Kabanata 6: Mamatay Tao
Masakit ang kanyang ulo pagkagising at wala sa sariling napabangon siya. Ilang Segundo bago niya mapagtanto na wala siya sa kanyang silid. Hah! Si Mom at Dad! Teka nasaan ako! Labis ang kanyang pangamba bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari kahapon, ang pagambang ng mga armadong tao sa kanila.
Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib nang maalala ang lahat na nangyari. Ang kanyang mga magulang! Ang kalunos-lunos na nangyari sa mga ito. Akala niya ay panaginip lang ang lahat, sana nga. Diyos ko! Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa mga magulang kasunod noon dahil nawalan na siya ng malay tao.
Masakit man ang ulo at kahit naguguluhan ay pinilit niyang tumayo at umalis sa kinahihigaan. Madilim ang silid ngunit sumisilip sa nakaharang na kurtina ang liwanag sa labas. Pang lalaki ang disenyo ng silid pati ang amoy sa loob kaya ay mas lalong dumamba ang takot sa kanyang dibdib.
Hah!
Gulat siyang napabaling sa pinto ng umikot ang siradura nun na gumagawa ng tunog. Napaatras siya nang tuluyan itong bumukas.
Diyos ko! Mamatay na ba ako!
Napapikit siya sa takot at inintay ang susunod na mangyayari. Inaakalang ito ay gunman.
" I'm glad you're awake, My Queen," Isang malamig at matigas na baritong boses ang kanyang narinig. Wala sa sariling nagpamulat siya, napakunot ang kanyang noo sa nakita.
Isang lalaking naka maskarang itim at hubad baro ang pang itaas nitong katawaan kaya ay kitang kita ang katigasan ng dibdib nito...at ang eight pack abs nito. Alam niya iyon dahil minsan na siyang nakakita ng magazine na ganun ang laman...erase! erase! Nasa kalagitnaan ka ng kapahamakan Persephone! Sita niya sa sarili at bahagyang kinurot ang kanyang braso.
" Done eye raping me, Baby?" Nakangising wika ng lalaki, ngunit ang asul nitong mata ay nanatiling malamig ang mga titig. Napabalik siya sa huwisyo.
" S-sino ka? Anong ginagawa ko dito?" anas niya sa nanginginig na boses.
" Oh, You've already forgot me, Baby. That's hurts my feelings..." lintaya nito. Tumaas ang gilid ng labi nito at humakbang palapit habang titig na titig sa kanya. Napaatras naman siya sa takot. Para kasing kakainin siya nito ng buhay.
" W-wag kang lumapit! Please stay away! U-uuwi na ako!" ngunit hindi ito natinag sa kanyang pagsigaw. " I'm serious!" asik niya, ngunit agad siyang napatili nang walang anu-ano ay hinapit nito ang kanyang beywang dahilan upang magka dikit ang kanilang katawan. Ang kamay niya ay nakahawak sa dibdib nito.
" I'm serious too, My Queen. I brought you here because you're mine. Did you forget what I've send you...the flowers and the letters hmm?" Malamig nitong bulong sa kanyang tainga. Napaigtad siya nang maramdaman ang pagsagi ng labi nito doon. Hindi nag si-sink in sa kanyang isip ang binitawan nitong salita ngunit agad din niyang napagtanto ang lahat nang mahagilip ng kanyang mata ang tatlong tangkay ng rosas at sulat na nakapatong sa side table doon. Flowers and letters...Hindi!
Kaya pala pamilyar ito sa kanya.
" I-kaw!" bulalas niya at agad napalayo dito. "Y-you killed my parents! A-nong klaseng tao ka!" She yelled at him. Bumakas ang takot at pangamba sa kanyang mga mata. Ang lalaki naman ay seryoso lamang siyang pinagkatitigan tila ba ay hinahayaan nitong magwala siya.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin na ngayon ay nagkaharap na sila ng taong palaging nakasunod sa kanya at ang mas malala pa ay pinatay nito ang kanyang pamilya makuha lang siya. He is a killer!
BINABASA MO ANG
HIS PERSEPHONE
Roman d'amourPaano kung may taong pilit na humahabol sayo? Inaangkin ka nito at ang mas malala pa ay dinadamay nito ang pamilya mo. Haides Blood Drakos ang lalaking demonyo sa paningin ng lahat. He will not hesitate to kill anyone who is against in his plans. An...