Para akong sinasakal ng kaba nang makita ko ang heneral na ganoon.
"Ragar!" pilit itong bumabalik sa ibabaw upang makalanghap ng hangin, subalit mayroong humihila sa kaniya pababa.
Agad kong kinuha ang aking sibat at inasenta sa napagtanto kong isang sirena na humihila sa kaniya. The shaft freed my palm and flashed towards the creature. There was a shriek of the siren before I shouted when Ragar were completely dragged underwater.
My face went pale. My heart rapidly slammed into my ribs. And, on my body's own accord, I dive straight into the water bringing the dagger with me.
Mas binilisan ko ang aking paglangoy upang masundan ang sirenang gapos-gapos si Ragar sa kaniyang braso habang dinadala papunta sa ilalim ng tubig. The panic inside me rose when I saw Ragar slowly closing his eyes.
No!
Nang malapit na ako sa kanila ay dagli na lamang lumingon ang sirena sa akin. She hissed, her teeth were thin and sharp like needle. Lumangoy ito sa akin na wari'y isang pating na hindi makahintay na marating ang pinanggagalingan ng naamoy na dugo. Sinubukan nitong isagpang sa akin ang kaniyang matataas na kuko ngunit umilag ako at mabilis na hiniwa ang kaniyang kamay. She shriek and freed Ragar, and he started to drift.
Ragar!
Lalapitan ko n asana ang heneral nang bigla na lamang akong yapusin sa leeg ng sirena. Nanggagalaiti ito habang sinasakal ako. At kahit nahihirapan ay nagawa kong masaksak ang kaniyang mukha. Agad ako nitong nabitawan kaya ay nagkaroon ako ng kalayaan na bigyan pa siya nang ilang saksak. Halos mawalan na ako ng hangin nang maramdaman kong wala na itong buhay.
Bigla kong naalala si Ragar.
Hinanap koi to at nakitang malalim na ang narating ng kaniyang katawan na nagsisimula ng dumilim ang tubig.
Bagaman nauubusan na ng hangin ay pinilit kong lumangoy pa pababa upang mailigtas si Ragar. Nang sa oras na mahawakan ko na ang kaniyang kamay ay mabilis kong itinulak ang aking paa upang gumawa ng pwersa paitaas. Mabilis ang paggalaw ng aking paa.
Labis ang aking pagsinghap ng hangin nang marating namin ang ibabaw. Mabibigat ang aking hininga at nanginginig ang aking mga labi.
"Ragar," nakasandal ang ulo nito sa aking balikat at sinubukan kong hawakan ang kaniyang mukha. Wala itong malay, ngunit nararamdaman ko pa rin ang kaniyang pulso sa kaniyang palapulsuhan. Namumutla na rin ang mga labi nito.
Lumangoy akong muli habang akay si Ragar, papunta sa aming bangka.
Ragar, please wake up...
Mabigat ang katawan nito kaya ay nahirapan akong iangat siya upang maisampa sa bangka. Una kong ipinatong ang kaniyang pang itaas na katawan at buong pwersa na itinulak ang kaniyang paibaba.
Aakyat na rin sana ako sa bangka nang kapagdaka'y lumubog ang aking katawan sa tubig dahil sa biglang paghila ng isang nilalang.
My mouth let out muffled screams, and bubbles were forming. Pilit kong kinakalampag at iwinawasiwas ang aking paa upang mabitawan ng sirena ngunit mas hinihigpitan lamang nito ang kaniyang pagyapos. Nagsimula na rin akong makaramdam ng hapdi sa aking bukung-bukong dahil sa mahahabang kuko ng nilalang doon. Wala na ang magandang mukha ng sirena at napalitan na ito ng kaniyang halimaw na mukha: mahahabang kuko, manipis at matutulis na ngipin, maputlang balat, at nangingitim na malaking mata.
