Updated: May 13 2021
Edited : June 23 2021Happy Reading! God Bless You all!
Chapter 7
'I wish I'm Calyp but sad to say I am Gabin'
Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses nag-play sa utak ko ang linyang yan. Mula pagsakay ko hanggang sa makauwi, na-blangko ang utak ko. Kailangan atang ireset para mag-function ng ayos.
"Ate okay ka lang?"
Napatingin ako kay Nicole na kasalukuyang nasa kama ko, nakadapa ito habang nagsusulat. Si Ven naman ay kasama ni Mama pumuntang grocery store, si Liam naman hindi ko alam. Wala na din akong balak alamin dahil baka mag away lang kaming mag-ate. This week din uuwe si Papa and I don't know what will happen. May dalawang linggo na kasi itong hindi umuuwi, simula pa ata nung naguidance ako. Nag - aalala na din naman ako , baka kung na-paano na 'yon. Sabi naman ni Mama, na extend lang ang duty at may emergency bigla. Di na rin ako masyadong nagtanong dahil baka sa iba pa mapunta usapan namin ni Mama. Tiningnan ko si Nicole na kanina pa ata akong pinagmamasdan. Iniisip siguro nito na problemado na naman ako.
"Okay lang si Ate. Ituloy mo na ginagawa mo."
Nagpatuloy ako sa binabasa ko sa English ng biglang magring ang cellphone ko. Hindi ko muna tiningnan ito. Hinayaan ko lang tumunog sa bag ko at pinilit ipokus ang isip sa ginagawa ko. Pakiramdam ko ay gusto ko munang mapag-isa. Nagdadalawang isip pa din akong tagpuin si Calyp. Gusto ko siyang makita at makausap pero bakit ngayon parang may doubt na sa sarili ko. Parang unti-unti akong natatauhan na tama na, sarili muna.
"Ate yung phone mo maingay, di ako makapag-aral ng ayos"
Dahil nahiya naman ako sa kapatid kong seryoso sa pag-aaral, kinuha ko na ang cellphone ko at tiningnan ang tumatawag. Si Mary pala. Pagka press ko ng answer, agad kong itinapat sa tainga ko.
"Hoy babaita. Ilang ring pa ang kailangan bago mo sagutin ang tawag ko"
Ang ganda ng bungad !. Wala man lang hello or hi. Napakagalang talaga !
"Hindi ko napapansin. Nagbabasa ko"
"Sinungaling! Maiintidihan ko kung sa chat dahil tamad ka talaga magtype at magreply, pero sa tawag imposible"
Saan kaya ipinaglihi itong si Mary? Ubod ng kawirduhan at ka o-ayan sa katawan.
"Ewan ko sayo. Ano bang dahilan ng pagtawag mo?"
"Ay teh!! Bukas - bukas din ng cellphone ha updated ka ba talaga sa nangyayari sa school o hindi? Hindi mo man lang nabalitaan miski sa bff mo? Kaloka ka! Buksan mo page ng school asap."
"Oo na wait! Wag mo'ko utusan bansot!" naiinis kong tugon dito.
Kinuha ko agad ang laptop ko at doon nag bukas ng App. Pagkabukas ko nito, trending ang isang couple na tila masayang nagbalikan! Amara and unfamiliar guy are hugging each other!! Pakshit!!! Hindi ko alam kung anong mayroon sa babaeng ito!Kasumpa sumpa ka talaga AMARA! Isa kang malading higad!
BINABASA MO ANG
Under The Moon Clouds
Fiksi Remaja'We never realize how frozen we are until someone starts to melt our ice' -Bridgett Devoue- "Names are inspired by true persons" Old Title: One Starry Night The Book Cover Is Not Mine - Credits to the owner 😊