga mata, napalingon siya kaniyang kamay kung saan nakatusok ang karayom para sa dextrose. "M-ma," mahinang tawag niya sa kaniyang Ina na nakaupo sa gilid at abala sa pag-aayos ng mga prutas sa lamesa.

Nanlalaking ang mata na lumapit ang Ina niya, "anak, sa wakas ay gising kana. Pinag-alala mo ako ng sobra, gusto mo ba ng tubig?" Pinunasan nito ang mata na naluluha sa saya.

Tumango si Trina at nilibot ang tingin sa paligid, napansin naman iyon ng Ina dahilan para umasim ang mukha nito at bumuntonghininga, "huwag mo na siyang hanapin at asahan na pupunta rito, kahit gusto mo o ayaw mo ay wala akong balak na hayaan siyang lumapit sayo."

Napakagat sa labi si Trina, "kumusta po ang baby?" Hindi man sabihin ng Ina ay alam na niya, hindi man siya nagpa-checkup noon ay hindi naman siya tanga para hindi malaman ang kung ano ang pwedeng dahilan bakit siya dinugo.

Saglit na tumahimik ang Ina bago nagsalita, "maayos ang baby, pero hindi ganoon kahigpit ang kapit nito. Hindi magkakaroon ng magandang impact sa baby kung hahayaan mon a ma-stress ka ulit sa lalaking iyon."

"Nasaan sya, Ma?" Tanong ni Trina, pagtukoy nito sa kaniyang asawa.

"Aba'y ewan ko, wala akong pakealam kung nasaan siya. Pero hindi porket nananahimik ako ay hahayaan ko silang dalawa ng kabit niya, ayaw mo man o hindi ay ipapakulong ko silang pareho." Nanggigigil na sabi ng Ina at inabot ang isang bago ng maligamgam na tubig sa kaniya.

Hindi kumibo si Trina, wala siyang balak pigilan ang Ina sa gusto nitong mangyari. Gusto lang niyang malaman kung kahit paano ay nag-alala man lang ba si Jacob sa kaniya at sinubukan siyang ipaglaban sa Ina.

Hindi talaga masusukat ang pagiging loyal ng isang tao kahit gaano katagal ang pinagsamahan nyo, hindi rin masasabi na hindi ka sasaktan ng isang tao kahit gaano mo ito kakilala. Masyadong naging panatag si Trina sa relasyon na meron sila ni Jacob, kahit minsan ay hindi siya nag doubt sa lalaki.

Sa lahat ng mga tao sa listahan niya, si Jacob pa talaga ang pinaka dahilan ng sakit na nararanasan niya ngayon. "Can I meet him, Ma?"

"Trina, hindi mo ba naintindihan lahat ng sinabi ko?" Pagalit na ang boses ng Ina niya.

"Just once, Ma, pagbigyan mo na ako na makita at makausap ulit siya." Ngumiti siya, "at may isa pa akong hiling, Ma."

Tinitigan siya ng Ina, "ano pa nga ba ang magagawa ko, I will let him see you for once."

"Thank you, Ma, I love you."

Labag man sa loob ng Ina ay wala naman siyang magagawa, kailangan niyang respetuhin ang desisyon ng anak kahit paano. Malaki na ito at alam ang ginagawa, magulang lamang siya at nakaalalay para ituwid ang daan kung lumilihis na ito ng paglakad.

"I love you too," Sagot nito at hinaplos ang malambot na buhok ng anak.

Tumingin si Trina sa labas ng bintana, nagsisimula na ang paglamig ng panahon tanda na nalalapit na nga ang pasko. Napangiti ito ng mapait, mukhang ito ang unang pasko na hindi niya makakasama ang lalaki ngunit para sa bata na nasa sinapupunan niya, at para sa kanilang dalawa, she needs to do the right thing.

May mga bagay mahirap tanggapin, may mga pangyayari na hindi inaasahan, madaling sabihin na mapapatawad pa niya ang lalaki ngunit mahirap kalimutan ang sakit na dinulot nito. Hindi siya handang lokohin ang sarili, at lalong hindi rin niya isasakripisyo ang future ng anak niya dahil lang sa nanghihinayang siya sa pinagsamahan nilang dalawa ni Jacob.

Trina knew her worth...

"I hope I can meet him soon, Ma." She whispered under her cold breathe, hanggang maari ay gusto niyang harapin ang lalaki ng kalmado. Ayaw na niyang madala sa emosyon na nararamdaman niya, and for Trina, its better to settled the things between them.

"Maybe later, nagpupunta siya rito tuwing hapon para kumustahin ka pero sana lang ay huwag kang magpapadala sa mga salita niya. Naniniwala ako na nagbabago ang tao, pero naniniwala rin ako na naka- categorized ang human as animals." Makahulugan na sabi nito kay Trina.

"I know, Ma, hindi na ako bata." Natatawang sabi ni Trina sa Ina.

"Hindi ka na nga bata, matalino ka rin na babae pero ewan ko ba sayo bakit sa dami ng lalaki sa paligid mo ay sa maling tao kapa napunta." Walang halong paninisi ang Ina, ngunit alam ni Trina na disappointed ito sa nangyari.

"Pumayag rin naman si Dad sa desisyon ko, malaki rin naman ang natulong ni Jacob sa company ng magkasakit si Dad. We can't deny that he gave his best, he's still my bestfriend." Malungkot na sabi ni Trina.

"Ewan ko nalang talaga sayo, Trina, sana lang ay hindi ka maging bulag pag nagkita ulit kayo mamaya. Yung request mo ay nasabi ko na rin sa secretary mo, mamaya may dadalhin niya rito. Maiwan muna kita at pupuntahan ko ang doctor." Paalam ng Ina.

Kakasarado pa lamang ng pintuan ay isang patak ng luha agad ang tumulo sa mata ni Trina, agad niya iyon na pinunasan gamit ang likod ng kaniyang kamay at tumingala. "Help me, Lord, please give me some strength to face all this problem." Bulong niya habang nakapikit ng mariin.

Pinipilit ni Trina na itatak sa isip na isang pagsubok lamang iyon sa buhay, malalampasan niya rin ang lahat. All she needed is the guide of God, and she have to thank him dahil gumawa ito ng paraan para imulat ng mata niya sa isang katotohanan.

Alam niyang mahirap, but Trina needed to see the good side of what happened. Kung hindi nangyari ang lahat, kung hindi siya nasasaktan ngayon ay patuloy siyang mabubuhay sa kasinungalingan at pagtataksil ng kaniyang asawa.

People just need to see the bright side not all the bad side of what happened, its God will. Hindi iyon mangyayari basta-basta ng walang dahilan, and she will take it a lesson for her to be a better person.

"Trina?" Isang boses ng babae ang pumasok sa pintuan, bitbit nito ang isang envelop na kulay brown, "alam ko na kailangan mo ito agad kaya nagmadali akong gawin at pumunta rito, are you sure about it?"

Umaliwalas ang mukha ni Trina kahit namumula ang mga mata niya, "Yes, this is the right thing to do."

Hinawakan ng secretary ni Trina ang kamay niya, "you are a good person, Trina, I hope for your happiness in the future."

"Thank you, thank you so much." Trina also wished her own happiness, she can wait... If it's not, then she's ready to wait.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon