Chapter 3: Blue Bills

669 6 0
                                    

Mariin na pinikit ni Sofia ang kaniyang mga mata, tumatama kasi ang sinag ng araw mula sa salamin na bintana sa kaniyang mukha dahilan para magising siya sa pagkasilaw. Kinapa niya ang gilid ng kama para sana abutin ang kumot at takpan ang nilalamig niyang katawan ng makapa niya ang mga papel sa kama, kaya kahit antok pa tuloy ang kaniyang mga mata ay pilit niya itong binuksan para lang tignan kung ano ang mga iyon.

Blue bills...

Naging sariwa tuloy ang ala-ala niya sa mga pangyayari sa nagdaan na gabi kasama ang lalaki, hindi niya maiwasang malungkot habang iniipon sa kaniyang kamay ang tip na nakuha mula sa customer niyang iyon. First time niyang magkaroon ng customer na mabait at gentleman, napakaperpekto sana kung kasintahan niya ang lalaki.

Tanging pag buntonghininga ang nagawa ni Sofia habang tinitignan ang blue bills sa kaniyang kamay, ang dalawang libong tip na nakuha niya ang sumasampal sa kaniya nang katotohanan. Isa siyang bayaran na babae, kahit pa gentleman ang lalaki sa pakikipagniig sa kaniya ay walang nagbago. Katawan lang ang gusto sa kaniya at wala ng iba.

Muli niyang binagsak ang sariling katawan sa kama at inamoy ang hawak na pera, higit pa ang kinita ni Sofia sa inaasahan niya, pero pakiramdam niya ay may kulang. Ngayon lang siya umasa na makita ang customer niyang nakahiga pa rin sa tabi niya paggising niya, but on her second thought ay mas maganda na rin na umalis na ang lalaki habang tulog pa siya.

Ipipikit pa sana ni Sofia ulit ang mata ng isang katok sa pintuan ang kumuha sa kaniyang atensyon, "Sofia, gising ka na ba?" Boses iyon ni Betty, halata pa rin ang pagka-excited sa tono nito.

Agad nilagay ni Sofia ang dalawang libo sa ilalim ng kama bago sumagot, "oo, halika at pumasok ka." Inayos niya ang kaniyang buhok at binalot ang hubad na katawan ng kumot habang nakaupo sa kama.

"Good morning!" Masiglang bati ni Betty at agad na lumapit kay Sofia, "kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya ngunit walang halong pag-aalala ang tono.

"Maayos naman, hindi tulad ng mga naunang lalaking nakaiig ko." Walang ganang sagot ni Sofia.

Hinila ni Betty ang isang upuan at naupo, dinukot niya ang isang brown na sobre mula sa loob ng kaniyang bag at inabot kay Sofia. "Oh, ito ang komisyon mo kagabi."

Hindi naman nag atubili na abutin iyon ni Sofia at agad na tinignan ang loob ng sobre, hindi niya mapigilan na madismaya at kumunot ang noo ng makita ang limang libong nasa loob. "Limang libo? Bakit ito lang, akala ko ba ay mayaman ang customer at malaki ang makukuha ko na komisyon?" Oo nga at may nakuha ni Sofia na tip mula sa lalaki, ngunit iba pa rin ang komisyon niya bilang empleyado ng bar.

"Naku, hindi ko rin alam. Manager nyo lang naman ako, iba pa rin ang may-ari ng bar at magdedesisyon kung magkano ang makukuha mo." Nagkamot ng ulo ni Betty habang hindi makatingin sa kay Sofia.

Gusto magalit ni Sofia, ngunit ano ba ang magagawa niya? Magsumbong sa mga pulis na hindi tama ang pagpapasweldo sa kaniya ng bar bilang bayaran na babae? Isipin pa lang ni Sofia na gagawin niya iyon at natatawa na agad siya para sa sarili.

Hinawakan ni Betty ang kaniyang kamay, "gusto mo ba na kausapin ko na dagdagan ang komisyon mo?" Sa pagkakataon na iyon ay may simpatya sa boses nito.

Iniling ni Sofia ang kaniyang ulo, "hindi na, wala rin namang magbabago kahit kausapin mo siya o kausapin ko siya." Tumayo siya sa kama, halos mabuwal pa nga ito dahil sa panlalambot ng kaniyang mga binti mabuti nalang ay nahawakan agad siya ni Betty.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ay tulungan kitang pumunta sa banyo?" Nag-aalala ang tono na tanong niya.

Masakit at mainit ang ulo ni Sofia ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili, "hindi na, kaya ko ang sarili ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakipagtalik ako, mas malala pa nga ang mga nauna kong experience." May kaunting hinanakit na sabi ni Sofia.

Hindi kailangan ni Sofia ng pag-aalala ng ibang tao, ang tanging gusto lang niya ay maging patas ang mga ito pagdating sa pera. Kung hindi nga lang siya natatakot na mahuli ng mga pulis ay sa tabi-tabi nalang siya maghahanap ng customer para walang kahati sa perang kinikita.

Wala ng narinig na sagot ni Sofia kay Betty, tanging tunog ng pituan ang huling ingay na narinig niya bago siya tuluyang makapasok sa banyo.

Tinignan ni Sofia ang sarili sa malaking salamin sa loob ng banyo at hinayaang mahulog sa sahig ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan, bukod sa panlalambot ng kaniyang mga binti ay wala nang iniwan na bakas ang lalaki sa kaniya. Parang isang panaginip lamang ang nangyari ng gabing iyon, walang kiss marks o pasa, maging ang pagkababae niya ay malinis at walang bahid ng katas ng kahapon.

"Jacob," bulong niya. Sa unang pagkakataon ay may tinandaan si Sofia na pangalan ng kaniyang costumer. Sa unang pagkakataon ay umaasa siyang babalik ang lalaki at muli silang magkikitang dalawa at magkakasama sa kama.

Iniisip ni Sofia na normal lang naman siguro na hilingin ng isang katulad niya na magkaroon muli ng isang matino at mayaman na costumer, pinihit niya ang shower at hinayaan na dumaloy ang malamig na tubig sa kaniyang katawan. Pilit pinapatay ang nagsisimulang pagbabaga ng damdamin niya para sa isang lalaking minsan pa lamang niyang nakilala.

Pagkatapos niyang maligo ay nagpaalam muna siya sa mga ka-trabaho at umuwi ng kaniyang bahay, doon naabutan niya ang kapatid na naglilinis ng bahay. Nakangiti siya nitong sinalubong at niyakap ng mahigpit, "ate!" Sigaw ni Jayson, "bakit naman ngayon ka lang umuwi, mag-isa lang ako kagabi dito." Nakangusong sabi nito na parang nagtatampo.

Agad namang kinurot ni Sofia ang dalawa nitong pisngi, "aysus, parang hindi ka naman nasanay. Kung hindi ako gabi uuwi ay umaga na, diba ay ganoon naman palagi?"

"Kahit na ate, sana ay nagsabi ka. Dati naman ay nagti-text ka kay ate Ada para sabihan nila akong hindi ka makakauwi." Muling sumbat ni Jayson.

"Oo na, pasensya na at hindi agad kita nasabihin na umaga na ako makakauwi. Hayaan mo at bibilhan na kita ng cellphone para kung makalimutan man kitang i-text ay ikaw na ang mag-text sa akin." Pagpapalubag loob ni Sofia sa kapatid.

Para namang nagningning ang mga mata ng kapatid at agad bumitaw sa yakap, "talaga ba ate?!" Masaya niyang tanong na agad namang ikinatango ng ulo ni Sofia, ngunit ilang saglit lang ay lumungkot ang mukha ni Jayson. "Pero ate kailangan kong mag-enroll at bumili ng mga gamit ko sa school, siguro ay huwag na muna ang cellphone dahil hindi ko naman masyadong kailangan iyon."

"Aysus, huwag mo ng isipin iyon. Basta mamaya ay pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga kailangan mo, kaya tapusin mo na ang ginagawa mo." Masayang sabi ni Sofia.

Mabilis na muling pinulot ni Jayson ang walis tambo at bumalik sa paglilinis ng kaniyang inuupahan na kwarto, ang bigat at pagod na nararamdaman ni Sofia ay nawala. Tanging ang kasiyahan ng kapatid ang pahinga niya, at wala na siyang ibang hihilingin kundi manatili ang mga ngiting iyon sa labi ng kapatid.

Deadly Sin series: Our secret relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon