Wag niyo po sanang husgaan yung story ko ^﹏^ first time ko pong gumawa ng story eh. Hehe ^﹏^
* * * * * *
"Anong mas maganda? Etong nauna o yung pangalawa?" Tanong ni bestfriend na si Adrian tsaka niya pinakita yung kakagawa lang niya na paintings."Mas maganda..........ako."
Agad akong nakatanggap ng malakas na batok mula sa kanya.
"Aray ah?" Sabi ko habang nakahawak sa ulo ko."Lul mo! Maganda? San banda?"
Ah ganon?
"Sa lahat ng banda!" Sagot ko.
Ginulo niya lang yung buhok ko.
"Di nga? Yung seryoso na? Anong mas maganda sa dalawa?""Sabi na kaseng mas maganda ak---mas maganda yung pangalawa. Oo yung pangalawa." Eh pano ba naman? Bigla niya akong binigyan ng isang death glare.
"Ah okay. Salamat short!"
Yeah. May endearment kami noh! Sinong nagsabing mag-jowa lang ang pwedeng magkaroon ng call sign?
Tall ang tawag ko sa kanya. Short naman ang tawag niya sa akin.
By the way, my name is Ethel Andrea Javier. Mas sanay akong tinatawag na Andrea. Ayoko ng Ethel dahil di ako sanay at mas maganda pakinggan yung Andrea. At in love ako sa bestfriend ko. Tama kayo ng nabasa. In love ako sa kanya.
Eh sino bang hindi maiinlove sa lalaking to? Bukod sa saksakan ng kagwapuhan, matalino din siya, magaling pa sa sports, gentleman, malambing, caring.
For short, ALMOST PERFECT.
Siya si Adrian Dominique Alonzo.
Ang hirap magkagusto sa bestfriend mo.
Araw araw ka na lang nakikipagtaguan ng feelings. Mahirap na kasi mabuko eh. Bukod sa baka mawala yung friendship namin baka maging awkward pa tapos baka tawanan niya lang ako."Short, punta tayo sa cafeteria? Gutom na ako eh. Tsaka baka gutom ka na rin."
"Sige tara." Sagot ko. Bigla naman niya akong inakbayan.
Eto nanaman. >///////
Dati, wala lang sa akin kapag inaakbayan niya ako. Ngayon naiilang na ako. Siguro siya hindi naiilang kasi wala naman siyang gusto sa akin eh. Pero ako naiilang na ako.Pumila siya sa counter. At infairness, libre niya ngayon ah. Huehue.
Pagkadating niya dito sa table, literal na nanlaki ang mga mata ko.
"Hala tall?! B-bakit ang dami?! Di ko mauubos yan!"
Tiningnan niya lang ako.
"Kumain ka ng marami short! Tingnan mo nga oh! Sobrang payat mo! Magpataba ka naman kahit konti!" Sermon niya.Tama lang kaya yung katawan ko! Makapayat naman to...
"Ayoko. Hala sayang yan. Di ko mauubos yan."
"No. Susubuan kita gaya ng dati."
>//////< please wag kang mamumula little cheeks. Bawal! Baka mabisto tayo!
Oo dati na naming ginagawa yun. Nagsusubuan kami. Pero iba na to para sa akin eh. Awkward dude~
"W-wag na. May k-kamay ako."
Napatingin naman siya sa akin ng may halong pagtataka.
Hala! Nabisto na kaya ako?!
WAAAAAAG NAMAN PO SANA! HABANG BUHAY AKONG HINDI MATATAHIMIK!
"Hala short? Ngayon ka lang tumanggi ah?"
Napaiwas ako ng tingin, pero agad na ibinalik ang tingin sa kanya tsaka ngumiti.
"Nakakahiya kasi eh. Andaming student dito oh." Palusot ko. Pero half correct. Nakakahiya kaya.
BINABASA MO ANG
Mag-isang Umiibig
Genç KurguSa dinami dami ba naman kasi ng pwede mong kahulugan, sa bestfriend mo pa. MASAKLAP. MAHIRAP. MASAKIT.