24-είκοσι τέσσερα

91 6 0
                                    

The war is near approaching.

"Paano natin papupuntahin ang Fylakas sa Apsogos?" tanong ko sa heneral na nasa tabi ko lamang habang nasa loob kami ng silid kung saan nagpaplano palagi ang mga sundalo sa mga digmaan.

Nakatitig kami ngayon sa mapa ng buong Apsogos na kung saan ay mayroong mga pigurang maari naming magalaw at mailipat sa ibang bahagi ng mapa.

"Hindi ba't nasabi niyang babalik siya rito pagkatapos ng isang taon upang tignan ang natapos niyang templo?"

"Sa tingin mo ba ang kaya pa ng ating lugar na hintayin iyon?" hindi ko na yata kakayanin ang ganoon katagal.

"Kung gusto natin nang mas maaga niyang pagpunta ay gumawa tayo ng kaganapang hindi nito gusto," nilingon ko ang heneral dahil sa sinabi nitp.

"Like?"

"Ano ba ang pinakainaalagaan nitong bagay sa ating lugar?"

"Ang kaniyang malaking rebulto at ang templong hindi pa natatapos," napaisip ako bigla. "His statue..."

"Yes?" tumaas ang kilay ng heneral.

"We could use his statue,"

"Paano kung hindi gumana?"

"Trust me, Ragar."

"Gaano katagal sa tingin mo matatapos ang paghahanda?" tanong ko sa heneral habang nanatili pa ring nakatitig sa mapa. Paham siya sa mga ganitong bagay sapagkat isa siyang heneral kaya ay mas marami siyang magagawa pagdating sa pagpaplano ng mga digmaan.

"Sa tulong mo ay isang buwan lamang ang ating kakailanganin."

Tumango ako sa kaniya habang inililipat ang kumpol ng mga gawang pigura ng mga sundalo sa bagong puwesto nito sa malawak na mapa. Itinagilid ko ang aking ulo habang pinagmamasdan ang bagong ayos ng mga malilit na pigura sa mapa. At nang iniangat ko na ang aking paningin ay natagpuan ko ang heneral na manghang nakangisi sa akin.


THERE WERE SOUNDS of metal chiming against metal, smell of heavy sweats, and scent of raging fire filling the Apsogos' forge. Sa unang araw pa lamang matapos mailatag an gaming mga plano sa mga mandirigma ng Apsogos ay nagsimula na kaagad kumilos ang mga ito. Apsogonean smithies were focusing more on making strong and durable weapons: spears, swords, and shields. The armors of every warrior were also polished and fixed for a better combat.

Mas pinag-igihan na rin ng mga mandirigma ang kanilang pag-eensayo at pagpapalakas para sa darating na labanan. Hindi lamang ang Fylakas ang mahaharap naming kung hindi ay pati na rin ang mga alagad nitong mga fotrateos. Alam kong napakaraming fotrateos ang maaring ilatag ng Fylakas kapag nalaman nitong nais naming siyang kalabanin.

Buhay sa kaalaman ng lahat na ang mga fotrateos ay hindi namamatay sa mga karaniwang armas lamang ngunit mula sa aking karanasan at nabasa mula sa isang aklat doon sa silid-aklatan ng Sapyenthia, ay mayroong paraan upang tuluyang mapatay ang mga tila imortal na mga fotrateos. Ito ay sa pamamagitan ng pagpunas ng langis ng oliba na nahawakan ng isang bathaluman, sa isang armas na gagamitin sa pagpaslang ng fotrateos. Gaya nga nang nangyari sa akin noon nang makipaglaban ako sa mga fotrateos na sa kaunaunahang pagkakataon ay nagawa kong makakitil ng akala ko'y immortal na mga fotrateos.

Tumungo ako sa pagawaan ng mga langis ng oliba upang mahawakan ng ang bawat langis sa banga. Saka pa lamang nila ito maipupunas sa kanilang mga sibat at ispada sa takipsilim bago ang araw ng labanan. Pagkatapos ko rito ay pinuntahan ko naman ang heneral sa kaniyang kuwadro nang may nagsabi sa aking pinapatawag ako nito.

"Does the General needs his goddess, hmm?" bungad ko kaagad pagkapasok ko sa kaniyang silid.

Ngumisi ito sa akin habang hawak niya ang kaniyang tanyag na kalasag. Ang kalasag na iyon ay sinasabing ginamit pa noon ng mga bathaluman sa pakikipaglaban, at isang kalugod-lugod na bagay na para sa amin ang kung sino mang makagamit niyon. Isa na rin ang kalasag na iyan na mas nakakapagbigay ingay sa pangalan ng heneral. Hindi lamang siya isang malakas na mandirigma kundi isa ring napili upang maging tagapagmana ng tanyag at maalamat na kalasag.

"Come," sinunod ko ang kaniyang utos at lumapit papunta sa kaniyang harapan.

Sumunod ay bigla niya na lamang iniangat ang kaniyang braso upang ilahad sa akin ang hawak niyang malaking kalasag. Bumaba ang aking paningin doon at kunot ang aking noong ibinalik ang mga mata sa heneral.

He smiled gently, his eyes were sparkling with delight. "Mas karapatdapat ka sa kalasag na ito, Athannah. Kaya nawa'y iyong tanggapin."

"Ragar," naluluhang tumingin ako sa kalasag.

"Go on, it's yours."

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata habang mahigpit kong hinawakan ang kalasag. What they said about how magical-looking this shield is real: the edge were perfectly carve, the mark of an owl look legendary, and utterly holding it firmly is making me feel like I'm the most powerful Apsogonean warrior. There was somewhat urge inside me that is desiring for a fight when this shield is in my grasp. Ngayon ay alam ko na kung ano ang nararamdaman ng heneral sa bawat labanan na nadaan nito.

"How can I thank you, General?" mahina akong tumawa rito. At sa isang iglap ay sumilay ang pilyong ngisi sa kaniyang labi. Mayroong tila ilaw sa kaniyang balintataw na nagpapakita lamang na may masamang balak talaga ito.

"You see, when all the windows are closed..." he trailed off, his eyes seems sparkling, "...it's dark."

Bakit puro na lang dark ang isang 'to?

Isinarado ko ang aking mga labi upang magmukhang seryoso ngunit ay tinatraydor pa rin ako ng mga mata kong ngumingisi.

"Then?" itinaas ko ang aking mga kilay sa kaniya.

He throw his head back and the sharp point of his Adam's apple is facing my direction. Baritono itong tumawa at muling ibinalik sa akin ang paningin habang umuupo sa malawak niyang kama.

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang malawak na pagngisi.

"Did you know that this mattress was made out of the softest materials you'll ever find?"

"I thought you prefer hard?"

Pareho na kaming napakagat sa ibabang labi dahil sa pagpipigil ng ngisi. Nang hindi na nga namin nakayanan ay malakas kaming tumawa sa isa't isa.

"What are you even thinking, General?"

"You're thinking something else, Athannah."

Sabay naming sambit sa isa't isa.

Tinapik niya ang katabing bahagi ng kama bago niya itinapon ang kaniyang likod sa higaan. Ang kaniyang pang-ibabaw na katawan ay ang tanging nakahiga, habang ang kaniyang mga paa ay nakabitay lamang.

Iniwan ko ang aking sibat at ang kalasag sa gilid ng pader at lumakad patungo sa kaniya. Nang makalapit ay nakapikit na ito habang ang kaniyang kanang braso ay nakapatong sa kaniyang noo. Lumuhod ako sa kama at gumapang papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang isa niyang braso at doon ipinatong ang aking ulo. Gumulong ito papunta sa aking direksiyon at hinila ako papalapit sa kaniyang katawan. Napakalaki ng katawan nito na nagawa niyang ikulong ang buo kong katawan na parang isa lamang akong unan na tinatandayan.

"Ragar."

"Hmm?"

"Do you trust me?"

Napamulat ito at umangat ang aking tingin upang magdiretso ang mga mata namin sa isa't isa.

"What do you mean?"

"Do you trust my capabilities?"

"Of course."

"Do you trust me that I could free Apsogos from the Fylakas?"

"When you're doubting yourself, just remember that I will always trust you."

"Copy, General!" itinaas ko ang aking palad upang sumaludo sa kaniya.

He chuckled and pinched the tip of my nose. Ngumiti ako sa kaniya at nang muli na nitong ipinikit ang mga mata ay nawala ang ngiti ko.









ZATALLANNA

ATHANNAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon