Tasha's POV
"So what's our plan total wala namang pasok bukas?" Tanong ni Keyla habang nakaupo sa tabi ko. Nasa living room kami ng bahay and they are planning to go somewhere to relieve our stress.
"Out of town?" Pag aalok ni Megan. Megs was eating fries while scrolling her phone.
"Yeah, may alam akong bar na kakaopen lang. And Josh invites us to join with them." Nakangising sagot naman ni Keyla. Bakas ang tuwa sa mukha nito.
"Si Josh naman pala ang nag aaya." Megs's joke. Tila biglang nawala ang ngiti sa labi ni Keyla dahil inaasar nanaman ito ni Megs. Josh was manliligaw of Keyla and Josh courting her for 2months.
"Alam kong matutuwa ka rin. Oo, kasama si Matt. Alam kong napapadalas na rin ang pag-uusap niyong dalawa sa IG. Sige subukan mong edeny." Panlaban ni Keyla.
"Y-yeah. Natural na rereply ako dahil nagmemessage yong tao." Pagtatanggol ni Megs sakanyang sarili.
"Kahit hindi importante yong message, rereplyan?"
"Ofcourse. But it doesn't mean were interested on each other. Magkaibigan lang kami ni Matt." Sagot naman ni Megs.
"Hindi pa ba interesado yung mag date ng ilang beses pagkatapos ng ilang taong hindi kayo magkaayos." Sumbat ulit ni Keyla.
"The hell! He said that?" Lumaki ang mata ni Megs sa narinig niya. Wondering how Keyla knows it.
"Yeah. But don't worry, he didn't tell me that you said I love you to him. But myghad Megs, akala ko ba magkaibigan lang?" Tumakbo si Keyla bago paman siya mahampas ng unan na hawak ni Megs.
"Napaka lambok talaga ng bibig ng lalaking yun. At ikaw, naniwala ka naman." Inis na sumbat ni Megs. Lumalabas na rin ang pamumula sa mga pisngi nito. Natawa naman ako. Wala talagang sekretong hindi nalalaman ni Keyla.
"Sorry sis. Nabasa ko lang naman sa usapan nila sa IG." Natatawang sabi nito.
"To make things clear. Hindi totoo yung date at i love you. It's part of our deal. May pabor ako sakanya noong gabing yun dahil kailangan sa gig, kailangan namin ng gitarista kasi nagkaproblema si Jerome sakanila at hindi siya makakatugtog. Ilang minuto nalang ang natitira at magsisimula narin ang gig \ kaya wala akong choice kundi gawin yong kapalit na hinihingi niya sa pabor ko. Umabot ng ilang araw yong pabor kasi umabot ng ilang araw na wala si Jerome. Kaya hindi totoo yung date at i love you. Hayup! Kulang yong information na pinagkakalat niya." Inis na sagot ni Megs.
"Kung talagang kaibigan lang ang turingan, ba't galit na galit ka, sis?" Nakangising sabat ni Keyla habang si Megs ay parang sasabog narin sa sobrang pamumula. Naaaliw akong pinapanood sila pero mas naaliw ako sa pagiging denial ni Megs.
"Kung hampasin kaya kita dyan."
"Okay, kalma. So ano na nga, nanliligaw na ba si Matt sayo?" Pang-aasar ulit ni Keyla. Sa ilang buwang pang-aasar sakanya ni Megs ngayon ay nakaganti narin siya. At talagang pinaghandaan.
"Di ako nagpapaligaw sa lalaking malambot ang bibig." Laking halakhak naman ang binigay ni Keyla sa sinabi ni Megs. Huminto lang ito nang mapansing pulang pula na si Megs sa sobrang hiya. At siguro naiinis narin ito kay Matt dahil sinabi niya kay Josh ang tungkol dun. Nagmukhang may gusto si Megs sa kwento ni Matt. Pero baka may gusto nga talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/204191757-288-k714083.jpg)