ENJOY READING! Thank you for waiting. Sorry sa typos and wrong grammar. I'll edit it next time. God Bless you all.
Chapter 26
"Seryoso? Nililigawan na talaga niya si Bullet?
"He's serious this time"
"I can't believe na sa katulad pa talaga ni Bullet?"
"Hell yeah! The warfreak one"
Hindi isa, dalawa o tatlong beses ako naiinis sa naririnig ko. Handa naman na ako sa posibleng mangyari pero iba pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon ka na. Sinusubukan ng tadhana ang pasensya ko sa bawat araw na lumilipas. One week after that conversation between me and Gabin, walang mintis ito na patunayan ang sarili niya. Hindi ko na din alam paano ko nakasanayan ang araw araw na paghatid sundo ni Gabin sa bahay at school. Isang linggo pa lang naman pero parang kay tagal na ng nakalipas. Nag-aalala lang ako hindi lang para sa sarili ko kundi sa aming dalawa ni Gabin. I know in myself na mayroon na talaga itong puwang sa puso ko pero may pagdududa na tama ba na hinayaan ko ito sa ginagawa niya?
"Bakla ayos ka lang?"- si Mary
"Hmm"
"You don't look okay" - Nads
"Nah. I'm okay. May iniisip lang"
"Si Gabin yan, matik!" - Mary
Hindi ako nagsalita. Naging senyales yun sa kanila na tama nga ang hinala nila.
"Pwede mong sabihin kung ikakagaan ng pakiramdam mo" nag-aalalang tugon ni Nads.
Napabuntong hininga ko pero di ko pinakita na sobra akong nag-aalala sa nangyayari.
"Hmm. Wala naman masyado. Napapaisip lang kung tama lang ba ang naging desisyon ko" seryoso kong tugon sa dalawa.
Nasa study area kami ngayon. May iilang studyante pero di rason yun para mag-usap kami dito. Tumigil si Mary sa pagbabroswe ng cellphone niya habang si Nads ay nakatingin lang sakin.
"Siguro naninibago lang ako. Nasanay kasi ako na walang pakialam sa paligid ko"
"Parang nagegets ko naman yung point mo bakla pero san ka ba nag-aalala? Sa panliligaw ni Gabin o sa sasabihin ng ibang mga studyante dito tungkol sa inyo?"
Hindi din agad ako nakatugon. Naguluhan ako sa tanong kahit naiintindihan ko naman. Seryoso lang ako na umiwas ng tingin sa kanila saka ibinaling sa lawak ng field..
"Hindi mo masagot? It means you worried for nothing." si Mary
"Hindi ko din alam bakla"
"Ang talino mo pero nagiging bobs ka naman sa ibang bagay. Hinayaan mo naman manligaw yung tao tapos ngayon nagdadalawang isip ka. Sarap mo ding kotongan. Alam mo ba na super saya ko dahil bukod samin ni Nads at Calyp dito sa school, may isa pang taong naiintidihan ka. Ang ganda ganda mo baklita para maging emotera at mag-alala sa walang bagay. One week pa lang naman, hayaan mo lang ang tadhana ang humusga sa inyo kung kayo talaga para sa isa't- isa. If the time comes na maging kayo eh di I'm happy for you pero nasa sayo naman yan."
Hindi pa rin ako tumugon. Tahimik lang ako na nakikinig sa payo nito. Gusto ko magsalita pero naumid ang dila ko. Hindi ko din naman kasi alam ang itutugon ko lalo pa at si Mary na yan. Pag usaping pag-ibig kasi wala din ako alam.
"I agree with her Bullet. Maybe you think too much na pati sarili mo inistress mo lang. Wala naman ako nakikitang problema sa panliligaw ni Gabin eh. Tsaka halata naman na masaya ka eh pero hinahayaan mo lang na yakapin ka ng mga negatibong bagay na hindi dapat."
"See? Pati si Nads umaagree. Tali-talino, tapos hina hina naman sa - - -" Mary
"Oo na. Sorry okay. Isisingit pa pagiging matalino ko. Hindi naman dapat ikonek" sabi ko dito nang muli kong lingunin ito..
BINABASA MO ANG
Under The Moon Clouds
Teen Fiction'We never realize how frozen we are until someone starts to melt our ice' -Bridgett Devoue- "Names are inspired by true persons" Old Title: One Starry Night The Book Cover Is Not Mine - Credits to the owner 😊