Chapter 5: His Wife

515 8 1
                                    


"Honey!" Masayang tawag ng babae kay Jacob kasabay ng pagyakap nito, "sila nga pala yung sinasabi ko sayo kanina." Dagdag pa nang babae at humarap kila Sofia, hindi naman alam ni Sofia kung paano titignan ang lalaki na ngayon ay nasa kaniya na ang atensyon.

"Hello, ayos lang ba ang kapatid mo? Pasensya na kayo at kailan lang naman natuto ang asawa ko na mag-drive, masyado lang matigas ang ulo at pinilit na ipagmaneho ang sarili." Ang familiar na tono ng boses ni Jacob ay muling narinig ni Sofia, para siyang nanlalambot.

Agad naman itong hinampas sa braso ng babae, "huwag mo naman ng sabihin iyon, kaya nga dinala ko sila dito sa hospital para makita kung may problema." Nag-pout ito na parang bata.

"Ayos lang, hindi nyo naman kailangan na gawin pa ito." Pinilit ni Sofia na umakto ng normal kahit ramdam na ramdam niya ang panginginig nang kaniyang mga kamay at pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Tumingin siya sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya, ngunit para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa... He looks at her without any reactions na parang hindi siya kilala nito.

Parang sinampal ng paulit-ulit si Sofia, ano ba ang inaasahan niya? Kumustahin siya ng lalaking nakaniig niya sa harapan ng asawa nito?

"Naku, andito na tayo kaya huwag ka ng magdalawang-isip d'yan." Hinawakan ng babae ang braso ni Sofia at maingat na hinila palakad papunta sa hospital.

Hindi alam ni Sofia ngunit gusto niyang iwaksi ang kamay ng babae, siya ang may ginawang kasalanan kasama ang asawa nito ngunit bakit parang siya pa ang naiirita sa babae. Kagat sa labing humakbang siya at sumunod sa babae, napakabait nito para kainisan ng tulad niyang makasalanan.

Pagkarating nila sa loob ay nagsalita si Jacob, "Trina, bakit hindi nalang ikaw at ang kapatid niya ang pumasok sa office ng kaibigan mo na doctor? Maghihintay nalang kami rito sa labas para hindi gaanong crowded sa loob."

Tumango naman si Trina at ngumiti kay Jayson, "pwede naman basta ayos lang sa ate niya, ayos lang ba sayo na ako nalang muna ang kasama niya sa loob?"

Nag-aalala si Sofia at gusto niyang malaman kung ayos nga lang ba ang kaniyang kapatid, ngunit gusto rin niyang malaman ang dahilan bakit gustong maiwan ni Jacob kasama siya sa labas. "Ayos lang naman sa akin, isang pintuan lang naman ang pagitan naming dalawa." Biro niya kahit sa totoo lang ay kanina pa siya hindi makapag-isip ng maayos.

"Halika na?" Pag-aya ni Trina kay Jayson at pumasok na sila sa office ng doctor na naka-schedule para i-checkup si Jayson.

Naiwan si Jacob at Sofia sa gilid ng hallway, tanging ingay lang ng mga nurses at pasyente ang maririnig na ingay sa paligid. Wala kahit isa sa kanila ang gustong magsimula ng usapan o kahit tumingin man lang sa isa't-isa. Nagpapasalamat naman si Sofia, dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki o kung masasagot ba niya ng maayos ito pag nagtanong o kinausap siya.

"Kumusta ang pakiramdam mo kanina paggising?" Mahina ngunit sapat lamang para marinig ni Sofia ang tanong ni Jacob.

Napaigtad naman si Sofia sa biglaan na pagsasalita ni Jacob, "m-maayos naman, sanay na ang katawan ko sa ganoong bagay." Simple ngunit may diin ni Sofia na sagot sa lalaki. Gusto niyang ipaalala sa lalaki na marami ng umangkin sa kaniya at hindi si Jacob ang una kaya walang dahilan para umakto siya na nag-aalala.

"Mabuti naman kung ganoon," maigsi na sagot ni Jacob ngunit nakakuyom ang kaniyang mga kamay, gusto niyang itulak ang babae sa pader at halikan ito ng mapusok at bawiin ang salitang sinabi nito. Gusto lang naman niya itong kumustahin, hindi na niya ito nahintay na magising dahil sa isang meeting na pupuntahan niya.

