Rejection
—
Love should be electrifying, a wild dance between two hearts. But what's the point of giving your all if they won't even meet you halfway? Why offer your soul if they can't even spare a heartbeat? Loving someone who can't love you back feels like shouting into the void. Is it really worth it?
For me, it is. Because I love Acheron—every glance, every word, every fleeting smile. He consumes my thoughts, my dreams, my very being.
And I'll do whatever it takes to make him feel the same way.
"Crush mo!" alog sa akin ni Clara nang makita namin si Acheron sa bench sa field ng school.
Napanguso naman ako dahil may binabasa na naman siyang libro. Nasa libro ang lahat ng atensyon niya kaya kahit dumaan kami sa harap niya ay dedma lang siya!
"Ay hindi tayo pinansin," ani Clara. "Hayaan mo! Baka busy lang talaga sila! I heard senior high school students are starting their research."
"Kahit naman wala pa silang research ay puro siya basa!" reklamo ko.
Acheron was older than me. Grade 12 siya habang ako ay Grade 10 pa lang. Ibig sabihin ay ilang buwan na lang ay lilipat na siya! Minsan ko na nga lang siya makita rito sa school ngayong Grade 12 pa lang siya, paano pa kaya kung kolehiyo na siya?
"Diyan ka muna! Kakausapin ko muna siya!"
Bago pa ako mapigilan ni Clara ay patalon-talon akong lumapit kay Acheron. Huminto lang ako ilang hakbang mula sa kaniya at marahang naglakad na lang palapit sa puwesto niya. Nakangiti akong umupo sa tabi niya, dahilan upang lingunin niya ako.
"Hello!" bati ko sa kaniya.
"Euryle," he acknowledged me. "Do you need something?"
"Wala naman po, kuya! Hindi ka na bumibisita sa bahay?" tanong ko sa kaniya.
Her family works for our family. Ang papa niya ay family driver namin habang ang mama niya ay isa sa mga kasambahay ng bahay. Noon ay madalas siyang bumibisita sa bahay kaya madalas ko rin siyang nakikita.
He was the aloof type of guy.
"Busy lang. Baka next week pa ako makapunta. Hindi rin naman ako kailangan pa muna ni Mama kaya bihira na lang din," aniya. Hindi pa rin niya inaalis ang atensyon sa librong binabasa, tila mas interesado pa siya roon.
"Ah, gano’n ba?" Napayuko ako upang mag-isip ng panibagong itatanong. "Anong kukunin mong program sa college?"
He sighed. Natakot naman ako roon. Baka naiistorbo ko siya! Hindi ko pinakitang kinabahan ako sa buntong-hininga niya.
"Engineering," sagot niya.
Napatango-tango naman ako. "Good luck po! Alis na po ako! Bye!" Paalam ko.
Nakamasid lang sa akin si Clara habang naglalakad ulit ako palapit sa kaniya. Sumimangot ako kaya napangisi siya.
"Anong napala?" asar niya habang naglalakad kami patungong cafeteria.
"Busy lang! Watch and learn kapag practice nila ng graduation." I flipped my hair and smirked.
I have had a crush on him since I was 10. Since then, hindi na nawala sa kaniya ang interes at atensyon ko. I could say that he’s my first love. He doesn't know about my feelings but I am planning on telling him. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Hindi pa sa ngayon. I’m still young.
Naging tuloy-tuloy ang ganoong interaksyon namin. Minsan ay hindi ko siya nakikita dahil hectic daw ang schedule nila. Minsan, sa library ko siya naaabutan pero bawal ang magdaldal kaya hanggang tingin na lang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Engineer
RomanceEngineer Series #4 Euryle likes Acheron so much that she can do anything, even impossible things. As they became friends, she made him drunk. Drunk enough to execute her plans. A scheme to compel him to sign a marriage contract. and a plan that is...