CHAPTER 5.2

83 6 0
                                    

"Wow tita! Ang gaganda naman po ng bago niyong collections! Sabay sa uso eh!" Di ko napigilang mamangha ng makita ang jewlery collections ni tita.

Natawa si tita at tsaka lumapit sa akin.
"You can pick one if you like. Then you can have it."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Ang mamahal kaya ng mga to!
"R-really tita?!"

Tumango lang siya. Pinili ko yung necklace na may diamond sa gitna.

"Nice choice anak. Akin na. Isusuot ko sayo." Inabot ko kay tita yung necklace.

Matapos niyang isuot sa akin ay agad niya akong hinila paharap sa salamin.
"O ayan! Bagay na bagay sayo! You look PERFECT."

Wew. Flattered ako ah.

"Salamat po tita."

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko ay biglang nagsalita su tita.
"May tanong ako anak."

Napatigil ako sandali at napalunok.

"W-what is it tita?" Kabadong tanong ko.

"Who's Riley?"

"Ah. Transferee po sa school namin. And she's our classmate."

Napakunot bigla ang noo ni tita.
"Transferee lang? How come niligawan agad siya ni Adrian?"

Nagkibit-balikat lang ako.
"Siguro po uso parin ang love at first sight sa kanya."

Natawa at nailing na lang si tita.
"Mabait ba si Riley?"

Napatigil ako sa tanong ni tita. Sasabihin ko ba ang tunay na ugali niya?

Pero, kapag sinabi ko kasi kay tita kung sino talaga si Riley, parang naghahanap na rin ako ng ikagagalit sa akin ni Adrian.

Eh ayoko namang mangyari yun.
"Y-yes tita. She's nice and kind po. Kahit na we're not close, mabait po siya. At....alam ko pong mahal na mahal niya ang anak niyo."

Napagasp si tita.
"Really? O my gosh! I must apologize to her later. Nasaktan ata siya sa sinabi ko a while ago."

Natawa ako. Note, pekeng tawa.
"Yeah tita. You must.........apologize to her."

"Let's go down na anak. Baka hinahanap na tayo ng mga bisita."

Tumango lang ako. Humiwalay na si tita dahil kakausapin niya pa daw yung mga kumare niya.

Hinanap ko sila Kuya Ethan at Kuya Nathan pero, sad to say, di ko sila mahanap.

Sa gitna ng paghahanap ko, ay may nakabunggo akong matangkad na lalaki, maputi, katamtaman ang katawan, messy hair at chinito gwapito.

Oo gwapo siya! ^_^

"S-sorry miss...a-are you hurt?"

Umiling ako.
"I'm completely fine." Sabi ko at tsaka siya nginitian.

Ngumiti rin siya pabalik.
"Mark." Tsaka niya nilahad ang kamay niya for a hand shake.

"Andrea." Sabi ko at tsaka shinake yung kamay niya.
"Una na ako Mark ah? May hahanapin lang ako. See you around!"

Tumango lang siya at nginitian ako.

"ANDREA!" Napalingon ako dun sa MGA tumawag sa akin.

Huwaaaaaaw. Hulog ng heaven.

"Patricia! Avery!" Tsaka ako tumakbo palapit sa kanila.

"Andrea...balita namin andito daw si Riley?" Bulong ni Patricia.

Mag-isang UmiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon