Author's Note: Here's another update. Labyu all Enjoy Reading 😊
Imagine the three girls above. Ctto ☺️
Published: Aug 23, 2022
Edited: Feb 20 2013Chapter 18
Kinabukasan pagpasok ko nalaman ko na lang kay Nads na nagkwento si Mary sa kanya nung gabi ding yun. Buti naman at balik sa pagiging masayahin ito. Pagpasok niya kasi bukambibig na ulit si Nazer. Napapangiwi na lang si Nads dito dahil sobrang halata ang pagkagusto nito sa tao. Maaga akong pumasok at minessage ko ang dalawa na sa room ako dederetso. Iilan pa lang din ang mga kaklase ko na nasa room. Nagkwentuhan lang din kami sa nalalapit na exam. Mas okay na ganito kaysa sa ibang bagay ang umuukopa sa isip ko lalo na yung kahapon. Parang ayaw ko muna makita ang dalawang mokong na'yon
"Bakla tarang mag group study nina Nads sa bahay niyo pag weekend?" - Mary
"Ayaw ko sa bahay. Hindi ko alam kung makakareview tayo ng ayos lalo pag walang pasok. Nandoon ang mga kapatid ko at alam kong di tayo makakapokus"
"Nyek lalong ayaw ko sa amin. Nakakasawa sa bahay, gusto ko din naman makadayo sa iba."-Mary
"Gusto mo lang siguro makagala."
"Hehe medyo" si Mary
"Sa amin na lang. May study room ako sa bahay, pinagawa ni Papa para daw tahimik pag nagaaral ako. Sabihan niyo lang ako kung kailan" sabi ni Nads na makikitaan ng excitement
"Nice. Yayamanin lang bakla? Ang kwarto ko nga study room ko na." - Mary
"Hindi naman. Sakto lang. Minsan kasi di ako comfortable sa kwarto lalo na pag sa kama ako nag-aaral. Hehe inaantok lang ako"
Ang inosente at bait talagang tingnan nito. Hindi ko lang alam kung paano pa magalit ang isang Nadia. Dahil kung ako kasi, lagi nang napapagkamalan na galit palagi kaya iilan lang din nakakakasundo ko.
"Bakla ano pala oras ka nakauwe kagabi?"
"Di ko alam basta pagdating ko naman nag-ayos lang ako bago magpahinga" tugon ko
The best liar goes to Bullet Orteza. Tss. Ayaw ko ikwento ang nangyari kahapon. Grabe ang kabog ng dibdib ko pag naaalala ang ganap sa bahay. Hindi ko na hahayaan na maulit yon. Nakakastress, nawawala ako sa katinuan. Tuloy ang kwemtuhan ng dalawa at tahimik lang ako
"Uyy bigla ka natahimik, okay ka lang?" si Nads
"Yeah, ina------"
"Inaantok siguro. Mga linyahan mo talaga saulado ko na" - Mary
Minsan sarap din lagyan ng zipper ang bibig nitong pandak na'to. Panira ng araw.
"Pero maiba ako Bullet, anong ganap sa inyo ni Raizel. Nawala na sa isip ko itanong. He gave you a gift nung nakaraang araw. Well except sa sweetness niyo ni Calyp hehe medyo aware ako dun. Sorry curious lang "
"Hindi pa ba obvious Nads? He likes her." deretsong sabi ni Mary
"Pwede bang wag na muna nating pag-usapan 'yon. Magkukwento ako pero hindi siguro muna ngayon"
"Sus. Ang sabihin mo nahihiya ka magkwento sa amin lalo na kay Nads. Usaping Raizel at Calypso ba naman. Haba ng hair"
"Hehe okay lang and sorry ulit sa pagtatanong."
"No its okay. Medyo di lang talaga ko komportable na ikwento ngayon"
"Hehe okay lang. Tara na lang kaya sa Canteen. Maaga pa naman, parang gusto ko din ata mag-chocolate drink, ako ang medyo inaantok pa kasi maaga ako napapasok."
BINABASA MO ANG
Under The Moon Clouds
Roman pour Adolescents'We never realize how frozen we are until someone starts to melt our ice' -Bridgett Devoue- "Names are inspired by true persons" Old Title: One Starry Night The Book Cover Is Not Mine - Credits to the owner 😊