Chapter 20

28 2 1
                                    

Author's note: Hi Readers. Thanks for supporting this story. Enjoy and God Bless always. Sorry again sa typos and grammatical errors. Publish ko pa din kahit ganun. Eedit ko po ulit kapag di hassle. Labyouall

Updated: November 10 2022
Edited: February 20 2023

Chapter 20

Kinabukasan parang ayaw kong pumasok. Hindi ko alam ngayon kung paano kakaharapin si Calyp matapos ng eksena kahapon. Hindi ko ata naramdaman ang pagtulog ko dahil paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko ang mga sinabi nito.

"Bakla, sureble na ako next week. Pinayagan na ko nina kuya. Basta daw huwag akong gagabihin ng uwi. Alam niya na ikaw ang kasama ko at si Nads. " sabi ni Mary nang makalabas kami ng library.

Lunch break at naisipan kong pumunta dito dahil may sinauli akong libro. Nagkataon naman na sumunod si Mary.

"Sige. Hindi ko pa nauulit kay Mama pero sana payagan"

"Gusto mo ako na magsabi?"

"No need bakla. I can handle that"

"Okay sabi mo eh"

"Nasaan si Nads?" pag-iiba ko nang usapan dito.

"Di daw sasabay ng lunch. Nagmamadali kanina, mimeet daw sina Kuya Jaycee. May bago daw member ang barkada. Matthew ata? Matt? Mark? Ewan basta sa M nagsisimula ang pangalan. Nakalimutan ko"

Parang pamilyar yung name niya. Saan ko ba narinig 'yon?

"ML player din? "

"Yeah I think so"

Hindi na lang ako tumugon dahil wala naman akong pakialam sa mga ganung laro . Siguro kung gugustuhin ko man baka mapadagdag pa sa mga dahilan ng puyat ko. Mas uunahin ko na lang muna magreview kesa bigyang oras ang online games.

"Medyo gutom na'ko. Tara nang kumain"

"Sige at nag-aalburuto na din ang tiyan ko"

Pagdating namin sa canteen, agad kaming humanap ng pwesto. Buti na lang talaga hindi kami naubusan nang pupwestuhan dahil lagi ding dagsa ang mga studyante dito. Nag-initiate na umorder si Mary. Sinabi ko agad ang gusto ko. Bigla akong nagcrave ng sisig.

Pagkaalis nito, I unlocked my phone just to read messages.

Nads: Bullet sorry di ako makakasabay sa lunch, emergency lang hehe. May konting celebration sina kuya Jaycee imbitado lang. Labyu. Eatwell.

Napangiti na lang ako dito. Hindi naman kailangang sabihin sakin hehe. Nireplyan ko agad ito.

To Nads: No problem. Nasa canteen kami ngayon. Eatwell din diyan.

Pagkasend ko ay bigla naman nagpop ang message ni Calyp kaya agad ko naman inopen.

Calyp: Hey! I saw you with Mary, gusto ko sana sumabay kaso nagyaya si ate Ely hehe. Eatwell bestfriend.

Tss. Eh di kumain siya. Hindi niya kailangang sabihin pa. Here I am again thinking that scene yesterday. Hindi ko matukoy kung seryoso talaga siya o nang-gugoodtime na naman. Kahit wala sa lagay ang mood ko, pinilit ko pa din na magfocus sa klase kanina. Bawal madistract sa maraming bagay.

Pagdating ni Mary agad kong itinago ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Tinulungan ko itong maglagay ng pagkain sa lamesa.

"Nagcrave ako sa lasagna kaya umorder din ako. Hati na lang tayo bakla"

"Sige. Thanks."

Hindi kami masyadong nagdaldalan ni Mary. Kumain lang kami nang payapa na hindi pinapansin ang tingin ng ibang studyante. We used to it lalo na kung nabalitaan nila ang nangyari kahapon.

Under The Moon CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon