Kabanata 4

201 6 0
                                    

Grammatical error and typos a head!

Kabanata 4: Bagong Mensahe


Naging maganda ang daloy ng pamumuhay nila sa loob ng ilang buwang paninirahan sa Cebu. Sobrang galak ni Persephone nang magsimula ang kanilang klase. Education ang kanyang kinuha... Bachelor of Elementary Education, mas gusto niyang magturo sa mga bata kaya naman mas pinili niya ang BEED.



Hindi rin naman naging madali para sa kanya ang unang pasukan pero nagkaroon naman siya ng kaibigan at mababait naman ang kanyang mga kaklase. Noong una ay ilag pa siyang makipagusap pero kalaunan ay naging komportable na siya at hindi na siya na a-out of place.



" Psst, Perse Cafeteria tayo!" Aya sa kanya ni Donna na kaklase niya na naging kanyang kaibigan.



" Shuta Donna! Naiihi ako mauna nalang kayo bye!" nagmamadali utas naman ni Ella short for Nutella. Napaka weird nga naman ng pangalan nito kaya ay ayaw na ayaw nitong tinatawag sa buong pangalan niya kundi ay nagiging amazona ito. Kaibigan ito ni Donna na naging close din niya.


Natatawang napailing silang sinundan ito ng tingin. Hindi ito makandaugang tumatakbo sa direksyon ng comfort room.



" Tara na, tayo na lang din ang mag order para sa kanya." wika niya at sumang-ayon naman si Donna.


Ilang minuto panghihintay nila kay Ella at sa wakas ay dumating din ito. Natatakam na sila ni Donna sa pagkain na nasa kanilang harapan. Kanina pa kasi sila nagugutom at may Isang oras lang sila para kumain ng lunch.



" Tumae ka ba? Ba't ang tagal mo?" usal ni Donna ng makaupo si Ella sa tapat nila.



" Shhh bibig mo, may pagkain sa harap," sita naman ni Ella dito.



" Gutom na kasi kami," nakangusong aniya naman niya. Natawa naman si Ella sa hitsura nilang dalawa.



" Edi sorry po, kain na po kayo." pa baby talk nitong aniya. Sabay sabay naman silang napabungisngis dahil dito.



Habang kumakain ay sinasabayan nila iyon ng pagku-kwento. Hindi mapigilan ni Perse ang manghinayang dahil sa childhood niya ay wala siyang memoryang nakikipag sapalaran sa ibang mga bata. Wala tuloy siyang maikwento sa kanila hindi pareho sa dalawa na naging normal at masaya ang childhood nila.



" Ahem, excuse me!" napatigil at sabay silang nag-angat ng tingin sa taong nagsalita. Isang gwapo at mestizo ang kanilang nabungaran.



" Drake? " narinig niyang usal ni Donna.



" Drake Davies?" gulat namang aniya ni Ella.



" Yeah. Hi girls!" nakangiting aniya nito. Namangha naman siya ng lumabas ang dalawang beloy nito sa pangisi. Mas lalo itong naging magandang lalaki sa paningin ng lahat. Kumabog naman ang kanyang dibdib nang mapadako ang tingin nito sa kanya, titig na titig ang lalaki sa kanyang mukha. Nahihiya naman siyang nagbaba ng tingin. Hindi naman niya ito kilala baka ay kakilala ito ng kanyang mga kaibigan.



" And who's this beautiful girl? Is she your friend?" rinig niyang tanong nito. Napatingin naman siya sa dalawa na tulalang napatango-tango sa lalaki. Ano bang meron? Alam niyang gwapo ito ngunit hindi naman siya mahilig makipagusap sa mga lalaki.



" Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan magandang binibini?" Napakurapkurap naman siya at napatingin-tingin sa palaigid. Nalaman niyang nasa kanila ang atensyon ng ibang estudyanteng nasa cafeteria. Siniko naman siya ni Ella kaya ay muli siyang napabaling sa lalaking nagaabang sa kanyang sasabihin.



HIS PERSEPHONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon