Tasha's POV
Narinig ko ang bawat hikbi ni manang Henya habang nakatitig ito sa anak na si Juliana. Marahil ay hinahaplos niya ang tuktok ng kabaong at mahinang kinakausap ito. Habang pinagmamasdan ko siya, parang sinasaksak ang puso ko. Naalala ko ang mga panahong ako ang nasa kalagayan niya. Na mawalan din ng mahal sa buhay. Walang halaga ng pera o anumang bagay ang makapagpapawi ng sakit kapag namatayan ka. Kaya naman ramdam ko ang hinagpis na nararamdaman ngayon ni manang Henya—yung sakit na mapapahiling ka nalang sa Diyos na sana tayo lang ang kinuha niya at hindi ang mahal natin sa buhay.
Naalala ko si mom sa ganitong sitwasyon. Naaalala ko kung paano ako humagulgol sa pag iyak ng dahil sa pagkawala niya. Lalo na nang malaman ko ang katotohanang namatay siya na dala-dala ang sakit na binigay sakanya ni Dad. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni mom sa ilang taong nabubuhay siya. Pinipilit niyang lumaban para makasama lang kami ng matagal pero pinagdusahan niya rin yun ng sobra. Pinagkait sakanya si Dad yong saya ng buhay. Naging makasarili si Dad at hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ng isang taong walang ibang ginawa kundi ibuhos sakanya yong sobrang pagmamahal. Kahit yong sobrang pagmamahal na yun ay nakakamatay.
Sht! I felt my tears fall.
Pilit ko mang kalimutan ang nakaraan, hindi parin yun sapat para tumigil ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakaramdam ako ng pagkabalisa sa mga iniisip ko. My hands were shaking and they started to clench until I felt Tristan's hand touching mine. Pilit niyang pinapakalma ang kamay ko mula sa panginginig nito.
"Let your tears fall until you feel better. Kailangan yun para hindi ka sumabog."
Hindi ko alam kung bakit sa ganoong salita, naglakas ng loob na magsibuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I miss my mom. I miss her so much! Alam ko, hindi siya magiging masaya kung patuloy kong iiwasan at kakamuhian si dad. But I don't know what to do. Pakiramdam ko yun lang ang paraan para makalimot ako sa nakaraan. Dahil sa tuwing nakikita ko si dad, bumabalik lahat. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. At natatakot ako na baka yun ang ikakamatay ko.
Humikbi ako ng walang tunog. Nag-uunahan na rin ang mga luha ko sa pagtulo kaya pinahiran ko ito gamit ang mga palad ko. Ang bigat parin sa dibdbib. Hindi ko alam kung kailan mapapawi ' naiwang sakit.
Napahinto ako nang makita si Tristan na nakatayo sa harapan ko. Tumingin siya sa luhaan kong mga mata at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha na tumatagas sa pisngi ko gamit ang panyo na hawak niya. Sa sandaling iyon, nanatili akong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko'y unti-unting lumambot ang dibdib ko sa bigat ng naramdaman nang dahil sa ginawa niya.
Pero bigla akong natauhan.
Pinigilan ko ang mga kamay niya sa pagpahid ng mga luha ko. Hindi niya dapat ginagawa ang mga bagay na 'to. Walang dapat magpakalma sa sarili ko kundi ako lang. Kailangan niyang limitahan ang sarili niya sa gusto niyang gawin dahil hindi ako tulad ng ibang babae na kahit saan mang parte ng katawan dumampi ang mga kamay niya ay ayos lang.
Lumabas ako ng bahay.
Isang madilim na gabi ang sumalubong saakin nang mapadpad ako sa isang kubo na hindi kalayuan sa bahay ni manang Henya. Nagmasid ako sa buong paligid pero walang ibang tao na narito maliban saakin. Hindi masyadong madilim sa parteng ito dahil may isang bumbilyang nagsilbing ilaw sa makulimlim na gabi.
Napa upo ako sa isang sulok. Pinapakalma ang sarili nang biglang may nagsalita mula sa likoran ko.
"You shouldn't walk away." Sabi nito. "Look. I'm sorry if you didn't like what I did earlier."
Sht! Is he really going to follow me here?
"I just want time for myself. Just leave me alone!"
Huminga siya ng malalim.
"Hindi kita pwedeng iwan sa gitna ng gabi."
Fvck!
"I said leave!" I faced him. "Just give me this night, Tristan. And please, stop pretending with your actions."
Napahinto siya. I could see no emotion in his eyes.
I went up to him. "Starting tomorrow, I want you to stop bothering me," I said, my anger evident in my voice. "(sighed) From now on, I want you to stay away from me. I know you'll find a girl who will fall for your charm. A girl who would let your hands wander anywhere on her body. And a girl you can take home. Alam kong sisiw lang yan para sa'yo." I didn't hesitate to say. "I know the things you can do, Tristan. So back off!"
He didn't say anything in response to my words. Even in defending himself, he remained silent. He just stared into my eyes as if trying to read my mind.
"No."
Isang salitang lalong nagpainit ng ulo ko. Bakit napaka kalmado niya parin sa sitwasyong 'to. Pilit ko na siyang tinataboy, pilit ko na siyang tinataasan ng boses pero nanatili parin siyang nakatayo sa harap ko, mapayapa at tahimik. Ang mga kamay niya pa ay nakatago sa bulsa habang mariin na tumititig sa mga mata ko.
Fvck!
"Bakit kayo nagsisigawan sa ganitong oras ng gabi? Nag-aaway ba kayo?" Nagulat ako sa isang boses mula sa likoran ko. Boses ni manang Henya.
Napaatras ako mula sa magkarap naming pagitan ni Tristan at humarap kay manang Henya. Ikinalma ko ang sarili bago magsalita.
"Hindi po. We were just talking about something. Sa katunayan, paalis na rin po ako." Pagsisinungaling ko. "I have to go."
Hindi ko na nilingon pa si Tristan at naglakad narin ako papalyo. Hindi ko alam bakit sakanya ko nabunton lahat ng galit na naramdaman ko ngayon. Dahil ba siya ang andyan na pilit isiniksik ang sarili saakin. Or baka may kakaiba talagang nangyayari.
Naguguluhan ako!
-----
