Epilogue

47 0 0
                                        




"Tito! Dad! punta na po kayo sa unahan para sa pictorial" wika sa amin ni Nikko.

"Halika na Polo. Wag nating paghintayin ang pari." wika ko sa ama ni Nikko.

Isang masayang binyag ang naganap sa anak ni Nikko. Yes, may anak na si Nikko sa asawang si Nikki. Meron silang isang anak na si Nicole na napakagandang bata.





"Salamat Tony. Hanggang ngayon ay narito ka pa rin sa akin. Sa pamilya ko." paninimula nito habang nasa terasa kami ng hotel na pinag stayhan after ng binyag sa simbahan. Patuloy ang kasiyahan sa loob at kami ni Polo ay tumatagay.

"Pamilya na tayo Polo. Ang pamilya ay nagdadamayan." wikang tugon ko rito.

"Marahil pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana, ano?" saad ni Polo.

"Oo...pero okay lang yun. At least may magandang nasimulan tayo na ipagpapatuloy natin hanggang sa wakas." tugon ko.

"Maraming salamat sa malaking ambag mo sa pagkatao ni Nikko. Noong una ay medyo weird kasi pareho kami nagmahal ng isang tao at ikaw yun ngunit kalaunan ay napagtanto nito ang totoong damdamin niya sayo. Ikaw ang nagbigay sa kaniya ng direksyon maging sa kaniyang pag aaral." si Polo.

"Gagawin ko yun Polo dahil ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa anak mo at sayo. Pero aminin natin na ang panahon ay isang truth teller. Akala natin noon ay di na tayo makakamove on sa sakit at pangungulila subalit sa pagdaan ng araw ay nalampasan natin at napagtanto na hindi natin hawak ang kapalaran. Yun nga, isang araw tumawag sa akin si Nikko na hindi na niya maipapangako na magiging kami pagbalik niya dahil may babaeng nagpatibok ng puso niya. Ikaw din, di ko akalain na si Greg pala ang isang taong minahal mo kagaya ng pagmamahal mo sa akin." lahad ko.

"Hehehe... mas di ko inaasahan na magiging kayo uli ni Joseph after nitong mabalo. Hindi ko naisip na ang taong nambubully sayo noong high school tayo ay halos mamatay sa pagkagusto sa yo." wika nito.

"Yun nga ang twist hehehe...pero salamat Polo dahil bukas tayo sa bawat isa. Pamilya tayo kay Nikko."

Niyakap ako ni Polo habang may hawak kami ng baso na may lamang alak. "Kailanman hindi mababago ang katotohanan na minahal natin ang bawat isa at panghabambuhay na pagmamahalan" sabay naming wika.


"Sweet naman ng exlover na ito." wika ni Joseph sa amin ni Polo. "Pre, bat ngayon kalang?" tanong ni Polo sabay halik sa labi ni Joseph na agad naman sinagot ni Joseph."

"Pre, andaming trabaho sa opisina. Tinapos ko muna bago ako pumunta dito." wika ni Joseph sabay akap ng isang kamay sa aking beywang.

"Polo, si Greg..wala pa din." paalala ko sa aking kaibigan.

"On the way na raw. Alam mo naman ang taong yun andaming concerns. " tugon nito. Inaya ni Polo si Joseph sa nakahandang pagkain. "Kain ka muna Pre"

Dumating na si Greg kasama si Dexter ang pamangkin nito. Nakipagbeso beso ito sa akin."Tito Tony, miss you po." wika sa akin ni Dex.

"Kain na kayo ng Tito mo." wika ko kay Dex.

"Tony, halika dali...." aya sa akin ni Greg.

"Bakit?"

"I got coupons.... Maldives tayo this summer." wika ni Greg.

"Wow... sige!" tugon ko.





Hindi nagwakas ang pagkakaibigan namin ni Polo. Kasama sa nabuong pagkakaibigan ay sina Greg at Joseph. Exclusive kaming apat sa bawat isa pero kami na ni Joseph ang partner sa buhay. Gayundin sina Greg at Polo na dating magkasintahan noong pareho sila sa Singapore. Nagkahiwalay sila noong umuwi ng Pilipinas si Polo at si Greg ay napirme sa La Union. Subalit nang bumalik si Polo sa Singapore ay bumalik din si Greg sa Singapore at doon nagkabalikan ang dalawa.

"Seph, yung mga misis natin..magpapabuntis na naman satin sa mahal pang lugar. Pwede naman tayo sa Sogo Hotel hahaha' natatawang wika ni Polo.

"Ang misis mo Polo ang magastos..si Tony kahit sa kwarto namin solb yan lagi sa akin." tugon ni Joseph kay Polo.

"Sabagay pre, isang taon na ang nakalipas mula na maging exclusive tayong apat. Kaya gusto ni Greg maiba namang lugar." si Polo.

"Hon, complimentary ito ng aking kaibigan nagpagawa ng plano para sa resort nito sa Maldives. Pati tickets at accommodation ay libre lahat....so tuloy ba tayo?" Tanong ni Greg sa partner nito habang isang kamay ay nakayakap kay Joseph.

"wait lang... aayusin ko ang schedule ko baka di ako payagan ng general namin. " wika ni Joseph.

Napagkasunduan na sa susunod na buwan ay tutulak kami ng Maldive para doon maglibang at magpaligaya sa piling ng kaibigan, ex-lover at kapareha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon