Chapter Two

48 2 0
                                    

Friends

___________



We haven't done anything special at the start of the classes. Puro introduce yourselves lang. I find it repetitive since every professor asked that question.



"May ballpen ka?" dinig kong tanong ng katabi ko sa isa naming kaklase. "Gagi, walang tinta ballpen ko. Swerte ko talaga kapag first day!"



Nilingon ko ito at nakita ang pag-iling ng tinanungan nito. Ngumuso naman ito at napatingin sa direksyon ko. Tila nabigla pa ito dahil nakitang nakamasid na ako sa kaniya.




"Ay hi!" aniya bago kumamot sa ulo. "Pahiram naman 'te ng ballpen. Balik ko rin kaagad. Promise, hindi ko kakagatin 'yung takip!"



Tumango naman ako at kumuha sa lagayan ko. I handed her the pen that is similar to what I am using.



"You can keep it," sabi ko bago ko iabot sa kaniya ang ballpen.



"Wow! G-Tech! 0.3 pa!" she exaggerated. "Mula ngayon, bff na tayo at wala ng makapaghihiwalay pa sa atin." Umamba pa siyang yayakapin ako pero umiwas na ako.



Isinulat niya ang nakalagay sa white board. It was just some reminders about our college program. Tapos ko na rin i-note iyon.



When our vacant time came, lumabas ako ng room para puntahan si Clara. I wanted to ask her about Acheron’s schedule since ang kapatid niya ay kaklase nito. She texted me her location, which was at the cafeteria, so I immediately went there.


Nang makarating sa cafeteria ay nakita ko kaagad siyang kumakaway sa akin. Kasama niya si Fiona na Entrepreneurship ang program, same as her.



"Saglit lang ang break ko," ani Clara nang makaupo ako. "Ito ang schedule niya."


Iniabot niya sa akin ang cellphone niya kaya agad ko namang pinicturan ang nakalagay doon. It was Acheron’s schedule.



"Ang sabi rin sa akin ng kuya ko ay part siya ng basketball team dito. They represent our university. May laro sila bukas, kalaban ang ibang university. I’ll text you the details na lang kapag nakausap ko ulit ang kuya ko," aniya.


"Thank you, Clara. I’ll buy you anything you want kapag nag-shopping tayo!" I handed her phone back na agad naman niyang tinanggap.



"Hoy, kasali ako r’yan ha! Ako kaya ang kasama niyang pumunta sa kuya niya!" singit ni Fiona.



"Sige na! Just tell me when and I’ll make myself free."



Nagpaalam na si Clara dahil mali-late na siya sa next subject niya. Si Fiona naman ay may gagawin pa. When I asked her about it, she said that it was a secret. I just let her go.


I was left alone so I decided to grab a drink and food. I ordered a lemonade and a waffle. I am not that hungry so I don’t want to eat heavy.


Habang kumakain ay chini-check ko nang mabuti ang schedule na binigay sa akin ni Clara. He has 24 units ngayong sem. Ngayong araw ay may dalawa siyang course. Ang isa ay kaninang umaga habang ang isa ay mamaya pang hapon.


"Where is he now kung mamaya pang hapon ang klase niya?" I whispered, asking myself.


Sumimsim ako sa inumin ko bago ilagay ang cellphone sa bag ko. I didn't even finish the waffle dahil napagdesisyunan kong hanapin si Acheron. I need to know kung saan siya tumutungo kapag vacant niya.



Marry Me, Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon