Chapter 15: Same

257 2 0
                                    

"Anong nangyari?!" Hinihingal si Sofia ng makarating ito sa hospital kung nasaan ang kapatid ni Zack na umiiyak sa gilid ng hallway, "nakilala ba sino ang bumunggo sa kaniya?"

"Ate Sofia," tumakbo ito ay yumakap sa dalaga, "nahuli po yung nakasagasa sa kaniya at base po sa imbistigasyon ay sinadya ang nangyari. Mabuti nalang at nadala siya agad dito at hindi daw po siya masyadong napuruhan, hindi ko po alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama kay kuya." Muli itong humagulgol ng iyak.

Ang tanging nagawa lang si Sofia ay haplusin ang likod nito at damayan sa paghihintay, mali na magbintang ngunit may pakiramdam na siya kung sino ang pwedeng gumawa ng ganoon. Mabait si Zack, imposible na may kaaway ito, tanging isang tao lamang ang hindi niya nakasundo at si Jacob iyon.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang kuya mo." Maging ang dalaga ay hindi sigurado sa mangyayari, pero ano ang pwede niyang sabihin sa isang bata na halos hindi na magawang huminga sa paghagulgol?

"Sana nga po, hindi ko na kaya kung pati si kuya ay mawawala pa sa tabi ko."

Halos kalahating-oras rin bago lumabas ang doctor, ngumiti ito bilang tanda na maayos naman ang operation ni Zack. "Nagkaroon lang ng kaunting sugat sa ulo niya at kinailangan namin na tahiin, pero hindi naman iyon makakaapekto sa memory niya. Once na magising siya ay mag-undergo ulit siya ng treatment, kailan namin na masiguradong walang namuo na dugo sa ulo niya."

Bukod sa sinagot ng pamilya ng nakasagasa kay Zack ang hospital bill ay binigyan rin ito ng private room for recovery, nagdadalawang-isip na tuloy ang kapatid nito kung magsasampa pa ng kaso o hindi. Bukod sa mapera ang mga ito ay halatang malakas ang kapit.

Hindi rin naman magawang mangialam ni Sofia sa kaso dahil kung tama ang hinala niya ay pwede siya'ng madamay sa kaso lalo na pag lumabas ang katotohanan na si Jacob ang may pakana ng lahat. Buo na ang loob ni Sofia, kakausapin niya si Jacob.

"Zarina, nalipat na si Jacob sa recovery room pumunta kana roon at hintayin sila Ada; may pupuntahan lang ako saglit." Pagpapaalam ni Sofia at agaran na lumakad paalis, hindi na hinintay ng dalaga na sumagot ang kasama. Ano ba naman kasi ang isasagot niya pag tinanong siya nito kung saan pupunta, walang tamang sagot si Sofia doon.

Nilabas ni Sofia ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang nag-iisang numero na walang pangalan, ito ang unang beses na siya ang unang tatawag sa lalaki. Hindi niya ginusto iyon, ngunit si Jacob mismo ang nagsabi na huwag siyang lagyan ng pangalan. Kahit anong pangarap ni Sofia na maging una sa buhay ng lalaki ay isang malaking imposible iyon, hindi niya mararanasan ang pagmamahal na hinahangad sa lalaki.

Isa, dalawa, ilang beses itong nag-ring, bumibilis na rin ang tibok ng puso ni Sofia. Paano kung tuluyan na siyang inabanduna ng lalaki? Parang kuryente na mabilis dumaloy sa buong katawan ng dalaga ang takot na maiwan sa ere, nanginginig ang paa na pinagpatuloy niya ang paglalakad para humanap ng sasakyan. Kailangan niyang makausap ang lalaki, gusto niyang marinig mismo kay Jacob na mali ang hinala niya.

"Hello," paos at hinihingal ang boses ng nasa kabilang linya, hindi man lamang ito nag-abala na itago ang ginagawa sa kausap. Mula sa speaker ng cellphone ay rinig na rinig ng dalaga ang ungol ng babae at ang tunog ng bawat pag dikit ng kanilang katawan, it's Trina, his wife.

"S-stop, honey... you're talking with someone ah! W-wait, Jacob too fast ah! So deep oh..." Wala na sa sarili si Trina, all she could do is moan and moaning from the ecstasy she felt.

Alam ni Sofia na hindi dapat, pero nasasaktan siya. Wala siyang karapatan na sumbatan ang lalaki bakit ito nakikipagtalik sa iba, Trina is his wife and it's normal for them to have fun together. Ang relasyon nilang dalawa ang mali, kahit kahit minsan ay hindi magiging tama. Sa mata ng tao, batas, at diyos.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon