tatlo - expensive house

267 28 1
                                        

"What's wrong, Tash? Bakit tulala ka at the whole time. Are you okay?" Tanong ni Megs. Siguro napansin rin nito ang katahimikan ko buong araw.

"I'm just tired." Sagot ko. I tied my hair up para maikalma ang sarili.

"Did Tristan really make you tired last night?" Pagbibiro ni Keyla. Nagsisimula nanaman itong mang-asar.

"He just drove me home. Hugasan mo utak mo, Keyla." Diretsong sagot ko.

"Sa pagkakaalam ko, he slept at your house. Don't tell me! Is Tristan the one who took away our dearest friend's virginity?" Dugtong nito. Natawa siya sa sarili niyang biro at hindi man lang ito sinuportahan ni Megs. Napatingin kami ni Megs sakanya kaya napahinto ito.

Kahit kailan napaka careless ng bibig nito.

"Y-yeah. Sabi ko nga manahimik nalang ako." Sabi nito nang mapagtantong hindi maganda ang birong nailabas niya.

"Okay spill the beans." Paninimula ni Megs. Gusto nitong marinig ang dahilan kung bakit natulog si Tristan sa bahay ko dahil alam nitong hindi ako nagpapatulog ng kahit sino sa bahay maliban sakanila.

Napatingin silang dalawa saakin at naghihintay ng kwento.

"Okay. The truth is, ako yong nagpumilit sakanyang manatili sa bahay at doon magpalipas ng gabi. I am out of my mind at first time rin yun nangyari. Yeah, inalagaan niya ako nung gabing yun at ipinagluto ng almusal kahit hindi ko naman hiniling. I know I did something wrong but he deserves it." Namuo ang pagtataka sa mukha nila nang marinig ang huli kong sinabi.

"What did you do?" Agad na tanong ni Megs.

"I didn't mean to throw an egg on his face cause I mistook him for a bad guy. Ginamit niya ang dirty kitchen na hindi man lang nagsuot ng pang itaas na damit. Unang bumungad sakin ang tattoo nito sa likod so I thought he was a bad guy or something...-"

"Oh my god! You made a big mistake." Pag-aalalang sabi ni Megs. Bakit parang mas nag aalala siya dun sa lalaki kesa saakin. Talaga ba Megan Miller?

"You know what. Tama lang yung ginawa mo." Taas noong sumbat ni Keyla kaya napatingin ako sakanya.

"Keylaaaa!"

"Totoo naman. Paano kung masamang tao talaga yung Tristan?"

"E hindi nga diba."

"Mas Mabuti ng sigurado. Kakakilala mo palang sakanya nagtitiwala kana agad." May point naman si Keyla.

"Kasi nga yun yong sabi ni Matt. Hindi niya ipagkakatiwala si Tash sa kaibigan niya kung masamang tao si Tristan."

Well. May point silang dalawo. Pero bakit nagtatalo sila nang dahil sa bagay na yun. Kahit naman masamang tao yung Tristan, kaya kong protektahan ang sarili ko.

"Enough of two of you. That's not what I'm thinking now. Ang iniisip ko ay kung paano ako natunton ni dad." Nabigla silang pareho sa sinabi ko.

"What do you mean?" Pagtatakang tanong ni Keyla.

"I received a gift and a letter from him yesterday." Oo, si dad yong nagpadala ng sulat at regalo at isang palatandaan yun na nasa Pilipinas siya ngayon. Huminga sila ng malalim. Naaninag ko ang pag-aalala sa mukha nila na baka susumpungin ako ng pagkabalisa gaya ng nangyayari noon. Nakakaramdam lang ako ng ganito tuwing na ti-trigger ang utak ko at sa tingin ko sanhi yun ng masamang alaala na iniwan sakin ni dad. Yun ay takot din na baka kunin niya ako ulit.

But now I am good. Pinipilit kong maging maayos dahil yun yong dapat kong gawin.

"So how how did he find you?" Tanong ni Megs.

My first and lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon