Hyacinth
______
"Anong orgs ang sasalihan mo?" I asked Sarah, one of my newly-found friends. Isa siya sa madalas kong maging classmate sa iba kong subjects kaya agad ko rin naman siyang nakasundo.
It's been three weeks since the class started at nagsisimula nang magbigay ng mga gawain ang mga profs. Meron na agad na pinapa-research sa amin sa History at kailangang i-report ito sa klase. Ang magre-report ay batay sa index card na ibinigay namin noong unang araw.
"Baka sumali ako sa photography. Wala na akong ibang maisip na salihan," sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa binder niya. May mga notes na ito na may mga highlighted na teksto. "Ikaw? May naisip ka na?"
"Hmm..." Ngumisi ako. "Siyempre, sa cheering squad!"
She rolled her eyes. "Sabi ko na nga e. Dahil ba sa crush mo sa team?" She sighed, disappointed. "Hindi ba sabi mo sa akin, ilang taon mo na siyang gusto?"
Tumango naman ako. Noong unang nagkausap kami, agad kong ikinuwento sa kaniya na may crush ako kay Acheron. Naalala ko pa ang pagtaas ng kanyang kilay noong sinabi kong ilang taon na ang lumipas mula nang ma-develop ako sa kaniya. Napasinghap din siya noong sinabi kong umamin ako pero na-reject.
"Ang martyr mo naman kay crush!" She said with a laugh. "Hala, sige! Pero sumali ka rin sa ibang club na gusto mo. Baka mamatay ka na sa pag-sunod sa crush mo."
"I will join photography too!" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya bago ngumiti. "Mahilig ako mag-picture!"
Nagkibit-balikat lang siya at muli siyang bumalik ang atensyon sa binder niya. Umiling na lang ako sa ginawa niya. What a nerd!
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pumasok na ang prof namin. Ang kinakatakutan naming lahat. Mathematics. Agad siyang sumulat ng limang mathematical equation sa board.
Last week, siya lang ang hindi nagpa-introduction sa amin. Nagbigay agad siya ng hand-outs at sinabing aralin namin. Inaral ko ba? Hindi.
"Students. Yellow paper. Answer what's written on the board. I'll be back after 30 minutes," aniya bago lumabas.
Sumimangot naman agad ako. Naglabas na lamang ako ng yellow paper at ballpen at sinimulang i-decipher ang nasa board kahit alam kong malabo.
Nang bumalik siya at ipinasa sa amin ang papel namin, isa pa lang ang nasasagutan ko at hindi ko pa sigurado kung tama.
"Anong sagot mo sa unang tanong?" tanong ko agad kay Sarah nang makalabas ang prof namin. "Hindi ko alam kung tama ang sagot ko." I sighed, exaggeratedly.
"2," aniya.
"Huh?! May log 'yung akin!"
Nagkibit-balikat lang siya habang inaayos ang gamit niya. Yumuko ako habang nai-imagine ang score ko. Isa na lang, mali pa!
"Tara sa photography club," ani Sarah.
I glared at her but I still stood up and followed her after putting my things inside my bag. May 30-minute break kami bago magsimula ang next class namin.
"Feel ko talaga, first year pa lang, mamamatay na agad ako sa equations na 'yan," bulong ko kay Sarah habang naglalakad kami.
"Engineering pa," aniya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Engineer
RomanceEngineer Series #4 Euryle likes Acheron so much that she can do anything, even impossible things. As they became friends, she made him drunk. Drunk enough to execute her plans. A scheme to compel him to sign a marriage contract. and a plan that is...