No matter how I fight, the siren is swiftly pulling me to the abyss of the ocean. And out of desperation, I pulled the siren's hair, and it jerks toward me, shrieking. Binitawan nito ang aking binti at lumipat sa aking leeg. Napayapos ako sa mga kamay niyang nakagapos sa aking leeg. Mas lalo lamang akong nauubusan ng hininga, at sa natitirang lakas ko ay nagawa ko siyang suntukin sa mukha. Nang mabitawan ako nito dahil sa lakas ng tama ay sinipa ko siya sa kaniyang panga.
Nagiging Malabo na ang aking paningin, at ramdam ko na ang pagkaubos ng aking hangin. Nanghihina na rin ang aking katawan.
Dahan-dahan ay nararamdaman ko na ang paglubog ng aking katawan.
Akala ko ay iyon na ang huli ngunit ay sa isang iglap naramdaman ko na lamang ang matulis na bagay na tumusok sa aking dibdib. Agad akong napahawak doon habang umiigting ang aking panga. At sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata ay nakita ko pa ang sirena sa aking harapan, at ang mga dugong pumaligid sa akin.
The pain is stinging, biting, and as if digging deeper on my chest. Gusto kong sumigaw sa sakit ngunit ay pinipigilan ako ng tubig at panghihina ng katawan.
My muscles were weakening, my lungs constricting, and my heartbeat seeming too slow.
Slowly, my eyes began to drag closed. The water dragged me to its depth.
...
...
Abruptly, my eyes snapped open in terror, my head jerked up, and as fast as a lightning, I push my body back to the surface. When I reached the open air, I was gasping, and my breathing was harsh.
What just happened?
Mabilis kong kinapa ang aking dibdib kung nasaan ang malalim na sugat ko kanina, ngunit ay wala na akong maramdaman na sakit doon. Nang tignan ko ito ay wala na ring kung anong marka, na tila wala lamang nangyari. Naghilom na ito.
Pero ang pinagtataka ko ay akala ko patay na ako? Bakit...
"Athannah!" my head jerked towards the voice.
Mabilis na itinapon ni Ragar ang lubid sa aking direksiyon. Masyado pang magulo ang aking isipan at wari'y nakalutang pa ito sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, at parang nanghihilo ako. Parang nawawala ako sa aking sarili.
"Athannah," malumanay ang boses nito, at nang muli kong lingunin si Ragar ay nangangamba na ang mga mata nito.
Napalunok ako at bumaba ang tingin sa lubid na itinapon niya sa akin na ngayon ay lumubog na. Hinila niya ito at muling inihagis sa aking direksiyon. Hinuli ko iyon at doon kumapit upang makalapit sa bangkang kung nasaan siya.
Nang makalapit na sa bangka ay agapan niya akong hinuli sa aking balikat at tinulungan na makaakyat. He immediately pulled my spear and my breastplate, leaving me only on my tunic. When done, he pulled my body to his chest and fill his arms with me.
Sumabay ang paggalaw ng aking dibdib sa mabilis at malalim na pagbaba't pag-angat ng kaniya.
He kissed my temple and stayed there longer, and when he pulled to face me, he cupped my face to his palm. His eyes were forming water. "Are you alright?" his voice almost broke and I felt his sound suppressing a cry.
Napatitig ako sa kaniyang mga mata, at sa tagal niyon ay tila malinaw ko nang nakikita ang aking repleksiyon sa kaniyang balintataw.
"Ragar," nag-aalalang tawag ko sa kaniya.
"Kung sana ay hindi ako nahimatay, natulunga—
"Shh...I'm safe."
Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nakatitig sa akin ang namumula niyang mga mata. Sa isang iglap, ay muli niya akong hinila at ikinulong sa kaniyang malalakas na bisig. "Athannah, I-I thought I l-lost you. I couldn't find you when I opened my eyes."
"Ragar, I'm here, hmkay?"
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha nito.
ZATALLANNA
BINABASA MO ANG
ATHANNAH
FantasyFORTIMINA SERIES 1 ATHANNAH: The Warrior Goddess Athannah, the warrior who was underestimated by Apsogonean men for being a woman, started her journey in defeating their land's demigod enemy, to save her people and change the perspective of men towa...