Prologue

666 37 2
                                    

Hi, I'm Tasha Carson. 20 taong gulang at ako ay nag-aaral ng kursong Fine Arts sa University of Oxford.

Pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa mundo ng pantasya. Walang lungkot, sakit, at pagsisisi. Ito ay tungkol sa kaligayahan. Kaligayahang hindi mararanasan ng sinuman. Kagaya ng mga kwentong pantasya, mayroon akong hari sa buhay ko— si dad at isang reyna— si mom. Ako ay lumaki na puno ng kanilang walang pasubaling na pagmamahal at suporta. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng sakit emosyonal at pisikal, ito ay dahil hindi nila hinahayaan na mangyari iyon. Itinuring nila akong parang isang prinsesa na nakikita lang na perpekto ang buhay. Walang kulang at puro kasiyahan lang. Hanggang sa nagbago ito noong mamatay si mom dahil sa dinadamdam niyang sakit.

At ang masama ay, ang perpektong buhay na inaasahan ko ay mananatili na lamang bilang isang imahinasyon. Sa imahinasyon ko nalang.

Nalaman naming lahat ang pagtataksil ni dad at iyon ang isa sa dahilan ng pagkamatay ni mom. Alam niya na ang tungkol dito pero nagkunwari pa rin siyang walang alam para sa kapakanan ng pamilya namin, para hindi tuluyang masira ang masayang pamilyang iniingatan niya.

Isang kumpletong pamilya ngunit hindi na masaya.

Sa likod ng kaligayahang tinatamasa ko noon ay may masamang bagay pala na hindi ko inaasahang mangyari. Kahit ilang beses ko mang hilingin na sana ang lahat ng yun ay isang bangungot na lang, mananatili pa rin itong katotohanan na hinding-hindi ko na mababago pa. Isang bagay na kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik pa.

Pagkatapos ng masamang panaginip na iyon, nagbago ang isang tulad ko. Naging spoiled brat akong anak, gumagala, umiinom ng alak kasama ang iba't ibang kaibigan. Hindi na ako nakapagpokus sa pag-aaral noong nasa sekandarya palang ako dahil na aliw na ako sa mga makamundong gawain. Ang mga hindi kanais-nais na gawain ay ginawa ko na maliban na lamang sa pagdodroga at pakikipagtalik sa sinuman.

Hindi narin ako sumubok magtiwala ulit sa isang tao pagkatapos sirain ng isang tao ang tiwalang ibinigay ko, and it was my dad. Wala nang mas sasakit pa sa ginawa niya.

I hate him so much! Siya ang unang lalaking nagpaiyak sa akin. Oo, nagbago siya pagkatapos ng nangyari pero huli na, wala na si mom at hindi na niya maibabalik pa ang buhay na nawala.

Hanggang sa lumipas ang limang buwan. Hindi niya na nakayanang makita ang unti unti kong pagsira sa buhay ko nang dahil sa kawalanghiyaang ginawa niya. Kaya't nagpasya siyang dalhin ako sa Amerika para muling ayusing ang buhay ko, pero hindi ako pumayag sa kagustuhan niya. Mas gugustuhin ko pang mamuhay ng mag-isa at sirain ang buhay ko ng tuluyan kaysa makasama ko ang taong totoong dahilan ng pagkasira ng buhay ko.

Ngayon, namuhay akong mag-isa sa loob ng ilang taon. Pagkaalis niya, lumipat ako ng bahay sa lugar na hindi niya ako mahahanap. Binago ko rin ang sarili ko, lahat. Inayos ko ang sarili ko. at namuhay ng mag-isa nang walang gabay ng isang ama.

At masaya at kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon.

---------

My first and lastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon