" Sir, may sumusunod po sa atin!" gumapang ang kaba sa kanyang dibdib nang magsalita ang driver habang patingin-tingin ito sa side mirror. Nataranta naman ang kanyang mga magulang." Perse, anak dumapa ka Muna at takpan mo ang tainga mo-"
" W-why Mom? Ano bang nangyayari sa Inyo? Kahapon pa kayo ganyan!" Inis niyang wika.
" Sundin mo na lang ang sinasabe ng Ina mo, Perse!" gulat siyang napabaling dito sa pagtaas nang boses nito. Nagbabayad ang luha niya.
" B-but-Ahh!" napasigaw siya sa takot nang biglang makarinig sila nang putukan.
Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na pino-protektahan ng kanyang Ina. Lumilipad ang mga bala ng baril sa kung saan-saan. Nabasag din ang salamin sa likod ng kanilang sasakyan dahil sa walang tigil na pinagbabaril sila ng kung sino.
" M-ma, a-anong nangayari?" nanginginig niyang tanong ditoa at humigpit ang yakap sa Ina. Nakadapa sila sa loob ng sasakyan habang ang Ama niya ay nakikipag barilan din sa dalawang sasakyan na nakasunod sa kanila.
" Shhh... everything is going to be okay basta dito ka lang sa tabi ko
hah?" Pagpakalma ng kanyang Ina sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang kumapit dito." F-francisco!" rinig niyang sigaw ng kanyang Ina. Ramdam niya ang takot at panginginig nito. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.
" P*tang*na!" malakas na mura nito nang makita kung paano sumalpok at sumabog ang sinasakyan ng kanyang mga tauhan. At patuloy parin silang hinahabol ng kalaban.
" Sir, anong gagawin natin?" Kinakabahang aniya ng kanilang driver.
" Itigil mo ang sasakyan sa gilid! Kailangan makatakas ang mag-ina ko!" bulalas niya.
" Francisco ano bang iniisip mo? Hindi kami aalis nang wala ka!" galit na umiiyak ang kanyang Ina.
" Elvira, s-susunod ako hon, Sige nah dalhin mo ang anak natin, tumakbo na kayo!" wika ng kanyang ama. Nang huminto ang sasakyan sa gilid ay agad na silang pinalabas nito.
" D-dad!" malakas niyang sigaw nang makitang hindi bumaba ang kanyang Ama sa sasakyan at pinaandar na iyon paalis.
" A-nak, h-halika na kailangan na nating umalis..." umiling siya, ayaw niyang iwan ang ama. Pero mabilis siyang hinila ng kanyang Ina patago sa masukal na damo nang dumaan ang sasakyan ng mga kalaban. Kasabay noon ang malakas na pagsabog na nang patigil sa kanila.
" H-hindi! Francisco!" nabigla siya nang tumayo ang Ina at tumakbo patungo sa daan. Hindi na niya ito na pigilan. Huli na ang lahat.
Isang putok ng baril ang tumaginting sa kanyang pandinig.
Kitang kita niya kung paano bumagsak ang katawan ng kanyang Ina sa gilid ng daan.
" Mom!"
Huling sigaw niya bago siya nawalan ng lakas. Unti-unting bumagsak din ang kanyang katawan. Hindi siya makapaniwalang sa Isang iglap nauwi sa trahedya ang buhay nila. Gustuhin man niyang lapitan ang Ina pero hindi niya magawa tila naging paralisado na din ang kanyang katawan.
Naisip niyang ito na ang katapusan.
Bago mawalan ng malay ay naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan. At nakarinig siya ng Isang marahas na tinig na alam niyang pamilyar sa kanyang pandinig.
" Akin ka na ngayon, sleep well my Love, My Persephone!"
BINABASA MO ANG
HIS PERSEPHONE
Roman d'amourPaano kung may taong pilit na humahabol sayo? Inaangkin ka nito at ang mas malala pa ay dinadamay nito ang pamilya mo. Haides Blood Drakos ang lalaking demonyo sa paningin ng lahat. He will not hesitate to kill anyone who is against in his plans. An...