Kabanata 1

343 12 2
                                    


Paalala: Maraming gramatikal error at maling pagbabay ng mga salita sa kwento dahil ito ay hindi pa na-edit.



Kabanata 1: Rosas

Nangunot ang noo niya at nagtataka kung bakit palagi na lamang niyang nakikitang nakabukas ang bintana sa kanyang silid. Tuwing gabi ay sinisigurado niyang nakasarado na ito bago siya matulog.

Tatlong pulang Rosas ang nakita niyang nakapatong doon. May balcony sa kanyang silid pero impossible naman ata na may makakaakyat dito. Napailing na lamang siya at dinampot iyon, may kasama pa itong maliit na papel.

Kaliméra, agápi mou, na thymásai pánta óti eísai dikós mou.

- Haides.

Napanguso siya nang mabasa iyon. Hindi naman niya naiintindihan. May saltik ata ang may-ari nito! Nakakaramdam parin siya ng kilabot kahit na araw-araw siyang nakakatanggap ng ganito. Mula noong tumuntong siya ng labing-walo gulang ay nagsimula na siyang makatanggap nito.

HAIDES. Iyon lamang ang tanging pangalan na palaging nagpapadala sa kanya ng bulaklak. Hindi na rin siya nag abala pang ipaalam ito sa kanyang mga magulang dahil alam niyang magaalala ang mga ito at dadagdag pa siya sa problema nila.

Dumungaw pa siya sandali sa labas ng bintana para tignan kung may tao bang kahinahinala pero walang kahit bulto siyang nakita. Tanging pagaspas lang ng dahon at awit ng ibon lang ang kanyang naririnig. At ang pagka dalisay ng kapaligiran. Hindi niya alam kung bakit mas pinili ng kanyang mga magulang na manirahan sa ganitong lugar na walang kahit sinong kapitbahay. Pero maganda naman ito dahil napapalibutan sila ng kalikasan at sa likod ng kanilang bahay ay may Isang lawa na parati niyang nilalanguyan. Kahit papaano ay nawiwili niya ang kanyang sarili dahil sa tanang buhay niya ay nasa bahay lamang siya at naka homeschool. At ngayon ay kakatapos lamang niya sa Senior High sa Academic track na kinuha. Nag humss siya dahil sa college ay gusto niyang mag-take ng education course at sigurado siyang sasangayon na ang kanyang mga magulang na mag aral siya sa totoong paaralan at excited na siyang maranasan iyon.

" Persephone, anak bumaba kana naka handa na ang umagahan!" napahinto siya sa pagmumuni nang marinig ang boses na iyon ng kanyang Ina sa labas ng kanyang silid.

" Opo Mom, susunod ho ako!" aniya at agad na kumilos. Pagkatapos niyang gawin ang morning rituals niya.


" How was your sleep anak? Nakatulog kaba ng maayos?" tanong ng kanyang Ama nang makaupo na sila sa hapag kainan. Napalunok siya, naalala niya ang bulaklak sa kanyang silid.

" Maayos lang dad! Maganda po ang panaginip ko kaya ay mahimbing akong nakatulog!" nakangiting aniya niya. Hindi nila pwedeng malaman baka ay mangyari na naman ang nangyari noon. I just keep it in myself na lang!

Noon kasi ay may mga lalaking nagtangkang bigyan siya ng bulaklak kaya nagalit ang mga ito at pinagbawalan na siyang lumabas ng bahay. Minsan ay naiinis siya sa ganitong paraan ng kanyang mga magulang pero iniintindi na lamang niya dahil alam niya kapakanan niya ang iniisip ng mga ito.

" Come here baby," masayang turan niya ng makita ang lumilipad na kulay asul na paruparo. Dumapo naman ito sa kanyang nakalahad na palad. She always amazed in this beautiful creature. She felt so relieved whenever she was surrounded by the beautiful creatures of nature.


Nasa likod bahay siya ngayon kung saan may lawa at sa gilid nito ay ang mga damo at sari-saring makukulay na bulaklak. Wala sa kanyang isip ang maligo ngayon sa lawa, gusto lamang niyang panoorin ang kagandahan ng lugar. Hindi naman siya naiinitan dahil nakasilong siya sa isang malaking puno ng acacia sa gilid ng lawa. At masarap din ang simoy ng hangin kaya ay natatabunan ang init ng panahon. Marahan siyang humiga sa kulay puting telang inilatag niya. May dala rin siyang picnic basket na may lamang pagkain kung sakali mang magugutom siya.

