Agad na nag-init ang mukha ko.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Adrian.
"Ayan. Yang yakap ko na yan, ibigay mo kay Riley. Sabihin mo friendly hug ko para sa kanya."
Ay. Akala ko...hay nako Andrea! Wag ka ngang assuming! Kapatid ka nga diba? Tss!
Ang sakit nun ah. Akala ko para sa akin yung yakap. Yun pala...tss!
Tumango na lang ako at mabilis na tumalikod dahil ayokong makita ni Adrian na nangingilid na yung luha ko.
Tumakbo ako papunta sa likod ng school. Pagkadating ko...
Tss. Kalokohan. Wala naman pala siya dito eh. Makaalis na nga.
Pinunasan ko yung luha ko at inayos ko yung uniform ko.
"Hey you! Stop right there!" Napalingon ako sa likod. At di nga ako nagkamali. Si Riley nga yung sumigaw.
Nilapitan ko siya.
"Pwede sa auditorium na lang tayo mag-usap? Nakakatakot dito eh. Walang dumadaan na estudyante. Mahirap humingi ng tulong."Baka kasi patayin niya ako.
Umiling siya.
"Kaya kita pinapunta dito, dahil first of all...ang sarap mong sampalin!" At tsaka niya hinampas ng malakas ang pisngi ko.Napahawak ako sa pisngi ko at kusang tumulo ang mga luha ko.
Pero agad kong pinunasan ang mga luha ko at tiningnan siya ng walang kaemo-emosyon.
Sasampalin niya dapat ako sa kabilang pisngi pero nahawakan ko yung kamay niya kaya hindi niya naituloy.
"Ano bang problema mo? Ha?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Naiinis ako sayo! Dahil inagaw mo na sa akin lahat! Famous ka sa dating school na pinapasukan ko! Tapos famous ka rin dito! Eh mas maganda naman ako sayo! Tapos may bestfriend ka na ang perfect! Na iniingatan ka! Na sobrang sweet sayo!"
Napakunot bigla ang noo ko.
"So? Kilala mo na ako dati pa? Nung nasa Lincoln High ka pa?""OO! AT KAYO NI ADRIAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO LUMIPAT NG SCHOOL! KASE GUSTO KITANG SIRAIN AT GUSTO KONG BUMABA ANG FAME MO! AT TSAKA GUSTO KONG AGAWIN SAYO ANG BESTFRIEND MO AT GUSTO KONG MASIRA ANG FRUENDSHIP NIYO!" Sigaw niya.
Napakuyom ang palad ko sa narinig ko.
"Sa tingin mo ba ikinatuwa ko yung pagsikat ko?! Hindi diba?! Kailanman di ko ginustong sumikat! Aagawin mo sa akin bestfriend ko? Sisirain mo friendship namin?! Sorry Riley dahil di ako papayag na magawa mo yun." Tumalikod na ako sa kanya. Pero bago ako umalis, nagsalita ulit ako.
"Di ko maintindihan kung paano ka nagustuhan ng bestfriend ko. Di ko alam kung bulag ba siya o nagbubulagbulagan lang. Jan sa inaakto mong yan? You don't deserve a perfect guy like him. May gusto sayo kaibigan ko. Umayos ka naman. Ipakita mo sa kanya na deserving ka para sa kanya. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko, kaya di ako basta papayag na mapunta lang siya sa isang insecured, pathetic evil girl na katulad mo. Change your attitude." At tuluyan na akong lumakad papalayo.Anong akala niya? Basta basta na lang niyang masisira ang lahat ng pinagsamahan namin ni Adrian?
Magkamatayan na. Hinding hindi ako papayag na mangyari yun.
Pupuntahan ko sana si Adrian kaso naalala ko. Nagaway lang pala kami ni Riley. Di ko nagawa yung favor niya.
Kaya pupuntahan ko na lang sila Patricia at Avery.
Pumunta ako sa cafeteria. Dun sila madalas tumambay eh.
At di nga ako nagkamali.
"PATRICIA! AVERY!" Tawag ko."Uy! Andrea! Lika dito!"
Lumapit ako sa kanila.
"Ba't di mo kasama si Adrian?" Tanong ni Patricia.
"Ayoko muna. Baka mapagbuhusan ko siya ng galit ko kay Riley eh."
"Huh? Ano bang nangyare?" Tanong ni Avery. Kwinento ko lahat sa kanila ng nangyari.
"Sinampal ka niya?! Grabe! Kung ako yung andun sinabunutan ko na siya!" Inis na sambit ni Avery.
"Sabunot lang? Hah! Kung ako yung nandun sinipa sipa at pinagsasasapak ko na yun ah!" Inis rin na sambit ni Patricia.
"Actually, gusto ko ng gawin sa kanya yun kanina eh. Di ko lang tinuloy kasi naaawa ako sa kanya. Baka masira yung iniingat-ingatan niyang mukha."
"Sus! Mas maganda ka pa nga dun eh!" Pambobola nila.
"Nambola pa eh." Sabi ko.
"Hala to? Ayaw maniwala? Bahala ka. Basta ang totoo mas maganda ka dun." Sabi ni Patricia.
Bumalik na kami sa classroom dahil time na.
Pagdating namin sa classroom, nakita ko si Adrian na ang lapad ng ngiti.
Halaaaa. Nangyare na ba yung kinakatakutan ko?
Wala na talaga akong pag-asa kay Adrian.
Ay shunga ka Andrea! Matagal ka ng walang pag-asa jan! Assumming ka nanaman! Tsk!
"Oh? Bakit ang lapad lapad ng ngiti mo jan?"
"Shooooort!" Masayang bati niya tsaka ako niyakap.
Kinakabahan ako. Mukhang alam ko na kung bakit ang lapad ng ngiti niya eh.
"B-bakit ang saya saya m-mo?"
Kumalas siya sa pagkakayakap tsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat.
Napalunok ako ng mga tatlong beses.
Di ko alam kung tatanggapin ba ng buong pagkatao ko ang sasabihin niya eh. Kinakabahan ako.
Huminga siya ng malalim at ngumiti ng abot mata.
"Pumayag na si Riley na magpaligaw sa akin."
BINABASA MO ANG
Mag-isang Umiibig
Teen FictionSa dinami dami ba naman kasi ng pwede mong kahulugan, sa bestfriend mo pa. MASAKLAP. MAHIRAP. MASAKIT.