Author's Note : Hello. Here's another update. Enjoy Reading po. Pasensya na ulit sa typos and grammatical errors. God Bless you all.
Published: October 22 2022
Edited: February 20 2023Chapter 19
Weekend. Sinabi ko kay Mary at Nads na sa next week na lang kami magroup study. Gusto ko muna mag general cleaning lalo na sa kwarto ko dahil medyo makalat na ang gamit. Natyempuhan naman na paalis si Mama kasama ang mga kapatid kong babae. Pupunta daw sila sa kabilang bayan para dalawin si Tita ko, bunsong kapatid ni Papa, habang ang kapatid kong lalaki, dumayo na naman ata ng laro ng basketball. Ang ending naiwan akong mag-isa sa bahay.
Sinimulan ko munang linisin ang kwarto ko. Inabot ata ako ng 2 oras bago ako nakatapos. Saka ako naglinis ng aming dala kusina at nagluto na din dahil nagutom. Hindi ko kasi alam ang oras ng uwi ni Mama.
"Wala ka bang lakad ate?" sabi nang kapatid ko nang umuwi ito ng tanghali galing sa laro.
"Baka meron"
"Pilosopo!" inis nitong sabi
"Tss. Kumain ka na lang."
Inismiran lang ako nito saka sinunod ang sinabi ko. Nagpaalam ako dito na liligo matapos kong hugasan ang pinagkainan ko. Sinabihan kong i-lock ang pinto kung lalabas ulit ito.
Pagkatapos ko maligo at makapagbihis, dumeretso agad ako sa kwarto ko at naisipan na magbasa basa. Hindi ko napansin ang oras dahil sa kawilihan ko magreview para sa nalalapit na exam. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya naisipan kong matulog muna. Nagpasalamat ako dahil nasa tamang lagay ang isip ko pamula kanina dahil sa sobrang abala.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang itinulog ko. Naalimpungatan lang ako nang makarinig akong ingay. Nag-unat unat muna ako bago ko naisipang bumangon. Sinuklay ko ang buhok ko saka naisipan lumabas ng kwarto. Nakita ko ang dalawa kong kapatid na babae kasama ang aking ina sa sofa.
"Ate sayang hindi ka sumama, madaming pagkain dun" - Nicole
"Oo nga ate. Dami chocolates" - Ven
Halatang nag-enjoy ang dalawa. Nginitian ko lang ito dahil bagong gising ako at wala pa ako gana magsalita.
"Nasaan si Drei?" biglang tanong ni Mama
"Lumabas po ulit. Naglalaro po ata ulit basketball"
"Wala bang kasawaan 'yang kapatid mo? Umaraw-araw na ata yon ah"
"Hayaan niyo na lang Ma. Ano po bang dala niyo?"
"Mga bigay ng Tita mo. Yung Tito mo kasi dami na naman daw padala galing sa Dubai, tas may kung ano-ano pa. Pagbihisin mo muna mga kapatid mo at aasikasuhin ko to"
Agad akong tumalima sa sinabi ni Mama. Kumuha ako ng damit ng dalawa kong kapatid at sa sala binihisan ang mga ito. Pagtayo ko hawak ang damit na pinaghubaran, ay sinabihan ko ang mga kapatid ko na dumiretso muna sa kwarto ko. Pumunta ako sa kusina para tulungam si Mama pero kinabahan ako nang makita ito na hawak ang isang medium size resealable plastic bag laman ng iba't ibang white chocolates.
"Bullet, kay Calyp ba to galing?"
"Yes M-ma"
"Alam na alam talaga ang mga hilig mo"
Hindi ako nagsalita dahil kung sino mas nakakaalam ng mga hilig ko ay si Mama yon.
"Maybe next time sabihan ko ang Papa mo na bilhan ka ng mini fridge para hindi ka na naglalagay dito"
"Bakit M-Ma? Ayaw niyo ba na naglalagay ako------"
"Hindi yon ang ibig ko sabihin. Hindi ko makakalimutan na pinagdamot mo na minsan ang mga bigay na ganito ni Calyp sa mga kapatid mo. Kaysa sa pag-awayan niyo na naman mas mabuti nang magkaroon ka ng sarili mong taguan ng ganito"
BINABASA MO ANG
Under The Moon Clouds
Teen Fiction'We never realize how frozen we are until someone starts to melt our ice' -Bridgett Devoue- "Names are inspired by true persons" Old Title: One Starry Night The Book Cover Is Not Mine - Credits to the owner 😊