" Ayst! Sana hindi ko na lang pala ito binasa! Nagkakasakit sobra!" naluluhang reklamo niya sa sarili. Ilang oras din niyang binabasa ang librong hawak pero sa huli ay trahedya din pala ang nangyari. She always believe in Fairytale, it's sounds crazy pero sa edad niya ay naniniwala  siya sa mga ganung bagay. She always look for a happy ending but her life seems so suffocating, she doesn't have friends nor boyfriend. Hindi pa siya na inlove sa tanang buhay niya, pero ini-imagine niya ang bagay na iyon. Pero mukhang nasira ata ang happy ending na gusto niya dahil sa nobelang nabasa. Wuthering Heights the tragic love story of Cathy and Heathcliffe's. It was written by Emily Bronte.

Pinahid niya ang kanyang luha bago bumangon. Napalinga-linga pa siya sa paligid dahil nakaramdam siya na parang may nagmamasid sa kanya. Akala niya ay nakabantay na naman sa kanya ang kasambahay nila pero wala naman siyang nakitang bulto nito, baka namang ay may ibang tao sa paligid. Napailing siya siguro ay nasobrahan lamang siya sa pagbabasa kaya kung anu-ano na ang iniisip niya. Wala namang ibang makakapunta sa lugar na ito dahil pagmamayari ito ng kanyang mga magulang.


Persephone Marie Castillo basa niya sa nakasulat sa takip ng kanyang journal. Sa bawat Araw, buwan at taon ang nagdaan iisang notebook lang ang kanyang pinagsulatan sa bawat kaganapan ng kanyang buhay. Minsan ay umiiyak pa siya habang nagsusulat dahil doon lamang niya inilalabas ang ang mga bagay na ginagawa niya at siguradong mamimiss niya ang bawat araw na iyon. Naisip niyang maliit lamang ang buhay kaya dapat ay magpakasaya ka sa bawat oras at gawin ang lahat ng gusto mo. At nalulungkot siya sa isipang iyon, may bucket list siya sa mga bagay na gusto niyang gawin pero parang malabong mangayari masyadong mahigpit ang kanyang mga magulang.


Her warm brown eyes closed as she feel the wind caressing her skin. She will never get tired of embracing the beautiful place. Many memories she formed, through her ups and downs nature are always on her back to comfort her. She feel alive and free everytime and every minute of her life.

"Ate Rosa, dumating na ba sila Mom at Dad?" tanong niya sa nagiisang kasambahay nila nang makapasok sa loob ng bahay.


" Hindi pa Perse eh, baka ay mamayang gabi pa uuwi ang mga magulang mo. Teka nag meryenda kana ba?" aniya. Si Rosa ay nasa trenta na at ito lang ang tanging nakakausap niya sa tuwing nagiisa siya sa bahay.

" Nakapag meryenda na po ako Ate Rosa. Ikaw po ba? Nakakapagod pa naman ang gawain mo dito, sabi ko naman kila Mom na tutulong na lang ako sa gawaing bahay kaso ay ayaw nila!" maktol niya at ngumuso. Napatawa naman si Rosa habang nililinis ang misa sa hapag kainan.


" Naku ikaw talaga! Hayaan mo na. Trabaho ko naman ito Perse." mas lalong tumulis ang nguso niya. Unfair! She wanted to learn house choir.


⚚⚚⚚

" Boss! " sabay-sabay na yumuko ang mga ito sa taong kakapasok lang sa silid. Madilim at matigas ang awra nito na sumisigaw ng kapangyarihan. Nasa isang silid silang lahat dahil pinatawag nito ang lahat ng tauhan at alam nilang may iuutos ito.

His gunmetal blue eyes gazed around the corner of the room. Sinisigurado niyang lahat ng kanyang mga tauhan ay nasa silid na at handang makinig sa kanyang gustong ipagawa. Matigas siyang nakatayo sa harap habang ang perpektong kamay niya ay nakatago sa bulsa ng kanyang mamahaling pantalon.

" I want you to do something. And I don't want anyone of you to be doomed." he uttered dangerously. Napatahimik ang lahat. There are about thirty men in the room. At alam nilang lahat na hindi magiging madali ito, sa boses pa lang nito ay mapapa sign of the cross ka na lamang. There boss is like a cold stone at nababagay talaga sa ang pangalan nito sa kanyang ugali. Kung kakalabanin mo ito ay siguradong sa impyerno ang bagsak mo. He is a devil in disguise.


Napadako ang tingin ng lahat nang may inilapag itong Isang litrato doon. Noong una ay nagtaka sila kung ano at para saan iyon pero agad ding nakabawi nang makita ang nakangising mukha ng lalaking kaharap nila. They know what he wanted to happen.




Next mission.







—Bb.Araw♚

HIS PERSEPHONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon