Tasha's POV
Nagising ako dahil sa amoy ng ham at itlog na niluluto. Teka! Kailan pa nakabalik si Manang? Bakit hindi siya nagmessage sa akin? Umupo ako mula sa pagkakahiga at inabot ang phone na nasa tabi ko. Titingnan ko kung may message akong natanggap mula kay manang pero wala akong message na natanggap kahit isa.
Si manang Henya ang nakakasama ko sa loob ng limang taon. At limang taon na rin ang nakakalipas simula ng mawala si mom saamin. Si Manang ang nag-alaga sa akin noong pinili kong mamuhay mag-isa at hindi sumama kay dad sa States. Oo, may pamilya si Manang sa probinsya. At dahil sa gustong kong nakakasama niya ang mahal niya sa buhay, pinapayagan ko siyang umuwi sakanila tuwing huling linggo ng buwan. Kasi alam ko ang pakiramdam na malayo sa pamilya. So I don't want manang Henya to felt that way.
Bumangon na ako at inayos ang sarili ko bago bumaba. Siguro nasa ibaba na rin si Manang at hindi lang siya nakapagpaalam na nakabalik na siya. Sana nga.
Dumiretso ako ng dirty kitchen at naamoy ko na ang bango ng ham at itlog. Ang paborito kong almusal sa umaga. Iniunat ko ang buong katawan ko nang mapansin ang isang lalaking nakaharap sa stove na nakasuot lamang ng apron at walang----- shirt?
ht! Who's that fvckin' guy! Paano siya nakapasok sa bahay ko? Natatanaw ko ang iilang tattoo mula sa likod nito.
Nakaramdam ako ng kunting kaba at bilang depensa. Kinuha ko ang dalawang itlog na nakapatong sa lamesa at dahil sa nagulat ako sa paglingon nito, naibato ko sakanya ang dalawang itlog. Napapikit ako ng di oras.
"Oh sht!! My eyes!!" Sumigaw ito ng malakas. Napatingin ako sakanya ng diretso at nong naaninag ko ang mukha nito ay nanlaki ang mga mata ko.
No way! He was the guy last night. Sht! Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Agad akong kumuha ng tissue at hindi nagdalawang isip na punasan ang mukha nito na natapunan ng egg yolk.
"I'm so sorry. I thought you're-- sht! I think we need to wash it with water." Agad ko na siyang hinila papuntang bathroom at mukhang kailangan talagang hugasan ng tubig ang magkabilang mata para maalis ang egg yolk na nasa loob.
I took soap and put it on his face after he dipped it in water.
Nakatayo lang kami habang nililinis pa rin ang mukha nito nang mapansin ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at dahil wala siyang suot na damit ay ramdam ko ang init sa katawan niya. Ramdam ko rin ang kamay nito mula sa bewang ko.
"Uhm." I heard him say while holding one of my hand on his cheek.
"I'm sorry" Yun nalang ang nasabi ko at bago paman ako kumawala sa posisyung 'yun, napatingin ako sakanyang maliit na tattoo sa dibdib. Isa itong maliit na mukha ng isang babae. Bigla naman akong napaisip. Nang mapansin kong nakatingin parin ito saakin ay umiwas kaagad ako ng tingin at tinalikuran na siya. Sht! I can't take this anymore. Tahimik akong lumabas ng bathroom at iniwan siya sa loob.
(FLASHBACK)
"I need to go." Rinig kong sabi ng isang lalaki habang inilagay ang kumot sa magkabilang balikat ko.
"No, just stay here!" Pagpipigil ko habang hindi na kayang imulat ang mga mata.
"Look, you are drunk. So you need to take a rest and sleep." Walang pagdadalawang isip na sagot nito.
