Tristan's POV
"Bro, balita ko kayo na daw ni Keyla. Is it true?" Tanong ni Matt. Abala si Josh sa ginagawa nito at sa tingin ko para 'yon kay Keyla.
"Yeah. And were planning to tell her parents about us." Ngiting sagot ni Josh. "How about you and Megs?
Magkaibigan parin ba or nagkakaibigan na?" Pang-aasar na dugtong nito.
"Wala sa choices bro. Dahil mortal enemy na kami ngayon." Natawa naman si Josh sa naging sagot ni Matt.
"Loko ka. Binuwisit mo na naman ba?"
"Ano pa nga ba. Yun ang bond namin."
"Ang inisin siya?"
Natawa si Matt. "That's how I express my love for her. And that's my love language. Makita ko lang siyang namumula sa galit, masaya na ako." Nakangising sabat nito.
"And base on my research, teknik yun." Pag-sang ayon ni Josh. "Dahil kapag iniinis mo daw ang isang babae at bigla mong tinigil, mamimiss nila 'yon. Diba bro?" Dugtong nito at tumingin sa direksyon ko.
Binigyan ko siya ng isang masamang tingin kaya umayos ito.
"Galit daw si Tash sayo." Saad ni Josh.
"I didn't do anything."
"Meron." Napakagat ako sa labi sa sinabi ni Matt. "Umiiral na naman siguro ang pagiging possessive mo sa isang babae. Okay! I'll just remind you. Tash is an independent woman. Ayaw na ayaw niyang dinidiktahan siya sa mga dapat niyang gawin. Even small gestures, naiirita siya, bro." Opinyon ni Matt.
"Edi sanayin niya ang sarili niya." Ininom ko ang isang baso ng alak.
"Hindi ganun yun. Hindi mo mapapabago ang isang babae dahil lang sa gusto mo."
"I just do what I think is good for her. What's wrong with that?" Sabat ko.
Napakamot ng ulo si Matt.
"Ayaw niya nga, bro. Look. Lumaki siyang kaya niyang gawin ang mga bagay na walang gabay ng ibang tao. Na walang pag-aalala na galing sa iba. Kaya niyang protektahan ang sarili niya at kaya niyang damayan ang sarili sa anomang sakuna. And we have to respect that." Opinyon ulit ni Matt.
"And from what I know, she doesn't allow people into her life because she has a big trauma with a man." Nagulat ako sa inilahad ni Josh.
Napaharap ako sakanila.
"Yeah. She has trauma from her dad. I don't know the whole story but since her mom died. She has become tough with everyone and that's because of what her dad did." Kwento ni Matt. Nagkaroon ako ng malaking katanungan sa utak ko.
"What did her dad do?"
"I don't know, bro. Ang alam ko lang, baka nasasakal siya sa kung ano man ang ginagawa mo kaya hindi niya ito nagustuhan," sabi ni Matt. "You have to say sorry to her before it's too late."
"Then how? Paano ako hihingi ng tawad kung hindi ko alam kung nasaan siya." Diretsong sagot ko.
Mula ng umuwi kami galing probinsya, hindi ko na siya ulit nakita kahit magkatabi lang kami ng bahay. Hindi ko na siya ginulo dahil yun ang hiling niya.
"Puntahan mo sa bahay nila. And bring anything as a peace offering." Sabat ni Josh.
Okay. Siguro nga tama sila. I made a big mistake. Iniisip ko ngayon kung paano ako makakabawi kay Tash. Sa isang babaeng katulad niya, saying sorry isn't enough. I think I have to do something more. Pero baka ma misinterpret niya na naman.
Allright. Puntahan ko nalang muna siya sa bahay nila. Kakausapin ko siya ng maayos. And wheatever happens, I will accept it.
"I have to go." Paalam ko sakanila.
