CHAPTER 5

94 6 0
                                    

Nakatulala lang ako dito sa kwarto habang nakaupo. Kanina pa nga ring ng ring yung phone ko, pero di ko sinasagot yung mga calls at di ko nirereplyan yung mga text messages.

Puro naman lahat galing kay Adrian eh. Ayoko. Wala ako sa mood.

Nakakadepress. Nangyari na nga talaga.

Grabe pala ngayong mga panahon na to. Di mo pa masiyadong kilala yung tao, gusto mo na agad. Di pa kayo ganun ka-close, liligawan mo na agad.

Bakit ako lang? Ang unfair naman eh! Ba't ako lang yung may na-develop na feelings for him! Ba't siya wala man lang kahit 1%.

Tanga ka ba Andrea? Pano siya magkakagusto sayo kung kapatid na nga turing niya sayo?

Tss. Tama na Andrea, move on ka na please. Ibaling mo atensyon mo sa iba.

Ng mejo okay na ako, kinuha ko yung phone ko at binasa lahat ng messages.

From: Tall
San ka na short? :( birthday ko ngayon diba? Kinalimutan mo na ako. :(

Ay tanga! ⭕_____⭕ Birthday nga pala ni Adrian ngayon! Ang tanga tanga mo talaga Andrea! Anong klaseng kaibigan ka? Birthday ng bestfriend mo nakalimutan mo? Tss.

Maliligo na sana ako ng bigla nanamang mag-ring yung phone ko.

From: Tall
Di kita masusundo short ah? Kailangan ko kasing sunduin si Riley eh ;)

Wow naman. KASAMA SI RILEY?! TAKTE EDI WOW! MAGSAMA KAYO! TSK!

Malungkot akong pumasok sa shower room. Wala na ako sa mood umattend.
* * * * * * *
Nag-cocktail dress lang ako na midnight blue ang color tas flats.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

"Manang Salbe!" Tawag ko sa maid.

"Bakit hija?"

"Aalis po ako kasi po birthday po ni Adrian. Magluto na lang po kayo ng ulam na gusto niyong kainin. Para sainyo lang po. Baka late na rin po ako makauwi. Tapos sila mommy po may titingnan lang daw po sila. Bye manang!" Tsaka ako ngumiti.

"Bye hija! Mag-iingat ka ah?"

"Opo manang!"

Lumabas na ako ng bahay at tinawag ang driver namin.

"Manong, sa bahay po nila Adrian."

"Okay ma'am."

May iba akong nafi-feel ngayon. Parang....may mangyayaring di maganda sa celebration ni Adrian.

Feeling ko mamalasin ako ngayon?

Aish! Wag ka kaseng nag-iisip ng ganyan Andrea! Think positive lang!

Okay. Maganda ang mangyayari ngayon. Di ako mamalasin.

"Andito na tayo ma'am." Huminga ako ng malalim at lumabas ng sasakyan.

"Salamat po manong." Tinanguan lang ako ni manong bilang sagot.

Tinitigan ko muna ang bahay nila at huminga ng malalim.

Act normal. Wala kang gusto sakanya okay? Di mo siya mahal na higit pa sa kaibigan. Wala kang feelings for him.

Wala pa pala akong regalo! Aish! Next week ko na lang ibibigay yung regalo niya.

Pagkapasok ko ng bahay nila ay agad akong sinalubong ng kambal na kuya ni Adrian,
"BUNSOOO!" Sabay na sigaw nila tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Miss na miss niyo lang ako Kuya Ethan at Kuya Nathan ah?"

Mag-isang UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon