Text
__
We are enveloped by silence while we are munching the food in front of us. It was awkward but I am contented by the thought that he is in front of me.
"Uh... May laro raw po kayo bukas?" tanong ko.
Napahinto naman siya sa pag-inom bago tumango. "Gusto mong manood?"
Mas mabilis pa sa kurap ng mata ang pagtango ko. "Ang kaso po ay wala na raw pong ticket."
"Ah gano’n ba?" Huminto ito, tila ba ay may malalim na iniisip. "Susubukan kong magtanong sa mga kasama ko. I’ll provide two, para maisama mo rin ang kaibigan mo."
Nagningning naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Lumawak ang ngiti sa labi ko. "Salamat po, Kuya! Isu-support po namin kayo!"
Ngumiti ito bago tumango. Hindi naalis ang saya sa akin. Even when we parted ways because of my schedule, I am still smiling. Kung hindi lang ako masasabihang assumera, iisipin ko na may crush siya sa akin!
Patalon-talon pa akong naglakad papuntang next class ko. Kaunti pa lang ang tao sa loob ng room kaya agad naman akong nakahanap ng magandang mauupuan. Upuan na malapit sa bintana.
As usual we haven't done anything special. Hinanap ng mata ko ang babaeng nanghiram sa akin ng ballpen kanina pero nabigo ako. Marahil ay hindi ko siya kaklase sa klaseng ito.
I have four subjects today. Chem, Purposive Com, Calculus, at History. Tapos na ang dalawang subject ko kanina; ang History at Com. Every subject has 3 units, hindi pa kasama ang lab ng chem. Sa ngayon, mabilis lang ang phasing dahil wala pang masyadong pinapagawa ang mga prof since introduction pa lang.
Nang matapos ang lahat ng klase ko ay dinaanan ko pa ang room nina Clara at Fiona pero may klase pa rin sila. I texted them na mauuna na ako and they haven't replied yet. I take that as a yes, though.
Tinawagan ko na ang driver namin. He said that he’s on his way na so I waited at the shed. Sinilip ko ang orasan at nakitang kanina pa nakauwi si Acheron. Still, nilibot ko ang tingin sa pagbabakasakaling makikita ko siya.
And I did.
Nakita ko siya na nakatayo at nakatingin sa phone niya. He looks like he’s waiting for someone. Agad naman akong lumapit patungo sa kaniya.
He didn't notice me at first. Dahil doon ay kinalabit ko siya. Nilingon niya ako ngunit ang mga mata ay nakatutok pa rin sa phone niya. Nang hindi ako magsalita ay tuluyan na niyang ibinaling sa akin ang mga mata niya.
"Euryle..." he trailed off my name. "What are you doing here? Uwian niyo na?" he asked.
"Yup! Ikaw po?" I was close to asking what he was doing here kahit kanina pa ang uwian nila. I closed my mouth shut.
"Ah, may hinihintay lang." Bumaling ulit siya sa phone na hawak niya nang tumunog ito. It looks like someone texted him.
Tatanungin ko pa sana siya ng mga detalye tungkol sa kung sino ang hinihintay niya pero nag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay tumatawag na ang driver na susundo sa akin. Napalingon din naman sa akin si Acheron at bumaba ang tingin niya sa cellphone ko.
"Ah... Nand’yan na pala ang papa mo," I awkwardly smiled.
"Pasabi na lang na mamaya pa ako makakauwi. May pupuntahan pa kasi ako e," bilin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Engineer
RomanceEngineer Series #4 Euryle likes Acheron so much that she can do anything, even impossible things. As they became friends, she made him drunk. Drunk enough to execute her plans. A scheme to compel him to sign a marriage contract. and a plan that is...