⚠: ʟᴏᴛs ᴏғ ɢʀᴀᴍᴍᴀᴛɪᴄᴀʟ ᴇʀʀᴏʀs ᴀɴᴅ ᴛʏᴘᴏs.
Kabanata 3: Wish
Dumaan ang tatlong araw ngunit hindi parin umuuwi ang kanyang mga magulang. Hindi rin tumatawag ang mga ito sa telepono kaya sobrang nagaalala na siya.
Sa tatlong araw ay patuloy na bumubungad sa kanya ang tatlong tangkay ng rosas sa kanyang paggising ngunit ang kaibahan ay wala na itong sulat. At tuwing gabi ay pakiramdam niyang may nagmamasid sa kanya sa pagtulog. Palagi niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na kathang isip lamang niya iyon at paranoid lang siya. Siguro ay ini-stress niya ang kanyang sarili sa pagiisip at pagka miss ng kanyang mga magulang.
Nasaan na ba kayo Mom and Dad... please umuwi na kayo.
She prayed that they will knocked on there door and give her a tight hug. Ayos na magmukmok siya buong buhay niya sa loob ng kanilang bahay basta ba ay nariyan lang ang kanyang mga magulang na laging nakaagapay sa kanya.
Upang maibsan ang kanyang pagalala at kalungkutan ay naisip niyang magtungo sa likod bahay, sa may harden na kung saan marami siyang pananim na gulay at prutas. Medyo malamig ang klema ng paligid at matambok ang lupa na kinuumbukan ng kanilang bahay at sa paligid nito kaya masaganang tumutubo at nabubuhay ang kanyang pananim. Lahat ata ng gulay sa bahay Kubo ay naitanim na niya at Isa iyon sa advantages nila, hindi na sila kailangan pang pumaroon sa palengke upang mamili ng mga ito dahil nasa likod bahay lang at hindi kana mahihirapang pitasin.
Napangiti siya ng makita ang puno ng mansana na marami ng bunga. Mapupula ang mga iyon at natatakam siyang pitasin ito kahit sampu lang muna dahil hindi naman nila ito mauubos. Masayang kinuha niya ang panungkit at nagpaalam pa siya sa puno na kukuha siya ng bunga nito. Medyo may kataasan din kasi ito at hindi niya abot ang iba.
Pakanta-kanta siyang nanungkit at inilagay ito sa dala niyang basket. Pagkatapos nun ay sinuri din niya ang iba pang mga tanim at kanya itong diniligan gamit ang sprinkler.
Nang mapadako ang tingin niya sa kanyang mga rosas na itinamin ay nagimbal siya sa nakita. Naging itim at lanta ang lahat ang kanyang mga bulaklak. Wala na ang pula nitong kulay tila ba ay dinaan ito ng El Niño at hindi natubigan ng ilang buwan. At ang ikinagulat pa niya ay inuod ang mga ito kaya napasigaw siya ng wala sa oras.
" Ahhh!"
Sa pagsigaw niya ay nag siliparan ang mga ibon at umihip ang hangin. Kumaripas naman ng takbo ang kasambahay nilang si Rosa patungo sa kanya.
" Perse anong nangyayari, ba't ka sumisigaw? Nasugatan ka ba—Jusko! Anong—" nabigla rin ito nang makita ang mga lantang rosas. Bilang ni Persephone ang kanyang paboritong bulaklak at nasa isang daan ang mga iyon na nasayang lang. Umiiyak niyang diligan ang mga ito umaasang muli itong mabuhay kahit alam niyang malabo.
BINABASA MO ANG
HIS PERSEPHONE
RomancePaano kung may taong pilit na humahabol sayo? Inaangkin ka nito at ang mas malala pa ay dinadamay nito ang pamilya mo. Haides Blood Drakos ang lalaking demonyo sa paningin ng lahat. He will not hesitate to kill anyone who is against in his plans. An...