Chapter Six

18 2 1
                                    

Modelling

__

They all say that love will find you, in different ways and in different circumstances. Love will not run. Love is always there, waiting for the right time to knock on your heart and embrace you once you open the door.


But can you not be the one to find love? Because I think I found mine.



Yet, he was lost to somebody else.




A month has passed since the scene in the garden. Nagpatuloy ang maayos na daloy ng panahon para sa lahat, pero sa akin ay hindi. Sa tuwing nasa paligid si Acheron ay hindi ko maiwasang masaktan. The pain was inevitable. Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kaniya, lagi namang nilalaro ako ng tadhana.




Sa mga pagkakataon na makikita o makasasalubong ko siya ay parating kasama niya si Hyacinth. Hindi naging sikreto ang pagpo-propose ni Acheron sa kaniya. Halos lahat ay suportado ang relasyon nila at excited sa gaganaping kasal. Hindi ko maiwasang mainggit. Ako dapat 'yon.




Sometimes, I blame the world for making me born late.




"Hey, are you okay? Hindi mo pa rin ba tanggap ang score mo sa exam?"



Napatingin ako kay Sarah. Sa loob ng isang buwan, siya ang naging rant buddy ko sa loob ng room. Halos hindi na rin magkatugma ang schedule namin nina Clara dahil sa mga orgs na sinalihan namin. Minsan, ang break nila ay nailalaan na lang sa orgs.




Umiling ako. "May iniisip lang."




It was the truth, though. May unting disappointment din naman ako sa score ko sa exam namin pero naisawalang-bahala ko naman na agad iyon katulad ng score ko sa ibang exams.




Sa loob din ng isang buwan ay na-realize ko na hindi ako para sa Civil Engineering. Laging mababa ang nakukuha kong scores sa quizzes. Kaya sa tuwing magtatanong si Dad ng tungkol sa pag-aaral ay halos matahimik ako dahil sa disappointment sa sarili. Pinipilit ko namang maging magaling, sadyang hindi talaga sumasang-ayon sa akin ang lahat.




"Is it Acheron again?" Sarah asked. Napatingin naman agad ako sa kaniya at nang makita niya ang reaksyon ko ay napailing na lamang siya. "Sobrang daming nakapila para manligaw sa'yo, Viv. Mas pinipili mo pa ang lalaking walang pakialam sa'yo."




"Hindi ko talaga kayang kalimutan na lang. Feel ko kasi may chance pa e." I smiled sadly.




"Ikakasal na nga sila, may chance ka pa rin?"




Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil sa sinabing iyon ni Sarah. Hanggang sa matapos ang last class namin ay tumahimik na lamang ako. Nagsasalita lamang ako tuwing may itinatanong ang iba kong kaklase.





Sinundo ako ni Kuya Alwyn. Kahit si Kuya Alwyn ay hindi ko matingnan dahil naaalala ko lamang si Acheron. Kung dati ay madalas kong kausap si Kuya Alwyn patungkol sa kay Acheron, ngayon ay halos bilang na lang ang naging pag-uusap namin.




"Nasa bahay niyo po si Ma'am. May bisita rin po kayo," anito kalagitnaan ng biyahe pauwi.





Lumingon naman ako sa kaniya at tumango. "Sino po?"




"Hindi ko rin po sigurado, Ma'am. Ang alam ko lang po ay katrabaho po ni Ma'am."




Hindi na ako sumagot. Nang makarating sa labas ng bahay ay nakita ko ang dalawang sasakyan sa garahe. Bumaba naman na ako sa sasakyan at dumiretso papasok sa bahay.




Marry Me, Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon