CHAPTER 2

126 6 0
                                    

Nakatambay kami ni Adrian dito sa garden dahil break time na.

"Short? Why did you do that? Bakit niyo ginawa nila Patricia at Avery yun? Bakit niyo pinagkaisahan si Riley?"

Napairap ako sandali.
"Bakit namin ginawa yun? Nakakabastos siya. At di namin siya pinagkaisahan nila Patricia at Avery! Sinabihan lang namin siya. Masama bang pagsabihan siya sa pagkakamali niya?"

Totoo naman kasi eh!

Ganito kasi yun...

*FLASHBACK*

"MAGMULA NGAYON, AKO LANG ANG SUSUNDIN NIYO! HINDI ANG OFFICERS. AKO LANG!"

Agad na tumayo si Patricia.
"Ano?! At sino ka para sundin?"

Tumaas ang kilay ni Riley at nagcross arms siya.
"I'm Riley Jez Dominguez, and I am the daughter of Mr and Mrs Dominguez, na isa sa may mga pinakamalaking shares dito sa school na to!"

Tumayo si Avery. Ang Vice President namin.
"Parents mo lang ba ang may mga malalaking shares dito? FYI, ang parents ko at nila Patricia, Andrea, at Adrian ay isa din sa may mga pinakamalaking shares dito sa school na to! Kaya wala kang karapatang magreyna-reynahan dito dahil hindi lang magulang mo ang may shares dito! At tsaka parepareho lang ang mga binabayad natin dito!"

"Excuse me? Ako nagrereyna- reynahan? Sorry. Di ako nagrereyna-reynahan dito. Kasi talagang reyna ako!"

Humarap si Patricia sa mga kaklase namin.
"Kahit anong sabihin niya at kahit anong iutos niyang gawin niyo, wag niyong gagawin at susundin ha? Kase panigurado, tuturuan lang kayo ng babaeng yan na gumawa ng masama."

"Correct guys!" Pagsang-ayon ni Avery.

"Excuse me? I'm better than the stupid and pathetic officers that you have elected." Sabi ni Riley sa mga kaklase ko.

Aray ha? Dahil isa ako sa mga officers. Ehem, secretary po ako.

Edi tumayo na rin ako. Nakakabastos na siya eh.
"You called us stupid and pathetic? Eh sino kaya ang mas STUPID AT PATHETIC ha?"

"Who are you anyway?" Mataray na tanong sa akin ni Riley.

Pinigilan ako ni Adrian pero di ko siya pinansin.
"Short...tama na yan..."

Hinarap ko si Riley at taas-noong sinagot siya.
"Ako si Ethel Andrea Javier. I'm one of the officers here."

Tumaas ang kilay niya.
"Then what makes you think na I'm more stupid and pathetic? Huh?"

Tumaas din kilay ko.
"Jan sa inaakto mong yan? Hindi ba yan pathetic?"

"Kaya nga!" Pagsang-ayon nila Patricia at Avery.

Napatakip si Riley ng bibig at parang gulat na gulat lang. Ang OA din neto eh. Tss.
"HOW DARE Y---"

Di na natuloy yung pag-aaway namin dahil pumasok bigla si Ms. Cuaresma.

*END OF FLASHBACK*

"Kahit na short! Dapat di niyo ginawa yun! Kabago bago ng studyante, inaaway niyo agad."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Eh siya? Kabago bago niya di man lang siya mahiya! Tss. Eh kung di ba naman siya nauna eh. Porket may gusto ka sa kanya, pinagtatanggol mo na siya. Wala na palang kwenta yung friendship natin eh. Sabi mo noon, kahit mali ako, kakampihan mo ako. Kase bestfriend mo ako. Bakit ngayon? Tama naman yung ginawa ko hindi mali, pero siya parin ang ipinagtatanggol mo."

Wow naman. Tampo pa ang gusto. Huehuehue.

Inakbayan niya naman ako.
"Sorry na ngarod short. Oo na. Sayo na ako kampi. I love you bestfriend. Bati na tayo ha?"

Mag-isang UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon