Kabanata 5

194 10 2
                                        

May gramatikal errors at typos.


Kabanata 5: Ambang


Sa wakas ay natapos na rin ang unang semester nila sa unibersidad na pinapasukan niya. Masaya siya sapagkat ay natanggap na niya ang markang inaabangan. Ilang buwan din nilang pinaghirapan ang pag-aaral upang makapasa imbes na mabahala si Perse sa taong sumusunod sa kanya at nagpapadala ng sulat ay mas minabuti niyang ipagsalawang bahala iyon at itinuon ang atensyon sa pag-aaral lalo na at malaki ang tiwala ng kanyang mga magulang sa kanyang pagkatuto.


Ngunit ang kasiyahang iyon ay unti-unting napapawi ang mga ngiting naka ukit sa kanyang labi ay tila naiwan sa ere nang marinig ang pagtatalo ng dalawang tao.


" Francisco anong gagawin nating ngayon? Nagsisimula na Siya! Paano na tayo nito!"  Napakunot ang kanyang noo nang marinig ang sigaw na iyon ng kanyang Ina. Kakauwi lang niya galing sa Unibersidad na pinapasukan. Excited siyang sabihin sa kanyang mga magulang na sa first sem nila ngayon ay nakapasok siya sa dean lister. Umabot halos nasa 1 ang grado niya sa lahat ng subject at napakagandang balita iyon para sa kanya. First year college pa lang siya kaya hindi niya ito inaasahan.

" Kumalma ka Elvira! May magagawa pa tayong paraan—"

" At anong paraan naman hah? Palagi na lang palpak iyang mga paraan mo kaya natuntun niya tayo!


Patuloy na nagtatalo ang mga ito habang palapit siya nang palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa narinig.



" Tangina naman! Itatakas natin Siya! Iyon na lang ang tanging paraan upang hindi niya makuha ang anak natin!" Galit na lintaya ng kanyang ama. Kita niya ang taranta at takot sa mga mukha nito. Kaya lalo siyang nalito, ngayon lang niya nakitang ganito ang pagaaway ng mga magulang niya.



" Mom, Dad, May problema ba? Ano hong pinagaawayan niyo?" biglang tanong niya na ikinahinto ng mga ito. Gulat ang rumihestro sa mga mukha nito nang mapalingon sa kanyang direksyon.


" Perse? Anak kanina ka paba diyan?" kinakabahang tanong ng kanyang ama. Umiling naman siya dito kahit na may pagtataka sa kanyang mukha



"Kakarating ko lang Dad kaso narinig kong nagsisigawan kayo—" napatigil siya nang humakbang ang kanyang Ina at dinamba siya ng yakap.



" Diyos ko Anak! Pasensya kana sa nakita mo, may konting problema lang kami ng Dad mo pero wag kang magalala magiging maayos din ito.." nakaramdam siya ng kaba nang umiyak ang kanyang Ina.



" Mom, bakit po kayo umiiyak? Ano ho ba ang problema? Please tell me baka may maitulong ako, were family right?" kumawala siya sa yakap ng Ina at maiiging pinagkatitigan ang mga ito. Her mother still crying at mabilis naman itong inalo ng kanyang ama.


" Dad?" Nagtatanong niyang tinignan ito. Puno ng iba't ibang emosyon ang mukha nito. Mabigat ang paghinga at nagiging mabigat ang temperatura ng paligid. Are they hiding something from me?


" We'll be leaving tomorrow," nabigla siya sa sinabe ng Ama. Mag babakasyon ba sila? Pero masyado pang maaga para doon may klase pa siya. " We're moving to America and will be living there," marahas bumuntong hininga ang kanyang Ama matapos iyong sabihin. Habang Siya naman ay nakatanga lang sa mga ito.



" W-what? Is this a joke Mom, Dad?" Tumigas ang anyo ng kanyang ama, samantalang ang kanyang Ina ay lumuluhang nakatingin sa kanya.




" T-this is for your own good anak," nahihirapang aniya ng Ina. Hindi siya makapaniwala sa mga ito. Kakalipat lang nila dito Cebu at ngayon naman ay aalis sila ng bansa. Ano ba talaga ang nangyayari sa mga magulang niya?



HIS PERSEPHONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon