22-είκοσι δύο

87 8 0
                                    

Mount Olympus, a mountain that is so tall that the top can't be seen from below, is where the twelve Olympians lived. They lived in a palace that sat above the clouds so no humans could see it. The palace had strong walls and a pair of golden gates which were always fiercely protected. And inside the palace, there was a sacred flame of Hestia that kept burning at all times.

Sa isang malawak na labak sa loob ng palasyo, ay nakatanaw ang bathalumang si Athena. Matikas ang tindig nitong nakatayo sa harap ng labak, at ang kaniyang katawan ay nababalot ng mga baluti habang ang kaniyang kanang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang mahaba at matulis na sibat. Natatanaw niya mula sa tubig ng labak ang buong mundo ng mga tao, ngunit isang lupain ang nakaagaw ng kaniyang atensiyon—ang lupain ng Apsogos.

Araw-araw ay tinatanaw niya ang lupain, minamatyagan. Nasaksihan niya ang ilang dekadang pagpapahirap ng Fylakas sa lupain na 'yon. Nais niya iyong wakasan ngunit hindi niya maaring kitilan na lamang ng buhay ang Fylakas. Kaya naman isang araw nang magtungo ang kaniyang kuwago sa kaniya ay inutusan niya ito.

"Make me a child of my own likeness," Athena said, watching the tiny chunk of the land of Apsogos. The owl beside her tilted its head, confused. "My child should have the courage and wisdom. She must be a brave warrior that would save her people from the wickedness of the Fylakas. And together with her journey, I will bestow her my gift—Akaethius." Athena turned her gaze to the owl and put her palm on its head.

"Name her Athannah..." kinuha niya ang kaniyang palad mula sa ulo ng kuwago upang makalipad na ang nilalang, "...Athannah, my daughter."

Nilisan ng kuwago ang palasyo at lumipad patungo sa lupain ng mga tao. Tumigil ito at pumatong sa sanga ng isang puno. Mula sa kaniyang puwesto ay natatanaw niya ang mag-asawang magiliw na nagsasayawan. Isang sundalo ang lalaking asawa na ngayon lamang muling nakabalik sa kaniyang asawa matapos ang labanan. Matagal na ang kanilang pagsasama ngunit kahit kalian ay hindi pa rin sila nabibiyaan ng anak.

Sa tatlong araw na pagmamatyag ng kuwago sa kanila ay napagdesisyunan na nitong lumapit sa mag-asawa. Naaliw ang mag-asawa rito at inalagaan. Palaging tumutungo roon ang kuwago at nang tuluyan na niyang makuha ang tiwala ng mag-asawa ay bumalik ito sa bundok ng Olympus upang kunin ang langis ng oliba ng bathalumang Athena. Bumalik ito sa Apsogos at inihalo ang langis na iyon sa inumin ng babaeng asawa na iniinom nito araw-araw.

Kinabukasan, paggising ng babae ay nagtaka na lamang ito dahil sa laki ng kaniyang tiyan na tila kagaya ng mga buntis. Kinabahan silang mag-asawa dahil sa kakaibang pangyayaring iyon. At tatlong araw lamang ang lumipas ay nakaramdam ang babae ng pananakit ng kaniyang tiyan. Hanggang sa magsilang na nga ito ng babaeng sanggol na tinuring nilang isang himala at biyaya.

Dahil inisip ng babaeng asawa na ang kuwago ang nagbigay sa kanila ng himala upang magkaroon ng anak ay naisip nitong pangalanan ng "Athannah" ang kaniyang anak upang pagbibigay salamat sa bathalumang Athena—isang bathalumang higit na nauugnay sa isang kuwago.

Habang tumatagal ay napapansin ng mag-asawa ang marka sa kanang braso ng kanilang anak. Ipinagtataka nila kung anong nilalang ang marking iyon sapagkat ay kahit kalian hindi nila nagawang makakita ng ganoong klaseng nilalang. Nilalang na isang kabayo na mayroong pakpak ng kuwago. At hindi lamang ang kakaibang marka ang kanilang napapansin, nagtataka rin ang mga ito dahil sa napapansin nilang talino at lakas ng kanilang anak sa murang edad pa lamang. Sa isang taong gulang pa lamang ay nagawa na nitong magbasa ng mga pergamino at akda na pilosopiya ng sikat na mga tauhin kagaya nina Plato, Aristotle, at Aesop. Nakita rin nila kung paanong ang maliit na apat na taong gulang na Athannah ay nagawang ipaglaban ang kaniyang sarili mula sa mga fotrateos na tinangka siyang kunin.

Labis na ikinamangha at pinagtataka ng mag-asawa ang kakaibang katangian ng kanilang anak. Hinuha nila'y biniyayaan ng regalo ng mga bathala at bathaluman ang kanilang anak. At ang hindi nila alam ay ang kanilang natatanging anak ay isa ring bathaluman na anak ni Athena.

ATHANNAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon