Nakakawalang ganang pumasok. Feeling ko nag-iisa na lang ako. Pakiramdam ko namatayan ako ng isang napakaimportanteng tao sa buhay ko. Pakiramdam ko....wala ng rason para mabuhay ako.
Tinext ko si Patricia na di ako papasok ngayon.
*bvvt bvvt*(Vibration ng phone)
From: Pat
Why? Masama ba pakiramdam mo? You want me to go there, para bantayan ka?To: Pat
Thanks for the concern Pat. But I'n not sick. Wala lang ako sa mood pumasok remember nung Saturday at yesterday? :))Yes. Kahapon ay Sunday, at may nangyaring napakasakit.
*FLASHBACK*
Patricia, Avery and I decided to go to the mall. Pampaalis ng lungkot."Sa food court tayo!" Suhestyon ni Avery na tinanguan na lang namin.
Habang naglalakad kami papunta sa food court nasalubong namin sila Adrian at Riley na suot ang kwintas ko na binigay ni tita.
Nakaakbay si Adrian kay Riley.
Pagkalapit nila nakita kong nakatingin sa akin si Adrian kaya nginitian ko siya.
Pero...............nilampasan niya lang ako at di pinansin na para bang hangin lang ako.
Napayuko ako at umiyak. Hangin na lang pala ako para kay Adrian. Stranger na lang pala ako para sa kanya.
*END OF FLASHBACK*
Kaya kagabi, I made a decision na.
Mahal ko siya pero sobra na eh. Ayoko naman na habang buhay na lang akong nagpapakatanga at umaasa na kahit 1% man lang ay may pag-asa ako sa kanya.
Kaya napag-isipan ko na, hangin na lang naman ako para sa kanya at random stranger, bakit hindi ko tularan diba?
Magmula ngayon. Stranger narin siya sa akin.
Oo masakit at mahirap. Dahil yung pinagsamahan namin magmula elementary, ay naglaho na lang dahil sa isang babae at dahil sa bestfriend kong nagbubulagbulagan at mas pinaniniwalaan si Riley!
Humiga na lang ulit ako. Matutulog ako at sana di na ako magising.
*kring kring*
Aish! Istorbong caller naman yan oh! Tsk.
Sinagot ko yung call ng hindi tinitingnan kung sino yung caller.
"Oh?" Inis na sumbat ko.
Pero walang nagsasalita.
"Aba! Sabi na eh! Prank call lang to! Hoy ikaw! Wag mo nga akong pinagtritripan ngayon! Bad mood ako dahil namatayan ako ng bestfriend na mahal na mahal ko! Kaya wag mo akong pinagtritripan dahil sinasabi ko sayo gagawin ko lahat mahanap ka lang para saktan at sumbatan!"
Narinig ko lang na may huminga ng malalim at nag-sniff.
Sinisipon pa yung caller. Tsk. Ma-end call na nga. Istorbo eh. Di naman nakatulong. Tsk.
Condolence sa akin. Condolence.
"Con....dolence...*sniff*"
Adrian's POV
"ADRIAN!" Tawag ni Pat habang tumatakbo palapit sa akin."Bakit Patricia?"
"Di daw papasok si Andrea ngayon."
"T-teka? Bakit daw?"
"Namatayan siya." Matapos sabihin ni Pat yan ay agad siyang umalis.
Di ako tanga para hindi ma-gets yun. Hindi literal na namatayan si short.
Ahh shit! Naguiguilty ako sa ginawa ko.
Nung birthday ko...dapat naman talaga tampo lang gagawin ko nun eh...pero nainis ako nung binastos ni mama si Riley. Ewan ko pero nainis din ako kay short. Kahit naman alam kong walang kasalanan si short.
Tapos kahapon....
Kahapon...
Di ako nakatulog sa ginawa ko kahapon...
Sinadya ko yun. Sinadya ko na wag siyang pansinin. Dahil sabi ni Riley, bawal ko siya pansinin pag magkasama kami ni Riley.
Pumunta ako sa garden at umupo sa bench.
Tinawagan ko si Andrea, matapos ang apat na ring ay sinagot niya na rin.
[Oh?]
Sa tono ng boses niya, halatang di niya alam na ako ang caller.
Nanatili akong tahimik.
[Aba! Sabi na eh! Prank call lang to! Hoy ikaw! Wag mo nga akong pinagtritripan ngayon! Bad mood ako dahil namatayan ako ng bestfriend na mahal na mahal ko! Kaya wag mo akong pinagtritripan dahil sinasabi ko sayo gagawin ko lahat mahanap ka lang para saktan at sumbatan!]
Ng marinig ko ang boses niya na halatang naiiyak...eh di ko narin napigilan at kusang tumulo ang luha ko.
Huminga ako ng malalim at napa-sniff.
Sorry short....sorry....
Andrea's POV
Pagkagising ko agad akong bumaba para uminom ng tubig.Tanghali na pala.
Buti na lang nasa business trip pa sila daddy kaya di nila alam na di ako pumasok.
"Andrea hija? May bisita ka sa labas."
Napakunot ang noo ko. Bisita? Sino? Si Adr---i mean sila Avery kaya yan?
Lumabas ako para tingnan kung sino yung bisita ko.
Agad na nag-init ang dugo ko ng makita ko kung sino yung BWISITA ko.
"Anong ginagawa mo dito? Naghahanap ka nanaman ba ng panibagong gulo? Pwede ba? Tigilan mo na ako." Inis na sambit ko.
"Pwede ba? Papasukin mo muna ako?"
Umiling ako.
"Di kami nagpapapasok ng demonyo sa bahay."Di siya nag-react pero alam ko minumura at pinapatay niya na ako sa isip niya.
"Ano ba talagang sadya mo dito?"
Tanong ko."Well, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nandito ako para sabihin na layuan mo na si Adrian. Wag mo na siyang kakausapin o lalapitan. Here's your necklace. Basta ipangako mi a di mo na siya lalapitan. Okay bye." Dire-diretsong sambit niya tsaka pumasok sa sasakyan nila.
Napagplanuhan ko na yan kanina pa.
Pagkapasok ko ng bahay agad na nag-ring ang phone ko.
Tiningnan ko kung sino yung caller.
Si....Adrian.
Sinagot ko yung tawag pero di ako nagsalita.
[Short.....can we talk?]Wag Andrea. Wag. Pigilan mo sarili mo.
Huminga ako ng malalim.
"NO." Tsaka ko inend ang call.
BINABASA MO ANG
Mag-isang Umiibig
Teen FictionSa dinami dami ba naman kasi ng pwede mong kahulugan, sa bestfriend mo pa. MASAKLAP. MAHIRAP. MASAKIT.