Tila naging bato ang aking dila at hindi ko magawang magsalita.
"Woman?" I asked with my disguised voice and lifted my chin in defiance.
He scoffed and strides toward me. Wala sa sarili akong napaatras ng isang hakbang.
"Why are you here?" he demanded. His face enigmatic.
Sa tingin ko ay hindi na talaga yata magtatagal itong pagpapanggap ko. Malalaman din naman niya, kaya bakit kailangan ko pang magsinungaling?
Bumuntong hininga ako at hinawakan ang aking helmet. Bumagsak at humibay ang aking mahaba't maalong buhok nang tuluyan ko nang matanggal ang helmet.
My eyes met his gaze. There I saw a faint astonishment flickering in his eyes, but he stayed still.
"I will join you in defeating the Fylakas, General," I replied determinedly, now in my woman voice. Humakbang ako paabante palapit sa kaniya habang nanatiling nakaangat ang aking paningin upang iderekta sa kaniyang mga mata.
Nagsimulang lumiit ang kaniyang balintataw, malinaw na hindi niya nagustuhan ang aking tugon. He stared, speechless, and his jaw moving tautly.
"Go home," malamig nitong tugon sa akin bago umatras at tinalikuran ako.
"No," matigas kong sagot dahilan upang tumigil ito sa paglalakad. His broad back shoulders are facing me.
Nilingon ako nito habang magkatagpo na ang kaniyang mga kilay, "it is an order from your general, woman warrior."
Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. Akala ko ay hindi niya alam na kasali ako sa mga mandirigma niya?
Subalit ay hindi na dapat ako magtaka na ngayon ay nalaman na niya. Hinahanap na ako ng mga sundalo ngayon matapos kong madisrespeto ang komandante.
"What are the consequences if I defy you, general?" muli akong humakbang upang lumapit sa kaniya, pinapakitang determinado ako sa disesyon ko.
Napapikit ito dahil sa inis at huminga nang malalim bago muling iminulat ang mga mata upang ituon sa akin ang kaniyang atensiyon.
"It's not a safe journey, so stop being stubborn! You'll die here in the wild, you woman," he closed the space between us that I can feel the warm air on my forehead as he spoke.
Tumingala ako upang tignan ang malamig niyang mga mata, "I won't die."
"What?" his eyebrows furrowed questioningly.
"Or if I die, then I'll die for the Apsogos," pagpapatuloy ko.
We stared at each other, feeling the warm air of each breath on our skin. Tila ba'y nagkakaroon ng digmaan sa pamamagitan ng paningin namin. But suddenly my head jerked abruptly towards the sudden sound of a rustling bush. Wala akong kahit anong nakita sa paligid kaya ay ibabalik ko na sana ang atensiyon sa heneral, nang bigla na lamang ako nitong hilahin. Inilagay ako nito sa kaniyang likod at nang iangat ko ang aking paningin sa harapan namin ay halos mapaatras ako sa gulat dahil sa nakita. Isang napakalaking serpiyenteng inilalabas ang kaniyang mahabang dila. It is enormous—far way different with serpents I've fought before. There were long sharp spikes on its head, and its eyes were as big as episkyros' ball.
Mabilis kong hinila ang aking ispada at pumuwesto kagaya ng heneral. We took a step back as the serpent opened its mouth and thrust its fangs towards us.
Mabilis naming isinuray ang aming mga ispada sa lumapit na ulo ng serpiyente, ngunit sa sobrang laki nito ay hindi namin ito magawang mapatay sa ilang sugat lamang. Patuloy ang aming mabilis na pag-atras dahil sa patuloy ring pagsunod sa amin ng nilalang.
BINABASA MO ANG
ATHANNAH
FantasyFORTIMINA SERIES 1 ATHANNAH: The Warrior Goddess Athannah, the warrior who was underestimated by Apsogonean men for being a woman, started her journey in defeating their land's demigod enemy, to save her people and change the perspective of men towa...