MALAKI ANG BARKONG trireme na aming sinakyan at mayroon itong mga puting telang panglayag. Cargo ships usually use white sail cloth for mostly only rich merchant could afford to dye theirs.
Sa bawat gilid ng mahabang barko ay ang mayroong mahahaba at matitibay na sagwan na mayroong isang mananagwan na nakatalaga sa bawat sagwan. Walang kahit na anong ibang silid ang barko, at dalawang palapag lamang mayroon ito: ang pinakailalim na parte kung saan nilalagay ang ibang mga kargamento at ang ibabaw na bahagya lamang natatakpan ay kung nasaan ang pinuno at ang mga tauhan nito.
Madilim ang ilalim ang barko kung nasaan kami ngayon at ang tanging ilaw lamang na mayroon kami ay ang liwanag na nanggagaling sa awang ng maliit na pintuan na nasa ibabaw namin.
"Ragar," pabulong kong tawag dito habang nakaupo at nakapatong ang baba ko sa tuhod.
"Hmm?" hinanap nito ang mga mata ko sa kabila ng dilim.
"Are women weak?"
"No, they have their own unique strength. Why?"
Naalala ko kanina kung paanong hindi naniwala ang ibang mga tao sa Apsogos na marami akong natalo sa mga minotauro dahil isa akong babae.
Umiling ako bilang tugon kay Ragar at tipid na ngumiti. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at ikinulong sa kaniyang mga braso.
He patted my head and leaned it to his chest. I felt his movement until it changed into a warm embrace from my back.
"You could sleep first," he gave me a soft smile and moved some strands of my hair behind my ear.
My eyelids started to feel heavy and so I leaned even closer—snuggling closer against the warmth of his body. His embrace is soothing just like how a satin feels against our skin.
After a few minutes, I drifted off completely.
Nagising lamang ako dahil sa mga ingay na naririnig ko mula sa labas. Mas lalo ko pang naramdaman ang pagkagising ng aking kaluluwa nang mapahandusay ako sa sahig dahil sa biglaang pagtayo ni Ragar na sinasandalan ko.
Kumunot ang aking noo dahil sa kakaibang ikinilos ni Ragar, lalo na ngayon na nakaharap sa akin ang kaniyang likod habang naglalakad na siya palayo.
"Ragar! Ano—," and that's when realization hits me.
I heard singing from outside. The sirens.
Mabilis akong bumangon upang pigilan si Ragar. He's being charmed by the siren's song, and if he'll be able to get to the deck, he'll surely jump and join the sea creatures.
"Ragar!" I tried to grab his shoulder but he pushed me away.
Sinubukan kong pumunta sa kaniyang harap at ibinuka ang aking mga braso upang pigilan siya. Ngunit sadyang mas malakas siya at kahit anong gawin ko ay hindi ko siya kaya. Tumakbo na lamang ako at inakyat ang hagdan na sa ibabaw niyon ay ang pintuang pahiga sa sahig. Umupo ako sa sa hagdan at itinaas ang aking mga kamay upang hawakan ang trangka ng pintuan at maisara ito nang mabuti.
Walang emosyon ang makikita sa mukha ni Ragar at patuloy lamang ang paglalakad nit, anaki'y nanabik na ang kaniyang katawan na makalapit sa mga nag-aawitang sirena.
Mas pipiliin mo talaga ang mga magagandang dilag ng karagatan kaysa sa'kin.
Labag man sa aking kalooban ay wala na rin akong pagpipilian pa, nang makalapit na sa akin si Ragar ay tinuhod ko siya sa kaniyang tiyan. Napaluhod siya sa sahig at napahawak sa kaniyang tiyan dahil sa sakit. Agad akong pumunta sa kaniyang likod at iginapos ang kaniyang mga kamay.
I still need to find a wax to shove onto his ears, so he could stop being enchanted by the sirens.
Binilisan ko ang aking mga kilos at kumuha ng malaki at mahabang lubid. Inihilig ko papunta sa malaking poste si Ragar at doon siya iginapos. Nakaupo siya at nakasandal sa poste at nababalot ng ilang ikot na lubid ang kalahati ng kaniyang katawan. Nang masiguradong hindi na siya makakatakas doon ay saka ako patakbong naghanap ng pagkit na maari kong mailagay sa tainga ng heneral.
BINABASA MO ANG
ATHANNAH
FantasyFORTIMINA SERIES 1 ATHANNAH: The Warrior Goddess Athannah, the warrior who was underestimated by Apsogonean men for being a woman, started her journey in defeating their land's demigod enemy, to save her people and change the perspective of men towa...