"Ang ganda ng asawa mo at ang bait pa, bakit naghahanap ka ng ibang katawan na pinagsawaan na ng iba?" Bumuntonghininga si Sofia, "'wag mo ng sagutin ang tanong ko, isa pa ay huwag na nating pagusapan ang nangyari kagabi. Tapos na ang oras na binayaran mo at wala na tayong koneksyon sa isa't-isa."

Seryoso si Sofia sa bawat salitang binitiwan niya, ayaw niyang pagusapan ang mga bagay tungkol sa trabaho niya lalo na kung wala sila sa loob ng bar. Nagpapasalamat si Sofia na nalaman niya ng maaga na may asawa na ang lalaki at mali ang pagpantasyahan niya ito, ayaw niyang alisin ang magandang ngiti sa labi ni Trina.

"Okay," simpleng sagot ni Jacob at hindi na muling nagsalita, nakatayo lamang ito sa gilid habang si Sofia naman ay naupo sa mga upuan na available sa gilid.

Ilang minuto rin ang tinagal sa loob nila Trina at Jayson bago sila lumabas, tulad ng inaasahan ay wala nga itong natamo na major injury at tanging ang gasgas lang nito sa tuhod sa gilid ng siko. Agad na sinalubong ni Sofia ang kapatid at nagpasalamat kay Trina, hanggang maari ay gusto na niyang umalis palayo sa mag-asawa.

"Salamat, mauna na kaming umalis." Sabi ni Sofia at yumuko sa harapan ng babae bilang paggalang at pasasalamat na rin.

"Hindi mo naman kailangan na magpasalamat, kasalanan ko ito at normal lang na gawin ko ang tama. Kung gusto nyo ay ihahatid na naming kayo kung saan ang bahay ninyo." Sabi muli ni Trina habang nakangiti sa kaniya.

Lumingon si Sofia kay Jacob bago muling binalik ang atensyon kay Trina, "hindi na, marami naman ang sasakyan diyan sa labas." Pagtanggi ni Sofia sa alok ni Trina.

Tumalikod na si Sofia sa kanila at pasimpleng hinila ang kapatid para madaliin itong lumakad, mabuti nalang talaga ay dinala niya lahat ng pinamili nila sa loob ng hospital kung hindi ay kailangan pa niyang sumama ulit sa dalawa para lang makuha ang mga iyon kung nagkataon.

"Ate, may problema ka ba? Mabait naman sila pero pakiramdam ko ay nagmamadali ka at ayaw mo silang kasama." Nagtataka na tanong ng kapatid ngunit imbis na sagutin ay binalewala niya ito na parang walang narinig, naintindihan naman agad ni Jayson na walang balak magsabi o magkwento ang kaniyagn ate kaya nanahimik nalang siya at sumunod rito.

Pagkarating nila sa bahay ay agad na umalis muli si Jayson para sunduin ang mga kaibigan niya at ayain para mag meryenda sa kanila, habang nagsimula naman ng magluto si Sofia ng pagkain para sa mga ito. Kahit anong pigil niya ay paulit-ulit na nagre-replay ang itsura ng kamay ng babae na may suot na singsing sa kaniyang isip at kung paano ito masayang yumakap kay Jacob at tinawag itong Honey.

Napatingin siya sa kaniyang mga kamay na ngayon ay nababalutan na ng dumi dahil sa hinuhugasan na patatas, maganda rin naman ito para sa paningin niya at singsing nalang ang kulang tulad ng kamay ni Trina pero para kay Sofia ay walang magbabago kahit magsuot siya ng singsing kung hindi rin naman ang lalaking pangarap niya ang nagsusuot noon.

Napasimangot si Sofia at pagak na napatawa sa sarili, kailan pa siya nagkaroon ng interest pagdating sa pakikipagrelasyon at hanapin ang lalaking mamahalin siya at tatanggapin? Ang pag-ibig na meron si Trina ay imposibleng magkaroon ang tulad niya, at mas lalong imposible na magkaroon siya ng isang lalaki sa buhay niya.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon